Returned Letters
Formerly Ang Crush ko na hindi nagrereply sa Love letter ko
Copyright 2013 © Thyriza
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
..................................
Alam niyo ba yung feeling na di ka gusto ng crush mo?
Ang sakit diba?
Para kang tinutusok ng karayom kapag nakikita mo siya at iba kasama niya.
Masakit kapag nagkakasalubong kayo pero iba ang tingin niya.
Kahit isang sulyap, di niya mabigay sayo.
Minsan naisip ko nang tigilan na ang crush ko sakanya.
Pero di ko kaya.
Di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakikita sa flag ceremony.
Pwede na nga akong awardan ng best stalker of the year eh.
Alam ko lahat ng schedule niya.
Alam ko kung saan siya nakatira.
Alam ko kung ilang taon na siya, birthday niya, mga past girlfriend niya.
Oo, ganun ako ka-obsess sakanya.
Pero alam mo kung ano yung masakit?
Yung pinapadalhan ko siya ng love letter everyday pero nakakabalik sa akin.
Di niyo gets?
Araw-araw kasi iniipit ko sa locker niya ang love letter ko. Confessing my feelings for him.
Pero araw-araw din. After uwian, nakikita ko ang love letter ko nakabalik sa locker ko. Nakaipit din.
Kahit masakit tinatago ko pa din. Iniisip ko na kahit papano hinawakan niya yung sulat ko.
Positive thinker kasi ko eh.
Pero isang araw nahuli niya ako.
"Bess, tigilan mo na yung kalalagay ng love letter sa locker niya. Wala namang nangyayari eh. Ang masakit pa, binabalik niya sayo!" sermon sa akin ng bestfriend ko na si Mandy.
"Wag ka ngang nega Mandz. Alam mo naman ako. Di sumusuko!"
"Ah ewan ko sayo."
After kong magsulat ng letter kay Aero, Oo si Aero Magnum. Ang isang sikat na football player sa school namin.
Nilagay ko siya sa sobre at pinaipit ulit sa locker niya.
Alam niyo ba na si Aero ang dahilan kung bakit ako di nalelate?
Syempre kasi maaga dapat ako sa school para mailagay ko sa locker niya yung sulat ko ng walang nakakakita. Though my pangalan ko siya, nahihiya pa din akong mahuli.
Bago ko nga pala makalimutan ako si---
"Ikaw!!" Natigilan ako sa tumawag sa akin. That voice! Kahit minsan ko lang siyang marinig kilalang-kilala ko pa din. Di ko magawang lumingon. Natatakot ako. Alam kung alam niya na kung ano ang ginagawa ko sa harap ng locker niya.
"Ikaw ba yung naglalagay ng love letter sa locker ko?" sabi niya at ramdam kong papalapit siya.
"H-ha? D-di ko alam pinagsasabi mo!" sabi kong nakatalikod pa din.
"Humarap ka nga sa akin!" maawtiridad niyang utos. Umiling ako ng mariin.
"Ayaw ko!"
Bigla niyang hinawakan ang balikat ko kaya nahulog ko yung sulat ko para sakanya.
"Uwaaaaaaahhhh!" Dahil sa gulat at halo-halong emosyon, napatakbo ako ng sobrang bilis.
Naikot ko ang ground floor saka ako tumakbo pataas ng room sa 4th floor!
Huhuhu. Ang sakit na ng legs ko!
Dapat kasi di ako tumakbo!
Ang tanga ko talaga!
Uso naman mag-deny diba? Bakit di ko yun naisip?!
Kasi di uso sa akin mag-isip kapag natataranta!
"Oh, bess. Anong nangyari sayo?! Bakit ka pawisan dyan? Sino bag humabol sayo?!" sunod-sunod na tanong sa akin ng bestfriend ko.
"Langya! Bess... Besssss!!!" nagtititili ako kahit hirap akong huminga. Binatukan naman niya ako.
"Umayos ka ngang babae ka! Sinong nang-rape sayo?" Nung nakarecover na ako sa almost death ko, tiningnan ko ng masama si bess. Late reaction ba? Hehe.
"Si... Si Aero..."
"Nirape ka ni Aero?! Wow bess! Dream come true yan!" Sabi niyang pumalakpak pa. Binatukan ko naman siya.
"Di niya ako nirape!!" sigaw ko sakanya.
"Ay? Akala ko pa naman." Malungkot niyang sabi. Isang nakakamatay na death glare ang binigay ko sakanya. Siya ata ang bestfriend na tuwang-tuwa kapag nalaman na ang bestfriend niya eh narape!
