20

20

Agad kong hinanap sa may stage si Nico.

"Nasaan na ba siya? Laki laki na niya eh naligaw pa, sabagay di ko naman siya masisisi kasi bago lang siya nakarating dito." Pagkausap ko sa sarili.

Hindi naman nagtagal ay nalapatan na ng aking paningin ang nawawalang si Nico. Nakaupo siya sa hagdanan ng stage at nakatutok sa phone niya. Nakatanggap ako ng message sa kaniya at sabi niya ay naroon nga siya sa hagdan.

"NICO!" Tawag ko sa kaniya at nilapitan.

Iba ang pakiramdam ko, siguro dahil after 10 years o isang dekada ay ito kami magkikita. 7 pa lang kami ng huli kaming nagkita at hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya.

"Hi," panimula niya.

"Hello," tugon ko naman.

Bigla kong naalala na hindi nga pala ako nagpaalam kila Hallie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top