CHAPTER 3 WONDERFUL TONIGHT



NAJELLA CONTESSA

Tonight, I realized that Earl was freaking handsome! Nang pumasok kaming magkakaibigan sa campus ay agad ko siyang nakita na nakatayo sa malapit sa guardhouse, alam kong ako ang hinihintay niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi humanga sa kanya. Sanay ako sa simpleng pananamit niya pero ngayong gabi ay parang ibang-iba siya.

Halos tumalon ang puso ko ng makita ko siyang papalapit sa akin, bagay na bagay sa kanya ang suot, napaka-elegant tingnan. Pinauna ko ang mga kaibigan ko para makasabay ko si Earl at alam kong iyon din ang gusto niya. Wala akong masabi, hindi rin umiinit ang ulo ko kahit may mga sinasabi siyang hindi ko gusto at alam kong inaasar niya ako. Nanatili akong kalmado hanggang sa mag-umpisa na ang program, hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya kahit ang paghawak sa kamay ko no'ng pumasok kami sa venue ay hindi ako nakapagreklamo.

'Ayoko ng ganitong pakiramdam,' saway ko sa aking sarili dahil sobrang lakas ng tahip ng dibdib ko lalo pa't nanonoot sa ilong ko ang mamahaling pabango niya. 'Hindi puwede ito dahil best friend lang kami at hanggang doon lang. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayong gabi.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang nagsiupuan na ang ibang mga estudyante sa kanya-kanyang table, hindi naman ako kasali sa sasayaw kaya kampante akong naupo sa upuan na katabi ni Earl. Hindi ko namamalayan ang oras dahil busy akong kausapin ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko. Nadadakip ko ang sarili ko na nakatitig kay Earl, buti hindi niya ako nakikita dahil medyo madilip sa part namin.

Tapos na ang cotillion at nagsiupuan na rin ang iba pa. Halos isang oras kami naghintay para sa dinner dahil medyo matagal ang performance ng cotillion. May mga waitress at waiter ng nag-aayos ng mga mesa para sa dinner kaya nanatili na ang lahat sa kani-kanilang puwesto. Apat kami sa isang mesa at kaklase rin namin ni Earl ang nandoon. Tahimik lang kaming kumain, hindi kami nagkakarinigan kahit magkuwentuhan pa kami dahil malakas ang tugtog.

"Papalapit sila Meagan at Lainerry," binulungan ako ni Earl na nakatingin sa mga kaibigan ko, umalis na rin naman ang dalawang kasama namin sa mesa kaya kami na lang dalawa. Nanghinayang ako dahil akala ko ay kami lang ni Earl pero siyempre masaya naman dahil makakasama ko ang mga kaibigan ko, tumayo ako para salubungin ko sila ng biglang may bumunggo sa aking waitress at may dalang mga pinagkainan.

"Aray.." Naapakan pa ang paa ko.

"Shit!" bulalas ni Earl. Siguro nag-alala siya sa akin ngunit hindi ko napansin na natapunan pala ang suot ko, sa may tagiliran ko.

"Dahan-dahan naman, Ate!" sinigawan ni Earl ang waitress na dumaan pero agad ko siyang nakilala. Pinsan ko siya sa side ni Papa, hindi na lang ako umimik para walang gulo. Uuwi na lang ako dahil nakakahiya ang suot ko. Mayroong ketchup pa namang natapon.

"Who is that?! I saw her! Sinadya niya ang banggain ka!" galit si Lainerry sa nakita. Hindi ko namalayan na nakalapit na ang mga kaibigan ko at nasaksihan nila ang pang-aapi ng mga pinsan ko dahil hindi nila ako matanggap kahit kailan.

"Ayos lang ako. Siguro uuwi na lang ako, tapos na rin naman ang okasyon," paalam ko sa kanila habang pinupunasan ko ng tissue ang puting gown na suot ko.

"Mayroon pang photoshoot mamaya. Hindi pa tapos tapos mayroon pang after party," malungkot na saad ni Keith.

