86-Masamang Balita
TW: t*rture
(Mia's diary entry 47)
Wednesday, July 13, 1977
Natagpuan na si Ferdie.
Si Jepoy ang nagbalita nito sa amin. Ayon sa kanya, tinawagan sila ng isa nilang kaibigan na propesor at ikinuwento na si Ferdie mismo ang nag-contact sa kanila.
Siya ay nasa ospital ngayon at dinalaw namin siya kanina. Hindi ko nakayanan ang binalita niya sa amin.
Ihahatid na sana niya si Bestre papuntang Mindoro nang inaresto sila ng mga awtoridad. Inilaglag sila ng kanilang kasamahan at agad silang dinala sa Kampo Crame.
Hindi ko kayang maisulat ang ginawang pagpapahirap sa kanila. Ikinuwento sa amin ito ni Ferdie. Kanina pa walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.
Mas lalo akong nanlumo nang malaman na hindi alam ni Ferdie kung saan dinala si Bestre. Pinaghiwalay kasi sila at wala siyang pruweba kung buhay pa ba ito o wala na.
Halos magwala na si Ranie nang malaman niya ito. Mahigpit namin siyang niyakap ni Alma para tulungan siyang mahimasmasan.
Walang silbi ang mga salita para sa aming lahat. Ang tangi lang magagawa namin ay kumapit sa presenya ng isa't-isa.
Patuloy pa rin akong lumuluha.
Mia
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top