95-Mini family reunion
May 1979
Nagpunta dito sa Davao sila Papa kasama si Mama at Kuya Wency.
Naging malugod ang aming pagkikita pagkatapos ng dalawang taon. Mahigpit na yakap ang sinalubong ko sa kanila, lalo na si Mama, na lumuha sa aking balikat.
Sa unang pagkakataon ay magaan ang aking kalooban sa kanya. Sana dito na magsimula ang paghilom.
Kumain kami sa isang seafood restaurant para sa pananghalian, at pagkatapos ay nagtungo kami sa isang parke at palengke para mamili ng mga pasalubong nila na babaunin sa Maynila.
Habang kami ay magkakasama ay naikwento ko ang aking pagpasok sa med school proper.
Inalok ako ni Papa na sa Maynila muli mag-aral. Ito ay pinag-iisipan ko pa sa ngayon. May alok sa akin ang isang prestihiyosong unibersidad sa Dumaguete at ito ay full scholarship dahil sa aking Magna Cum Laude standing noong aking graduation.
Alam kong nami-miss ako ni Papa. Pero masaya naman ako sa piling ng aking tiyahin at pinsan.
Sa bandang huli, nasabi ko na ang aking desisyon. Sa Dumaguete ako mag-aaral at matututong tumayo sa sarili kong mga paa.
"Malaki na iyang unica hija natin," ika ni Mama kay Papa. "Bigyan mo siya ng pagkakataon na maging independent," dagdag niya.
"Basta magtitino ka na, hija," tawa ni Papa.
"Mag-uwi ka naman ng mapapangasawa pagkatapos mo sa med school!" Biro ni Kuya Wency.
Nagtawanan kaming lahat. Natapos ang araw sa isang masarap na hapunan sa bahay ng aking tiyahin. Malugod ang aming naging usapan.
Dito ko nalaman na sa Espanya na tutuloy na tumira si Mama, sa bahay ng kanyang ama na may ari ng isang winery. Si Kuya Wency naman ay may sarili nang buhay at balak nang magpakasal sa kanyang long-time girlfriend. Si Papa ay nasa Heart Center pa rin at masayang nagtatrabaho doon.
Lahat ay naaayon na sa aking mga pinapangarap. Hindi man naging maganda ang simula namin bilang pamilya, naisaayos din ang lahat dahil sa pag-uusap, pagpapakumbaba, at pagpapatawad.
Diyos ko, salamat po.
Mia
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top