Chapter 1 ~ Coolest Friend


I need to be strong, I need to be brave dahil walang ibang inaasahan si Papa kundi ako. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral ng walang sagabal dahil iaahon ko sa hirap ang pamilya ko. Marami akong pangarap at hindi iyon para sa sarili ko. Kundi kay Papa at sa mga kapatid ko. Mayroon akong kambal na kapatid na sunod sa akin, eight years old sila Nafai and Nasai, grade three na sila ngayon. Namatay si Mama sa panganganak sa kanila dahil hindi namin agad nadala ni Papa sa hospital.

Walang tumulong sa amin sa mga oras na iyon dahil walang-wala kami, kahit ang mga kamag-anak ni Papa ay hindi kami pinapansin. Ayaw nila sa amin dahil maruming babae raw si Mama, nakuha lang ni Papa sa kung saang lugar noong nagtatrabaho siya sa Maynila. Kailangan kong maging matatag para sa mga kapatid ko at para kay Papa, hindi puwedeng ganito na lang kami habang-buhay ang apihin nila at tapak-tapakan lang.

Isang taon na lang ako sa sekondarya kaya puwede na ako magtrabaho kapag nakapagtapos na ako. I'm 16 years old and I know a lot of job. Kaya may tatanggap na sa akin kapag naghanap ako ng trabaho. Si Papa kase construction worker siya at pahinto-hinto ang kontrata kaya siguradong hindi na ako makakapag-aral ng kolehiyo.

Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil alam na nila ang gusto nilang kurso at kung saan mag-aaral next year. Samantalang ako nag-iisip na kung saan puwede magtrabaho. Alam naman nila ang kalagayan ko at masuwerte ako dahil sila ang naging kaibigan ko. Lalo na si Lainerry, marami na siyang naitulong sa akin at sa mga kapatid ko, halos siya na ang bahala sa mga school contribution ko kahit todo tanggi ako ay nalalaman ko na lang na paid na ako. Balang-araw susuklian ko ang kabaitan niya sa akin.

I have a greatest dream. Mayroon rin naman akong pangarap para sa sarili ko at sobrang taas noon na masiyadong impossible para maabot ko. Pero hindi ko naikuwento kahit kanino dahil baka matawag akong ambisyosa. Some people may laugh at you for dreaming something big, but it's okay, I have to go on, I have to believe with myself and I have to keep going untilI finally reach my main goal in life.

I slowly ignore those human who doesn't believe in me and I stay away from people who cling on ne in my wonderful and sunny days then during my doomsday they'll dissappear right away. I ignore them completely because I love myself for dreaming big and I'll do everything to be successful and someday I will look back and I know, I will be glad that I did not give up. I will be glad that sometimes I dreamed once.

Well, I can't imagine my self as a teacher like Aurry Keith's dream, a Chef that Meagan love to do because she wants to own a restaurant, an owner of airlines and travel agency; that was Lainerry, mat naghihintay na agad na trabaho sa kanya at kahit huwag na siya magtrabaho dahil mayaman na siya. A hasyendera, it's Lavelle; she owns a huge farm land and thousand of livestock. Ang ganda ng lugar nila Abby, ilang beses na kaming nagfoodtrip sa kanila, sobrang nakakarelax kapag pumupunta kami sa farm nila at sigurado akong mauulit pa iyon ng ilang beses dahil napakasarap magluto ng Mama ni Abby.

Ako si Najella Contessa at sobrang suwerte ko dahil may mga kaibigan akong alam kong hindi ako pababayaan kahit kailan, sila ang pangalawang mayroon ako, una ang pamilya ko at pangatlo si Earl; kahit hindi ko maintindihan kong anong mayroon sa amin ay ramdam ko rin na hindi niya ako hahayaang mag-isa. Palagi siyang sumusulpot sa tuwing kailangan ko ng tulong, lalo na kapag sa wala si Papa sa bahay at walang magbabantay sa mga kapatid ko. Siya ang palaging nasa tabi ko at nagtatanggol sa akin.

