CHAPTER 2 PROMENADE


LORENCE EARL MORALES

THIS is bad, mayroon na akong kakaibang nararamdaman para sa matalik kong kaibigan at alam kong hinding-hindi niya ito magugustuhan kaya kailangan kong pigilin hanggat kaya ko. Well, nagawa ko na dati na iwasan ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya noong Elementary kami, kaya magagawa ko ulit ngayon alang-alang sa pagkakaibigan namin.

Magpapanggap akong wala akong pakialam sa kanya dahil ayokong ipagtabuyan niya ako. Kahit ang pagtulog ko sa bahay nila ay baka hindi ko na magawa. Paano na kapag wala ang Tatay nila Najella? Kapag nasa trabaho tuwing gabi? Hindi ko sila masasamahan dahil maiilang siya sa akin kapag sinabi kong may gusto ako sa kanya. Kaya huwag na lang! Mamimiss ko ang dalawang makulit na sila Nasai at Nafai.

Ako si Lorence Earl Morales, nag-iisang anak at tagapagmana raw ng negosyo ng mga magulang ko, they own a famous Pure Gold Supermarket, at first I'm so overwhelmed as an only child of my Parents but they did'nt know that I found a mere of paper in their safety vault that I am not their real son. My parents were unable to conceive children of their own, so they legally adopted me. I was so sad on that day when I found the truth but later on I slowly understand and accept my own fate. Pero sa isang sulok ng isip ko ay gusto ko pa ring makilala ang totoong mga magulang ko kung mayroong pagkakataon man pero kung hindi papayag ang nakagisnan kong magulang ay irerespito ko sila dahil hindi naman sila naging masama sa akin. They loved me from head-to-toe and giving me everything they have.

I am in third year highschool, struggling to hide my real feelings to my best friend. Days passed, then weeks, then months, things happen normally. Janella Contessa was getting busy in her studies, I am happy to see her enjoying the life with her new friends, lahat naman sila babae kaya okay lang na lagi sila ang kasama ni Najella. Dahil tuwing uwian naman ay nakakasama ko na si Najella dahil sabay lang kami naglalakad pauwi at kapag walang pasok ay doon ako sa kanila naglalagi.

"Hindi ka hahanapin sa inyo? Kahapon ka pa rito," ayokong pansinin ang tanong ni Jell dahil mukhang gusto niya na naman akong pauwiin.

"Nagpaalam naman ako kila Mommy at sasabihin naman ni Papa sa kanila na nadito ako sainyo," giit ko.

"Papa ko! Hindi Papa lang!" nagmamaldita na naman ang best friend ko.

"Umuwi ka na, pauwi na naman si Papa mamayang hapon kaya may kasama na kami mamayang gabi. Tsaka malaki na ako, kaya ko ng ipagtanggol ang mga kapatid ko," mahabang litanya ni Najella.

"Parang hindi mo na ako kailangan a' diritsohin mo na lang kayang sabihin na 'Hoy! Lorence Earl huwag ka ng pupunta rito sa bahay dahil ayaw na kitang makita! Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo!' ganyan." Nanlalakihang mga mata ang pumukol sa akin.

"Kapag hindi ka tumahimik baka masaktan ka pa sa akin! Alam mong gumagawa ako ng project! Ang ingay-ingay mo d'yan!" reklamo ni Najella. Totoo namang gumagawa siya ng project. Group project pero dahil siya ang pinakamatalino sa kanilang magbabarkada ay siya ang taga-gawa ng project at gusto niya naman dahil hindi na siya kasama sa contribution.

Sobrang bait ng best friend ko, minsan nga lang may lahing dragon at tigre; nagsasanib kapag naaasar sa akin. Ang cute kase niyang asarin at iyon lang ang tanging paraan ko para makuha ko ang atensiyon niya, para tumingin siya sa akin dahil sobrang focus siya sa kanyang pag-aaral, ayaw niya ng may humaharot sa kanya, lalo na sa loob ng campus. Mayroon siyang pangarap na hindi niya sinasabi iahit kanino kaya kailangan niyang makapagtapos ng pag-aaral at makapag-trabaho agad.

Sinubukan ko rin namang magbigay ng atensiyon sa iba kasu hindi ko talaga kaya. Si Najella ang palaging nililingon ng puso ko, siya lang ang gusto kong makasama sa araw-araw at wala ng iba.

