81-Nagbabadya
(Phone conversation between Ferdie and Mia, Saturday night, July 2, 1977)
Ferdie:
Cara Mia? Andiyan ka ba?
Mia:
Oo, ako ito. Napatawag ka ngayong gabi?
Ferdie:
Nangungumusta lang
*Nanahimik bigla si Ferdie*
Mia:
Bakit may dumaan yatang anghel diyan
*Pinilit na tumawa*
Ferdie:
Sa susunod na Sabado na ang alis namin nila Bestre. Nakahanap na ang aming grupo ng bahay na tutuluyan sa isang parte ng Mindoro.
Mia:
*Pabulong*
Hinahanap na ba kayo ng mga awtoridad?
Ferdie:
Hindi, si Bestre lang, ayon sa isa sa mga tiktik o ispiya ng aming grupo.
Noong isang araw, hinuli ang isa sa aming mga kasama. At natagpuan siyang patay kinabukasan.
Mia:
Diyos ko
*Napatakip ng bibig habang hawak ang receiver*
Ferdie:
Pinayuhan si Bestre na mag-drop out na sa universidad para sa kanyang kaligtasan. Sa Miyerkules na ang huli naming araw ng pagpasok nila Bestre. Ihahatid ko lang siya pero agad din akong babalik, kung mamarapatin.
Mia:
Hindi niyo sasabihan ang mga prof niyo tungkol kay Bestre?
Ferdie:
Mahirap na.
Mia:
Mukhang wala na akong magagawa. Sana mag-ingat kayo nila Bestre para magkita pa tayo balang araw.
Ferdie:
Huwag mong kalimutan bilin ko kung sakaling mawala ako o madamay sa mga ganap.
Mia:
Hindi! Huwag mong sabihin iyan!
*Humihikbi habang nakatakip ang bibig*
Ferdie:
Magkita tayo sa Lunes pagkatapos ng iyong klase. Sa isa sa mga roofdeck na alam ko. Paalam, Cara Mia.
(End of conversation)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top