98-Phone call
(Narrative)
Sometime in 1988
Huminga nang malalim si Mia Mirasol Fortes nang makarating na siya sa kanyang apartment. Agad siyang napaupo at sumandal sa sofa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Isang mahabang araw ang lumipas sa kanya at ito ay kanyang ginugol sa pag-aasikaso ng mga batang pasyente at mga sanggol sa isang public hospital dito sa Dumaguete. Hindi madaling maging doktor, ngunit pinangako niya sa sarili na kanyang tatapusin ang nasimulan na. Buti ay nagtagumpay siya dito, kasama na rin ng suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Pakonsuelo na lang niya na cute at nakakaaliw ang kanyang mga munting pasyente. May gustong kumuha ng kanyang tiger stuffed toy sa klinika, meron naman na umiyak pagkatapos mabakunahan, at may isang batang babae na 5 taon gulang ang panay tanong sa kanya. Gusto rin daw nito maging doktor gaya ni Doctor Mia, ang kanyang paboritong pediatrician.
Noong isang taon ay natapos na siya sa kanyang Pediatric residency program sa parehong ospital pagkatapos ng tatlong taon. Nakapasa na rin siya sa diplomate exam ng Philippine Board of Pediatrics. Nagbunga rin ang kanyang mahabang panahon ng pag-aaral.
Tumayo si Mia mula sa sofa at hinubad ang kanyang puting doctor's coat. Napatingin siya sa orasan. 7:35pm na. Kaya pala kumakalam ang kanyang sikmura. Kakainin na lang niya ang tirang ulam sa ref.
Akmang lalakad na siya sa kusina nang mag-ring ang kanyang telepono. Agad lumapit dito si Mia at inangat ang receiver.
"Hello Doc?"
"Ranie! Napatawag ka!" Galak na bati ni Mia sa kausap. Naupo ulit siya sa sofa. "Kumusta ang married life kasama si Silvestre?"
"Ito, adjustment period pa rin," natawa si Ranie. "Minsan nagtatalo kami kahit sa simpleng bagay gaya ng ulam, pero agad kaming nagbabati pagkatapos."
"Salubungin mo ng loving-loving," biro ni Mia. "Iba talaga ang buhay may-asawa, buti ako, wala pa!" Tawa nito sabay sandal sa sofa.
"Kakaiba nga love story namin, akala ko tuluyan na siyang naglaho, tapos bumalik siya nang buhay!"
"Alam kong abot tainga ngiti mo diyan, Ranie," ika ni Mia. Di rin niyang mapigilan na ngumiti sa naging kapalaran ng kanyang dalawang kaibigan. Siya nga ang unang nakaalam na buhay si Silvestre, na isang dating aktibista na inaakalang pinatay.
"Mia, inaaya kitang umakyat ng Baguio, tapos sa Benguet. Dadalawin natin si Ferdie," alok ni Ranie. "Kasama natin sila Alma at Jepoy pati na rin sila Tina at ang asawa niyang si Nimrod. Reunion ng Ligalig."
Nanahimik si Mia sa kabilang linya. Muntik na niyang mabitawan ang telepono ngunit hinigpitan na niya ang hawak dito.
"Ranie, alam mo naman na break na kami, matagal na," paalala ni Mia.
"Magkikita lang bilang magkaibigan, baka ito na rin ang makatulong sa iyo magdesisyon kung mananatili kang mag-isa o bibigyan ulit si Ferdie ng pangalawang pagkakataon," paliwanag ni Ranie.
Napalugok si Mia. Buti na lang at di siya nakikita ni Ranie sa mga oras na ito. Namawis ang kanyang noo at mas bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Oo nga, tama siya. Hindi siya nakapag-asawa hindi dahil busy siya sa pag-aaral sa loob ng mga nagdaang taon at sa pagiging doktor.
Hindi lang niya maamin sa sarili na hinahanap pa rin niya si Ferdie. Kahit 31 years old na siya ay hindi pa rin niya ito makalimutan.
"Sige, sasama ako. I'll just take a leave of absence from my hospital."
"See you, Mia!" Galak na tugon ni Ranie.
"Bye Ranie. See you soon!"
Ibinaba ni Mia ang telepono.
Maybe this trip to Baguio and Benguet will change her life for the better or not at all.
Kinakabahan man siya sa maaring maganap, ngunit inisip niyang baka ito ang kailangan niya para mapanatag ang kanyang puso na ayaw siyang pakawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top