"Nakita niya ako!" sabi ko!
"So? Yun lang pala eh!! Ang OA mo!" tinarayan nanaman ako.
"Hindi lang niya ako nakita! Hinawakan niya balikat! Whaaaaahh!!!" nagtatalon ako.
"Talaga?! Whaaaahh! Narape ka na nga niya!!! Whaaaaahhh!!!" sabay kaming nagtatalon.
Tumigil lang kami nung dumating mga classmate namin.
"Magkwento ka pa.."
Nagkwento ako kay bess. Pareho kaming kinikilig. Partners in kilig kami niyan ni bess ko eh.
Dumating ang teacher namin sa english pero lutang ang utak ko. Buti na lang nagpalecture lang sa amin.
Sa filipino ganun din. Nagsagot lang si ma'am sa activity notebook.
***
Recess na at di ako makalabas ng room.
Ayun kasi sa classmate naming si Patty, ang pinaka tsismosa sa campus, may hinahanap daw si Aero. Yung babae daw na naglalagay ng love letter sa locker niya.
"Ang sabi pa ni Patty, kilala lang daw sa mukha ni Aero yung babae pati sa pangalan pero di daw alam ni Crush mo kung anong year ka na at kung anong section ka." balita sa akin ni bess. Huhuhu. Alam niya pala hitsura ko.
"Huhuhu. Bess, paano ako nito nakakalabas?" nag-aalala kong tanong.
"Basta mamayang uwian sabay tayo. Pasalamat ka na lang di sinabi ni Aero pangalan mo. Kung hindi kukuyugin ka ng fan girls niya!"
"Uwaaaah!! Bess! Mag move on kaya ako?!"
"Bopols ka pala eh! Ngayon mo lang narealize?!"
"Uwaaaaahhh! Ayokong mapahiya!"
Buong araw nasa classroom ako. Dinalhan lang ako ni bess ng pagkain. Buti nga di naman nagtataka ang mga classmate ko.
Pero sa totoo lang, kinakabahan ako. Paano kung ipahiya ako ni Aero?
Sana wag naman.
Mga bandang 4 oclock ng mabalitaan ko kay Patty na nasa 4th floor daw si Aero at naghahanap.
"Uwaaaaahhhhh!! Bess!! Anong gagawin ko!!" hinihila ko ang uniform ni bess.
"Umayos ka nga! Halika isuot mo to!" binigay niya sa akin ang bonett.
"Eww!"
"Wag ka na ngang maarte!" Isinuot ko yung bonett kahit labag sa loob ko.
Grabe naman si Aero. Umabot pa sa 4th floor para lang hanapin ako at ipahiya!
"Bess, daan muna ako sa locker ko ha. Mabilis lang." sabi ko kay Mandz. Kukunin ko lang kasi yung love letters ko kay Aero na binalik sa akin. I will burn them. Like letters to burn.
Nilagay ko yung lahat ng sulat sa shoulder bag ko. Pati yung books ko sa Math at Physics kinuha ko din para mareviewan mamaya. Makareview kaya ako?
"Eunica!" nanigas ako ng marinig ko ang boses na yun. Huhuhu. I'm doomed!
"A-ano yun?" humarap ako sakanya. Ang lapit niya pala sa akin. Naamoy ko ang pabango niya.
"A-Aero.. I-ikaw p-pala." sabi kong di makatingin sakanya.
"You're stuttering. You're obvious." he said teasingly.
"He-he-he."
"I came here to give you this." inabot niya sa akin yung letter ko kanina. Napulot niya pala. As expected. Binalik niya sa akin.
"S-salamat." sinaraduhan ko yung locker ko saka patakbong umalis sa harap ni Aero.
Masakit! Sobrang sakit! </3
Siya mismo nagbalik ng sulat para matigil na ang delusional heart ko!
Siguro tama nga si bess. Enough na!
Ang sakit na eh!
Di ko na nakita si bess. Nakakainis naman siya. I need her kaya! Shoulder to cry on man lang.
Pumunta ako sa garden ng biology class. Doon ko ibubuhos yung luhang pinipigilan ko.
Siguro nga di lang crush yung nararamdaman ko ngayon. Siguro, mahal ko na siya. TT^TT
Umupo ako sa bato na may pinturang color pink.
Hawak ko pa din yung sulat ko na binalik ni Aero.
Kita kong binasa niya yung sulat kasi punit na yung sobre.
Atleast pala pinag-aaksayahan niyang tawanan gawa ko.
