76-Alalahanin
(Mia's diary entry 39)
Monday, May 23, 1977
Nakita ko ang isang news article sa isang pahayagan kaninang umaga. May natagpuan na patay sa isang bakanteng lote sa Quezon City.
Akala ko ay ito si Silvestre na nobyo ni Ranie, dahil sa description ng nasabing namatay.
Napatawag tuloy ako kay Ranie at kinumusta sila ni Bestre.
"Magkasama kami ni Bestre noong Sabado, nag-date. Kagabi kausap ko siya. Kakaupa lang niya ng dorm na malapit sa universidad natin. Sandali, Mia, parang nag-aalala ka yata."
Hindi ko na sinabi pa ang dahilan. Sabi ko na lang na mag-ingat sila palagi.
Bukas ay magtutungo ako sa uni para sa nalalapit na enrollment for third year college, first semester.
Bigla akong nag-alala tuloy para kina Ferdie at Bestre.
Sana di mangyari ang aming kinatatakutan.
Mia
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top