Kaklase ko si Earl simula Elementary kaya alam na alam niya lahat ng pinagdaanan kong hirap sa buhay. Siya ang natatakbuhan ko sa tuwing hindi ko na kinakaya ang sakit. Noong nawala si Mama ay sa kanya ko ibinuhos lahat ng sakit at hinanakit ko sa mundo. Kulang na lang sa bahay siya tumira para maging kapatid ko na siya. Papa na rin ang tawag niya kay Papa dahil halos sa bahay siya tuwing linggo at kapag walang pasok.

"Halika nga rito bruha!" Hatak-hatak ako nila Lavelle at Lainerry papunta sa likuran ng classroom namin, hindi ako makapalag dahil nakahawak sila sa magkabilaang braso ko.

"Anong mayroon sainyo ni Earl?" tanong ni Abby na parang may nagawa akong malaking kasalanan. Ayoko muna sabihin sa kanila kung anong sitwasyon namin ni Earl dahil baka asarin lang kami at baka maging dahilan kaya mag-iwasan kaming dalawa. Kilala ko ang mga kaibigan ko, pipigain nila ako hanggat hindi sila kontento sa sagot ko. Nakita siguro nila kami na magkasabay pumasok sa campus.

"OA naman, akala ko ano na e'. Bakit? Ano bang mayroon sa amin? Kaklase natin siya diba?" palusot ko at sana bumenta sa dalawang ito.

"Maang-maangan pa. Sobrang sweet ninyo noong isang araw e' may pahampas-hampas ka pa sa kanya at pakurot-kurot sa tagiliran niya. Tapos nakita naming nagbubulungan pa kayo," litanya ni Lainerry. Ano ba 'yan! Matalas talaga ang mga mata nito! Paano nila kami makikita e nandoon kami sa baba ng riverside at halos natatakpan ng mga malalaking punong kahoy ang tambayan na iyon.

"Baka hindi ako 'yon? Kayo ang palagi kong kasama diba? Paano ako mapupunta doon? Namamalik-mata kayo," kailangan kong i-deny sa ngayon para hindi ako masabunutan ng mga kaibigan ko. Sasabihin ko rin naman sa kanila sa tamang pagkakataon at siguro kapag nakapagtapos na kami ng highschool. Buti na lang wala si Meagan at Keith dahil hindi ako makakaisip ng isasagot sa kanila at pagtulong-tulungan nila ako para aminin ko ang tungkol sa amin.

Ayoko lang talaga ng issue at gusto ko magfocus sa pag-aaral, maiintindihan naman nila iyon balang-araw. Totoo namang walang namamagitan sa amin ni Earl. Masiyado lang kaming close sa isa't-isa dahil alam naming ang kuwento ng buhay ng bawat isa.

"Bilis mo maglakad! Buti naabutan pa kita, sabi ko hintayin mo ako. Bakit ka ba nagmamadaling umuwi?" reklamo ni Earl na lakad-takbo ang ginawa para makasabay sa akin.

"Ikaw ha! Lumayo-layo ka sa akin dahil nakakapansin na ang mga kaibigan ko. Sabi ko naman saiyo na huwag kang didikit kapag nasa school tayo e' ayaw mo makinig."

"May nagawa ba akong krimen? Kung umasta ko d'yan e' wala akong karapatan saiyo. Kaibigan rin naman kita." Kunwari nagtatampo ang tono ng boses ni Earl.

"Magsisimula na naman tayo? Diba nga---"

"Oo na! Hindi na ako didikit saiyo sa school." Putol ni Earl ng sasabihin ko. Mabuti na lang iba ang daan pauwi sa amin kaya walang makakita sa aming palaging magkasama ni Earl pauwi ng bahay. Si Lavelle at Meagan ay pareho ang daan pauwi sa kanila. Si Lainerry naman sa highway palaging dumadaan dahil nakakotse siya at si Keith sa kabilang daan ang pauwi sa bahay nila.

"Sabi mo iyan ha? Huwag ka ng dumikit muna sa akin at huwag mo akong haruton kapag nasa campus tayo. Masasaktan ka sa akin!" warning ko sa kanya. Para tahimik lang ang buhay ko at walang nang-aasar. Hindi tulad ni Meagan na halos alam namin ang istorya ng lovelife nilang dalawa ni Ajax.

