70-Hihintayin Kita
(Mia's diary entry 35)
Saturday, March 26, 1977
Dalawang linggo akong hindi nakapagsulat dito. Naging abala kasi sa final exams. Buti ay nag-aral ako nang mabuti at nasagutan ko ang lahat ng eksamen.
Bago matapos ang huling araw ng second semester, nagpaalam si Ferdie sa akin. Sasamahan muna daw si Bestre sa isang tagong lugar para sa kabilang underground publication.
Ipinangako niya na susubukan niyang tumawag sa akin kapag natapos na ang kanilang gawain. Baka sa Mayo o Hunyo pa raw.
"Maghihintay ako."
"Paalam muna. Ti amo cosi tanto, Cara Mia."
"Mag-iingat ka ah? Alam ko ang ginagawa mo ay para sa bayan. Pero iwasan mong mambabae sa grupo ninyo, kundi, wala kang uuwian na Cara Mia!" Natawa ako.
"Ay naku, hindi po mangyayari iyan, aking Kumander at Tinatanging Binibini!"
Mataimtim na humalik sa akin si Ferdie at nang matapos ko siyang halikan pabalik, binalot niya ako sa isang mainit na yakap.
"Hihintayin kita, aking mahal."
Ito ang huli kong pangako sa kanya.
Mia
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top