93-Anak

Mia,



Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa iyo. Mia Mirasol? Mia? O aking anak?



Noong una ay hindi ko matanggap na kailangan kong tuparin ang pinagkasunduan na kasal sa iyong ama. Ginawa lamang iyon para pagtakpan ang aming kapwa na mapait na nakaraan.



Anak ka niya sa kanyang tunay na minamahal, na agad pumanaw. Kinuha ka sa kanya ng iyong ama. Habang ikaw ay lumalaki, pinilit kong matutunan na mahalin ka. Ngunit di matanggap ng aking puso na mas mahal ng iyong ama ang iyong tunay na ina na pumanaw. Mas nabulag ako ng galit at selos, lalo na't anak ka sa isang muchacha o katulong na dating nanilbihan sa pamilya Fortes.



Mas mahal ka niya kaysa sa akin, kahit di mo ito nahahalata. Mas iniisip niya ang iyong kapakanan sa bawat desisyon na kanyang gagawin. Inaaya ko siya na sa Espanya na lang tumira ang ating pamilya. May lupain at pamamahay ang aking ama doon at may pangako na mas magandang buhay ang naghihintay. Ngunit mas pinili ng iyong ama na maging direktor ng Heart Center para mas malapit siya sa iyo habang ikaw ay nag-aaral ng pagdodoktor.



Tanggap ko na natalo ako sa puso ng iyong ama, kaya napagpasyahan namin na maghiwalay na lamang.



Kung bukas pa ang iyong kalooban para makipag-ayos, malugod ko itong tatanggapin. Hihintayin ko ang iyong liham o tawag.



Ngunit kung hindi mo ito kagustuhan, tanggap ko ito. Lalo na't nasaktan ko ang iyong damdamin.



Wherever life takes you, I hope we find each other again, happy and contented with our own lives.



Mia, anak, humihingi ako ng tawad.



Mama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top