Kinuha ko yung sulat sa loob ng sobre. Gusto ko lang basahin yung sulat ko para sakanya.
Dear Aero,
Siguro sawa ka na sa katatanggap ng sulat galing sa akin. Pero ganito talaga ko eh. Di ako sumusuko. Sana pansinin mo ako. Kahit isang sulayap lang, kuntento na ako. Kahit isang hi lang masaya na ako. Ganun ako kababaw pagdating sayo. Kahit binabalik mo lahat ng sulat ko para sayo ayos lang.
PS: Bagay sayo yung rayban shades mo kahapon.
From: Eunica
Napabuntong hininga ako sa sulat ko. Tutupiin ko ulit sana siya ng mapansin kong may sulat sa likod.
Binasa ko siya..
Dear Eunica,
Ikaw na ata ang pinakamakulit na babae na nakilala ko!
Wait! Pause muna. Intro pa lang nasasaktan na ako.
Ok, continue...
Ilan beses mo na akong pinadalhan ng sulat! At ilang beses ko na din sinabi sayong sulat na nagreply ako pero sadyang matigas ulo mo! Pakiramdam ko tuloy binabalewala mo lahat ng reply ko. Sasabihin ko sayo kahit gasgas na to. HINDI KITA CRUSH!
Uwaaaaahhh! Basted agad ako! Huhuhu!!!
I crampled the letter. It hurts! So much!
Tumayo ako sa pagkakaupo saka pinunasan yung luha ko.
Ang OA ko lang. Umiiyak ako kasi di ako crush ng crush ko!
"Hoy engot!!" nakita ko nanaman siya! Wag ka ng magpakita sa akin Aero!
"Alam kong di mo pa tapos basahin yun!!"
"Eh? Pano mo nalaman?" takang tanong ko.
"Kasi kung tinapos mo sana masaya ka."
"Eh?" Ang gulo din ni Aero.
"Ano ba yung huli mong nabasa?" tanong niya.
"A-ano.. D-di mo ako crush." nakayuko kong sabi. Pakiramdam ko kasi tutulo nanaman ang luha ko.
"Engot ka talaga!"
"Alam ko." mahina kong sabi.
"Di kita crush.."
</3
"..kasi mahal kita." Pakiramdam ko yung luha kong on the way ng bumagsak sa pisnge ko eh umurong pabalik sa mata ko.
"A-anong sabi mo?" nakatingin na ako sakanya.
"Mahal kita." saka siya lumapit at pinitik yung noo ko.
"Aww."
"Kaya ba binabalik mo lahat ng sulat ko kasi my reply ka sa likod nito?" tanong ko.
"Oo." nakangiti na siya.
"Eh mas engot ka pala eh!" natahimik naman siya.
"..sana hiniwalay mo yung reply mo! Bobo!" binatukan ko siya. Lakas ng loob ko noh?
"Ang harsh mo naman." reklamo niya.
"Ikaw kasi eh!! Nung 2nd year hs pa kaya ako sayo sulat ng sulat! Tapos ngayong graduating ka na saka ko lang malalaman!"
"Eh sori na. Torpe ko eh. Tsaka di ko alam na 3rd year hs ka. Akala ko kasi pareho tayong 4th year. Sa flag ceremony lang kasi kita nakikita eh. 2nd year pa lang ako crush na kita. Isang beses tinanong ko sa classmate mo kung anong pangalan mo, kaso nakalimutan kong itanong kung anong year ka na. Kaya laking gulat ko nung 3rd hs ako, last year ng makatanggap ako ng sulat galing sayo na crush mo pala ako."
sobra akong overwhelmed sa confesion ngayon ni Aero.
"Ibig sabihin mas nauna kang nagka-crush sa akin?" di ko makapaniwalang tanong.
"I guess so."
" ^____^ " napangiti lang ako sakanya sa sobrang galak.
"So Eunica Perez, ok lang ba kung ligawan kita?"
Gusto ko pa sana magpakipot kaso ayaw ko din eh. Hihihi. Landi ko!
"Oo naman, Aero Magnum. Pwede mo akong ligawan." bigla-bigla na lang niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"I love you, Eunica."
"I love you too, Aero.
Ako si Eunica Perez. And this is the start of my love story.
~o~END~o~
_______________________
Hihihi. Ako na ang lame. Hihihi. Di ako marunong magpakilig eehh!
Free kayo mag throw ng tomato sa akin. ^////^
Hi Kay Mandy and Eunica. They really exist in real life. My bestfriends. ^__^ Sayang wala silang wattpad. Mga silent readers lang yun eh..
XOXO
~Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top