96-Med proper


Pasensya na, aking diary, ngayon lang kita nasulatan.



Babad na babad ako sa pag-aaral at research habang ako ay nasa med school. Ilang taon din ang lumipas...1979, 1980, 1981, 1982...next year, 1983, at huling taon na bago ako makapag-review para sa board exams. Sana makapasa para maipagpatuloy ko ang pangarap kong maging pediatrician.



Nakakamiss ang mga araw na ako ay pre-med student pa lamang. Mas seryoso na ako ngayon bilang med student, lalo na kasama nito ang aking pamumuhay na mag-isa. Inalok naman ako ng isang dorm unit na malapit dito sa unibersidad. Ako ang nag-aasikaso ng lahat, mula pagkain, paglalaba sa weekend, at ang hawak kong pera. Every month ay nagpapadala si Papa ng allowance ko at kailangan kong tipirin iyon. Mahirap noong una, pero kaya ko naman pala maging independent.



Ang laki ng aking pinagbago. Miss ko na ang dating ako na carefree at walang pakialam sa mundo.



Pero tama rin ang naging desisyon ko na mabuhay sa dorm. May mga kaibigan ako dito at tulungan kami sa aming pag-aaral. Nagkaroon ako ng nobyo, kapwa ko estudyante sa med school, pero nagtagal lang kami ng 7 buwan.



Bukod sa pagiging kapwa abala sa pag-aaral, sinabi ko sa binatang iyon na di ko kaya ang pakikipagrelasyon kung balak kong mag-aral at makapasa ng board exam. We parted ways politely. Buti tanggap niya ang aking desisyon.



Oo minahal ko siya, pero minsan, nangungulila pa rin ako kay Ferdie. Minsan naiisip ko pa siya, kung kumusta na kaya siya. Sana maayos ang kanyang kalagayan. Sana ay naghihilom din siya mula sa kanyang mapait na karanasan nang siya ay arestuhin.



Si Bestre ay naiisip ko rin. Kung pumanaw man siya, ipinagdarasal ko ang kanyang kaluluwa.



Si Ranie naman ay nakatapos na rin sa kanyang BS Mass Communications Course. Nagsusulatan kami at minsan ay may long distance call din. May trabaho na siya ngayon sa isang radio station at halatang masaya naman siya dito. Ngunit nasabi niya sa akin na umaasa pa rin siya na babalik si Bestre sa kanya. Sumang-ayon na lang ako imbes na sabihin na baka wala na ang kanyang hinihintay.


Kung magiging kami sa bandang huli, alam kong kusang magkukrus ang aming mga landas kahit na hindi ko sadyain ito.



Sa ngayon ay pipiliin ko ang aking sarili at kinabukasan. Bahala na kung makakapag-asawa man ako o hindi.



For now, I'm good.



Mia

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top