"Okay lang. Mauuna na ako sa--"

"No. Come here." Hinawakan ni Earl ang kamay ko na patuloy sa pagpupunas sa mantsa ng damit ko. "Maiiwan muna namin kayo. Babalik kami agad," dagdag niya pang paalam sa mga kaibigan ko. Ano ba ang balak niyang gawin? Hindi na ako nagreklamo pa dahil hatak-hatak niya ang kamay ko.

"Kilala ko siya." Akala ko mananahimik lang siya pero huminto kami sa guardhouse at may kinuha siya kay Manong Guard. Narinig kong nagpasalamat pa si Earl at saka binalikan ako sa kinatatayuan ko.

"Let's go. Change your clothes," utos niya sa akin habang ibinibigay ang malaking paper bag.

"Ano 'to?" tanong ko kahit obvious naman. Ito ang dahilan kaya sinabi niya kahapon na dadaanan niya ako sa bahay at sabay kaming pupumunta ng school.

Hindi na siya umimik. Alam kong naiinis na naman siya doon sa pinsan ko. Nagpatiuna na siyang pumunta ng classroom namin. Tanaw ko na bukas ang ilaw kaya doon ako magbibihis.

"I'll wait you here," utos niyang pinagbuksan pa ako ng pintuan. Sa labas lang siya ng room. Super protected talaga ng isang ito at palaging handa siya sa tuwing kailangan ko siya. Mabilis kong naibaba ang zipper ng white gown na pinahiram ni Lainerry sa akin at bago ko hinubad ay kinuha ko muna ang damit na ibinigay ni Earl. "Wow!" hindi ko mapigilan ang sarili ko ng makita ko ang kulay pink na long gown; bakless ito na mayroong mga silver beads sa gilid ng v-neck, baka makita naman ang dibdib ko? Nag-aalinlangan man ngunit kailangang kong magmadali dahil nag-announce na for photoshoot.

"Earl! Mukha naman ako nitong maglalakad sa red carpet! Seryoso ka? Para sa akin talaga ito?" sigaw ko kay Earl. Hindi ako makapaniwala, sobrang ganda ng long gown, mermaid style ang sa ibaba. Mayroon pang kasamang high heels na double strap. 'Seryoso? Ang galing niya pumili ng damit a.'

Walang arte kong pinalitan ang high heels ko at comfortable nga sa paa ko ang ibinigay ni Earl. Kahit ang sukat ay sakto lang sa paa ko. Nakakapagtaka na talaga siya. Halos alam niya ang lahat-lahat na tungkol sa akin. "Let's go!" sigaw ko kay Earl habang nakasandig sa labas ng room. Wala siyang reaksiyon ng lumabas ako pero kitang-kita ko ang kislap ng kanyang mga mata.

"Ang tindi mo! Jell. Tara na! Baka hindi tayo makasama sa group pictures." Kinuha niya ang bitbit ko at isinara ang pinto. Pinauna niya akong maglakad kaya medyo naasiwa ako dahil kitang-kita ang likod ko sa suot kong iyon. Ako lang ang naka-backless sa Prom. Wala akong nakikitang ganoon amg suot.

"Hala! Superb sa change outfit ang Reyna ni Lorence!" tili ni Lavelle na sobrang napahanga rin sa suot ko. Kahit ako hindi makapaniwala na makakapag-suot qkong ganoong outfit e'.

"Nasaan ang red carpet! Doon si Najella padaanin!" sigaw ni Keith na kinikilig pa. "Astig ng best friend mo a' sigurado ka bang lalaki 'yon? Daig pa tunay na babae kung pumili ng outfit! Grabe! I salute him!" sabat naman ni Meagan.

Buti wala pa si Earl dahil hinatid sa guardhouse ang paper bag na pinagpalitan ko para daanan na lang mamaya kapag uwian na. Hindi niya narinig ang mga sinabi ng kaibigan ko. Nahihiya tuloy ako dahil feeling ko marami ang nakadikit na mata sa akin. Kase ang pinsan kong iyon! Masama talaga ugali nila, kahit sa prom ay hindi nila ako pinalampas.

