51-Pang-aasar
(Ferdie's reply to Mia, Tuesday, January 25, 1977)
Ang saya ng araw ko ngayon! Salamat kay Alma, at agad niyang nakuha mula sa iyo ang larawan sa diyaryo ni Miss Miranda.
Nilagay ko nga ang larawan ni Miss Miranda sa pagitan ng mga pahina ng isa sa mga notebook ni Bestre. Pigil na pigil ang aking pagtawa habang kami ay nasa library at abala siya sa paggawa ng isang paper.
Dapat nakita mo ang mukha ni Silvestre nang tumambad sa kanya ang nasabing larawan.
Agad gumuhit ang malalim na kunot sa kanyang noo. Sumimangot ang kanyang mga labi at ibinalik niya sa akin ang larawan.
"Ikaw ba ang naglagay nito sa notebook?"
Siyempre, tugon ko sa kanya ay "Hindi, malay ko ba."
Naku, nagbuntong-hininga ang aking kumpare at nag-walk out!
Saktong kakaalis lang niya ay pumasok si Miss Miranda sa loob ng library! Ang pagkakataon nga naman. Agad akong kumuha ng libro at nagtago doon habang palihim siyang pinapanood. Parang may hinahanap siya sa mga bookshelves. Buti ay hindi nagawi ang kanyang paningin sa aking direksyon kung saan ako nakaupo.
Buti agad kong naitago ang ginupit mong larawan at inipit sa library book. Nang makaalis na si Miss Miranda, nakahinga na ako nang maluwag.
Sana nandito ka nang makita mo ang kanyang reaksyon.
-Ferdie
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top