79-Kung Tayo'y Magkakalayo

(Mia's diary entry 42)

Friday, June 24, 1977



Gabi-gabi ay libro at notebooks ang aking kaharap, kaya di na ako gaanong nakakapagsulat dito. Inuunahan ko na rin ang aking mga profs kaya advanced reading ang aking ginagawa.




Prelims exam sa Lunes. Sana makapasa ako sa lahat ng subjects.




P.S. tatlong beses kaming nagkita ni Ferdie pagkatapos ng aming huling tagpo. Unang dalawang tagpo ay sa Lucky's Canteen na di masyadong matao. Pangalawa ay sa kanyang apartment kung saan wala ang kanyang tiyahin. May nangyari ulit sa amin pero gumamit kami ng proteksyon. Baka ito na ang aking huling regalo sa kanya. Pero sana nagkakamali lang ako ng iniisip. Ginawa lang namin iyon dahil sa takot na baka isang araw ay tuluyan na kaming magkalayo


Mia

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top