"Partner tayo sa Prom kahit hindi ko sigurado kung sasali ka, basta ikaw ang kukunin kong ka-date. Okay?" magkausap kami habang pauwi nang hapon na iyon. First week of February at nag-announce na ang school na magkakaroon ng Prom kaya kailangan na naming maghanap ng kanya-kanyang partner at siyempre si Najella lqng gusto ko.

"Ano?! Ulitin mo 'yong huling sinabi mo?" nagtataray na naman siya. Nagkamali lang ako ng grammar.

"Sabi ko hihintayin kita sa date na iyon dahil ikaw ang gusto kong partner," paliwanag ko kahit sobrang linaw naman ng sinabi ko. Ayss babae talaga.

"Paano kung ayoko?" hirit ni Najella.

"Alam mong hindi kita pipilitin. Basta sinabi ko lang dahil alam mo ring hindi ako maghahanap ng ibang kapartner," magulo siyang kausap pero alam ko ang likaw ng utak niya pagdating sa akin.

Excited ang lahat ng Junior at Senior sa gaganaping Prom. Kahit ang kaibigan kong si Ajax ay ginawa ang lahat para maging kapartner niya si Meagan. Ginawa pa nilang tulay si Morisette ang kababata niya. Kaibigan ko na rin si Ajax simula freshmen dahil naging magkaklase kami at magkatabi sa upuan kaya alam kong matagal na niyang crush si Meagan Medrano ang kaibigan rin ni Najella.

Nag-usap kami ni Najella na sabay kaming pupunta ng campus sa araw ng prom. Dadaanan ko siya sa bahay nila dahil may ibibigay ako sa kanya pero hindi ko pa sinasabi kong ano. Kaso nga lang nang dumaan ako ay wala na doon ang bwst friend ko, nagpaalam raw kay Papa na kila Aurry Keith sila magkikita-kita para magpa-ayos ng buhok at make-up. Nakakapanghinayang pero okay lang naman. Atleast aattend siya ng Prom.

"Sayang ang binili kong long dress at shoes niya. Nagpatulong pa naman ako kay Mommy para pumili kasu hindi pala masusuot," kinakausap ko ang sarili ko habang sa passenger seat ako, hindi pumayag si Daddy na magcocomute ako dahil madaling-araw na raw magsisiuwian, kaya hihintayin lang ako ni Manong Mario hanggat matapos ang Prom.

"Puwede mo naman sa kanyang ibigay mamaya. Malay mo suutin niya 'yan," saad ni Manong Mario, nakita niya siguro akong nakasimangot habang hawak-hawak ang paper bag para kay Najella.

Around seven at night nakarating na ako sa campus, may mangilan-ngilang estudyante na rin ang naroon ngunit wala pa ang magkakaibigan. Gusto ko sanang sunduin pero may sasakyan rin pala si Aurry Keith kaya maghihintay na lang ako sa may guardhouse at si Manong ay pinauwi ko na muna dahil matagal pa ang gugugulin niya para hintayin ako at bago pa umalis si Manong Mario ay inaabot sa akin ang paper bag na para kay Najella.

Halos kalahating oras ako naghintay ng sa wakas ay narinig ko ang tawanan ng magkakaibigan sa labas ng campus at sakto naman na nag-announce ang emcees na mag-uumpisa na ang program, nakakalungkot dahil wala ng oras para ibigay ko pa kay Najella ang surprise ko. Pinatago ko na lang sa guardhouse dahil nakakahiya kong bibitbitin ko pa sa loob ng Covered Court; kung saan gaganapin ang Prom.

Biglang nadapo ang mga mata ko sa limang pamilyar na imaheng kakapasok lang sa gate. Pero mas natuon ang pansin ko sa best friend ko, kakaiba siya ngayong gabi, nakasuot siya ng white haltered fitted long gown at medyo tumaas siya ng konte. Hindi kita ang suot niya sa paa pero siguradong high heels iyon. Nahagilap ako ng kanyang mata kaya napahinto siya dahil alam niyang pupuntahan ko ang kinaroroonan niya. Nagpahuli siyang maglakad sa kanyang mga kaibigan para hintayin ako.

