72-Ang pagbabalik ni Ferdie
Conversation between Ferdie and Mia, April 15, 2022, Friday
Ferdie:
Ti amo cosi tanto
Mia:
Ferdie? Nakauwi ka na?
Ferdie:
Oo. Sa San Jose Del Monte kami namalagi para sa underground publication.
Mia:
Sana mabasa ko iyang mga sinusulat niyo.
Ferdie:
Mahirap na, baka malagay sa alanganin ang buhay mo. Pero subukan ko na ipakita sa iyo kung may iras. Siya nga pala, anong ginawa mo noong wala ako?
Mia:
Inaya ako ni Ranie na mag-overnight sa Hotel Intercontinental, at nag-swimming din kami doon.
Ferdie:
Ang yayaman talaga! Sana nandoon din kami kasama niyo.
Mia:
Baka pag nakita mo kami nila Ranie na naka-swimsuit, mag-apoy na mga mata niyo!
Ferdie:
Huwag mo naman lagyan ng mga di-magagandang isipin ang aking inosenteng diwa!
Mia:
Kunwari ka pa!
Ferdie:
Kaya nga iniiwasan natin gawin ulit ang bagay na iyon!
Mia:
*Natatawa*
Ferdie:
Aba, iba ang tawa natin sa kabilang linya ah! Baka gusto nang mag-asawa!
Mia:
Huwag kang apura! Hanggang date lang ang kaya kong ibigay sa iyo.
Ferdie:
Kailan ka libre? Magkita tayo sa may Escolta. May bibilhin lang ako para sa aking tiya. Malapit na kasi birthday niya.
Mia:
Kahit bukas pwede ako. Kailan ba birthday niya?
Ferdie:
Sa Martes, April 19. Magkita tayo sa Syvel's, tapos gumala na tayo
Mia:
See you, mahal
Ferdie:
Bye, ti amo
*End of conversation*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top