Nabaling ang atensyon namin ng magsalita ang emcee na kailangan na naming umakyat sa stage para sa group pictures, sabay-sabay na kaming lima umakyat ng stage nakita kong nakabuntot si Ajax kay Meagan at patakbo rin si Earl, kakabalik niya lang galing guardhouse.

Unang pictures ay buong section at dahil unang section kami. Nauna kaming pinaakyat. Group pictures tapos lahat girls at lahat naman boys. Kaya ng matapos na kaming mga babae ay agad ng bumama sa stage at bumalik sa mesa kung saan kami galing kanina. Naiwan namin sila Earl sa stage. Alam kong marami ang mata na nakatitig sa akin at wala akong pakialam sa kanila. Kahit medyo hindi ako sanay sa atensiyon ay nagpapakasaya na lang ako kaysa sa sirain ko ang memorabling gabing ito. Ayoko na lang pansinin ang pinsan ko kahit nakikita siya ng gilid ng aking mga mata. Wala akong ginagawang masama kaya hindi ako dapat yumuko sa kanila.

...♪ If you're not the one then why does my heart feels this way
If you're not the one then why do I dream of you at night ♪

'Shit!' Bulong ko sa sarili habang tinanaw ko si Earl pababa ng stage. Ang palagi niyang kinakanta sa tuwing tumatambay siya sa bahay. Kitang-kita ko rin ang paglingon ni Zane sa akin at binigyan ako ng matatamis na ngiti.

"No. It can't be," saway ko sa sarili ko dahil parang gusto ko siyang takbuhin para agad na makalapit ako kaya lang hindi ko magawa dahil makikita ako ng mga kaibigan ko. "At bakit ko ba gagawin iyon?" para akong baliw na kinakausap ang sarili. 'Najella! Behave, hindi ka ganyan.' Kahit ang utak ko ay hinaharangan ang nararamdaman ko. Nanatili na lang akong nakaupo at hinintay silang nakabalik sa upuan.

"Ayaw ninyo sumayaw?" tanong ni Lainerry kila Ajax at Earl na nakatayo lang sa likuran namin.

"Ganda-ganda ng sweet dance e'! Hoy, Earl isayaw mo si Najella dahil sayang ng outfit niya ngayong gabi. Sige ka maunahan ka nila." Sabay turo ni Keith sa paparating na mga lalaking estudyante, hindi naman sure kung papunta talaga sa kinaroroonan namin ngunit mabilis akong nahatak ni Earl papunta sa gitna ng sayawan.

"Gusto mo 'kong madapa? Dahan-dahan ka nga!" bulyaw ko sa kanya na ikinagulat ni Earl.

"She is back!" Natatawang sigaw ng nasa likuran namin. Sumunod pala sila Ajax at Meagan. Nang-aasar si Ajax habang nakasimangot naman si Earl.

"Kung kaladkarin mo 'ko e' para namang mayroong aagaw sa akin," bulong ko na lang para hindi marinig nila Ajax ang pinag-uusapan namin.

"Sorry na. Kanina ko pa kase napapansin ang mga lalaking iyon na nakatitig saiyo. Ayaw ka nilang tantanan kaya inunahan ko na para hindi ka nila makuha sa akin," saad ni Earl na nagpalawak ng ngiti ko.

"Ano ako? Bagay lang? Puwede nilang makuha agad-agad? Para kang aagawan ng laruan e'."

"Hindi ka laruan. Sa ganda mong 'yan. Si Mommy ang pumili ng gown na 'yan. Buti alam niya ang taste mo. Bagay na bagay sa'yo. Itago mo na 'yan. Regalo ko na 'yan saiyo." Walang kurap na saad ni Earl.

"Ibalik mo lang ito. Sobrang mahal nito, sigurado 'yan. Sayang noong perang pinambili mo. Ibalik mo ito. Ipapa-laundry ko na lang bukas." Nakakahiyang tanggapin dahil hindi ko na naman masusuot ulit.

"Hindi ako manghihinayang dahil alam kong naging masaya ka ngayong gabi. Okay? Saiyo talaga 'yan. Noong isang buwan ko pa binili 'yan. Hindi ko lang maibigay saiyo dahil baka masunog mo. Para kang dragon araw-araw."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top