26
26
"It seems your friends are looking for you," Ani Nico.
Napakamot naman ako sa ulo. "Oo eh,"
"Friends ko rin hinahanap pala ako, kita na lang tayo later baka kasi maligaw ang utak este maligaw yung mga yun rito sa school niyo masyadong malawak," Natawa siya.
"They can't survive without me." Dagdag pa niya at natawa kami pareho.
Nag-hiwalay muna kami ng landas para puntahan ang kaniya kaniya naming kaibigan.
Akala ko ay nagbibiro lamang si Hallie sa sinabi niyang maraming tao sa booth namin pero laglag panga akong lumapit sa booth namin na nag-mistulang may artista.
"Finally, dumating din ang Reyna!" Sabi ni Pia, natawa naman ang dalawa ni Hallie at Xyie.
Siniko ako ni Xyie. "Iba din ang timpla ng kape ah, dinumog eh." Aniya.
Matapos kong tulungan sila ay nag-paalam ako na hahanapin ulit si Nico.
"Sige, balik ka na sa bebe loves mo." May pag-irap pa si Pia.
"Hala siya oh, para namang walang hinaharot ah," Natatawang ani Hallie.
"Shhh!" Si Pia.
"Kung pag untugin ko kayong tatlo na may bebe?" Natawa kami sa reaksyon ni Xyie.
"Magiging bebe pa lang, charing!" Sabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top