"Don't worry hindi na ako didikit saiyo at maghahanap ako mg bagong haharutin sa school kung ayaw mo!" lumabas sa bibig ni Earl na awtomatiko namang lumipad ang kamay ko sa batok niya.

"Hindi ko sinabing maghanap ka ng iba! Ang sabi ko huwag mo akong lalapitan kapag nasa campus tayo!" Mahaba ang ngusong bulyaw ko sa kanya. Nakakainis siya! Alam niya naman na ayokong may ibang babaeng umaaligid sa kanya e'.

"Oo na po, Mahal na Reyna! Ikaw na ang masusunod palagi namang ikaw e' kailan ba ako tumanggi sa mga gusto mo," sambit ni Earl na ikinatawa ko. Alam niya na gustong-gusto ko ang mga sinasabi niya.

"Umayos ka. Hindi puwedeng malaman ng mga kaibigan ko na natutulog ka rin sa bahay baka anong isipin nila sa atin." Pinandilatan ko siya ng malaking mata ko para itatak niya sa kanyang isipan ang mga pinagsasabi ko.

"Opo. Hindi rin ako manliligaw saiyo. Malinaw na malinaw, My Queen," pang-aasar ni Earl. Hindi siya titigil hanggat hindi ako maglupasay na naman sa inis sa kanya. Araw-araw niya na lang akong pinipikon.

"Hindi ko sinabi na manligaw ka. Ang sabi ko umalis ka sa harapan ko dahil nakaharang ka. Para kang aso na sunod ng sunod sa akin, hindi naman ako mawawala sa loob ng campus na iyon." Iningusan ko siya.

"Sabi mo kase noon e' samahan kita palagi dahil nalulungkot ka. Kaya sinussunod ko lang naman ang utos mo," palusot pa ng makulit na ito.

"Oo na pero huwag naman OA. Kitang-kita ka nila Lance na nakatitig ka raw palagi sa akin eh. Kahit nasa loob ako ng room ay sasamahan mo pa rin? Okay lang ako doon. Wala sa aking mang-aaway sa loob ng room. Okay?"

"Sige. Nag-aalala lang naman ako dahil baka sugurin ka na naman ng mga maldita mong pinsan tapos wala ako, hindi kita maprotektahan laban sa kanila. Kaya pasensiya na kung ganito ako," paliwanag ni Earl, naiintindihan ko naman ang side niya at guilty tuloy ako dahil inaaway ko naman siya.

"Tsaka. Baka may lumapit sa'yo at manligaw kaya gusto kong makita nila na nakakasama mo ako para alam nila kung saan sila lulugar."

Seryoso na si Earl sa sinasabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? Bawal ako magpaligaw sa iba? Bawal may lumapit sa aking ibang lalaki? Bakit ano bang lugar niya sa akin? At alam niya naman na wala pa sa isip ko ang mga ganoong bagay e. Kinakatakot niya?

"What do you mean? Hindi ako puwedeng magpaligaw? Paano kung may magustuhan ako? Hindi puwede?"

"Ay naghahanap ka ng boyfriend? Puwede naman ako, Najella. Nandito lang ako. Sabi ka lang. I'm willing to be your man. I'll do everything to be your perfect and cute boyfriend," pa-link-blink pa siya ng mata habang sinasabi iyon at titig na titig sa akin. Bigla tyloy tumahip ang dibdib ko at nang-init ang pisngi ko.

"Pinagsasabi mo! D'yan ka na nga! Bagal mo maglakad! Aalis si Papa e! Walang kasama sila Nasai at Nafai!" bulyaw ko sa kanya at patakbo na akong pumasok sa eskinta papunta sa bahay namin. Ang lalaking 'yon, anu-ano ang lumalabas sa bibig. Nakakapanibago siya at nagugulat ako sa mga pinagsasabi niya.

Hala, apektado ba ako? Bumibilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa mukha niya na nasa isip ko at nakangiti pa siya sa akin. Shit! Najella Contessa, hindi na normal ito. Kailan ko ng umilag sa mga banat niya dahil natatamaan ka na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top