Lahat sila naka-long dress at ibat-ibang kulay. Alam kong si Lainerry ang may kagagawan ng mga outfit nila ngayong gabi, masiyado silang outstanding ngayong gabi kaya nagtitinginan ang mga kabataang lalaki kapag nadadaanan nila. "Hala! Ikaw pala 'yan Lorence!" napatili si Aurry Keith ng makita ako sa suot kong black Americana. Hinahanap nila si Najella kaya napatingin sa hulihan at ako ang bumungad sa kanya. Lahat sila ay napalingon tuloy sa amin ni Najella.

"Ako lang ito. Tahimik lang sa likod ninyo. Isipin n'yo na lang na bodyguard ako," pagbibiro ko kay Keith na ikinatawa niyang malakas.

"Baliw! Mukha kang Prinsipe e' paano ka mapagkakamalang bodyguard?!" sabat naman ni Lavelle.

"Ay Prinsipe ba? Katabi ko kase ang aking Reyna," banat ko rin na ikinakirot ng tagiliran ko dahil naabot ni Najella para kurutin.

"Pero ang totoo,ang guwapo mo ngayon, Earl. Nakss! May pinopormahan ka no?" saad ni Lainerry. Okay na sana 'yong unang sinabi niya e' pero dinagdagan pa. Baka awayin na naman ako ng katabi ko.

"Thanks for coming, Jell. Akala ko nasaan ka na, dumaan ako sa bahay ninyo para sabay na sana tayo pumunta rito." Hindi na ako nakatiis kaya kinausap ko na siya.

"Sino kasama mo? Mag-isa ka lang? Hinatid ka?" sunod-sunod na tanong ni Najella, siguro nag-alala rin siya dahil mag-isa lang akong naglakad papunta ng campus.

"Si Manong Mario, hinatid ako at mamaya susunduin niya ako ulit dahil wala ng sasakyang magbibiyahe kapag hating-gabi na," sagot ko.

"Kanina ka pa? Sorry nabasa ko iyong text mo kaya lang naroon na ako kila Keith at hindi na ako makareoly dahil walang load," paliwanag niya. Bakit pakiramdam ko ay guilty si Najella dahil hindi ko siya naabutan sa bahay nila? Tahimik siya ngayong gabi at hindi rin ako tinatarayan.

"Okay lang 'yan. Alam ko naman na busy ka magpaganda, ang mahalaga ay nandito ka na, may partner na ako."

Kakaiba talaga siya ngayong gabi. Hindi niya kinokotra ang sinasabi ko. Bumabagay sa itsura niya ang pagiging mahinhin, nakakatawa naman kase kong magkikilos siyang amasona e' ang ganda-ganda ng suot niya tapos nakalugay pa ang pinakulot na buhok. Mukha talaga siyang Reyna sa paningin ko.

Bago pa ako malunod sa kagandahan ni Najella ay nag-umpisa na ang program, papasok na kami sa entrance na kasama ang mga partner namin kaya puwesto na ang lahat sa labas ng covered court para magsimula na ang okasyon. Nasusundan namin sila Ajax at Meagan kaya naiinis ako kay Ajax dahil kinikilig sa partner niya.

Buti na lang malayo ang puwesto ng ibang kaibigan nila Najella kaya hindi nila makikita kapag hinawakan ko sa kamay ang best friend ko. Ayoko ng inaasar nila dahil nagagalit sa akin ang aking reyna. "Gusto mong sumama mamaya?" bulong sa akin ni Najella habang naglalakad na kami papasok ng venue.

"Sumama saan?" tanong ko.

"Sa hasyenda nila Abby. Doon kami matutulog hanggang bukas dahil isi-celebrate namin ang Birthday nila Keith at Abby," giit pa ni Najella. Akala ko pa naman sa bahay niya ako isasama at kami lang dalawa doon. Umasa na naman ako.

"Sige. Sige. Sasama ako sa inyo. Kasama rin ba si Ajax?" sabay tanong ko para naman may kajamming ako doon.

"Ay hindi ko lang sure dahil hindi pa naman masiyadong close sila Meagan at Ajax, baka tumanggi si Ajax," giit ni Najella habang patuloy pa rin kaming naglalakad patungo sa puwesto namin. Hindi kami kasama sa cotillion kaya puwede na kaming maupo sa kanya-kanyang table namin dahil after ng candle lighting at cotillion dance ay dinner na muna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top