37-Apartment
A/N: Mature content ahead
(Mia's diary entry 19)
Mas naging madalas na ang aming mga pagkikita. Mula sa university library at canteen, nauwi na ito sa pamamasyal sa Luneta, paglalakad sa gilid ng Manila Bay, merienda sa Tropical Hut, at isang movie date.
Noong nakaraang Sabado, nanood kami ni Ferdie ng sine. At nauwi ito sa pagtuloy ko sa apartment ni Ferdie.
Namasahe ako papunta sa isang movie house sa Avenida. Nag-last full show kami ni Ferdie at nang abutan kami ng ulan, inaya muna niya ako na tumuloy sa kanyang apartment.
Pumayag naman ako. Malapit na ang oras ng curfew sa buong Maynila at mahihirapan akong umuwi patungo sa amin.
Nang makarating kami sa apartment ni Ferdie, dito ko nalaman na kasama niya ang kanyang tiyahin, na kasalukuyang wala ngayon. Ayon sa aking nobyo, umuwi ito sa Benguet para asikasuhin ang babaeng pinsan ni Ferdie, na anak ng kuya ng kanyang tiya. Nanganak daw kasi ang nasabing dalaga.
Maliit ang nasabing unit pero pwede na ito sa dalawang tao. Agad bumungad ang salas na may telepono sa gilid, isang kusina na may kalapit sa dining area, isang banyo sa dulo ng kwarto, at sa kanang bahagi ay dalawang kwarto na solo.
Nagpatuyo kaming dalawa gamit ang isang malaking tuwalya. Di ko kailangan hubarin ang aking damit, ngunit nabasa ang aking mga binti at paa kaya pinunasan ko ito at nagsuot ng tsinelas na pinahiram ni Ferdie sa akin.
Nakigamit ako ng phone para tumawag sa amin. Ang aming mayordoma ang nakasagot, at sinabi ko na tumutuloy ako ngayon sa tahanan ng aking kaibigan para sa isang group study session. Agad tinanggap ang aking palusot at dito natapos ang aming usapan.
"Group study pala," natawa si Ferdie nang lapitan ko siya sa may dining area.
"Wala na akong ibang maisip na excuse," ika ko. "Teka, ang bilis mo yatang nakapaghanda ng hapunan."
Nakapako ang aking mga mata sa mga nakahain sa lamesa. Isang bowl ng kanin na umuusok pa, isa pang mas malaking mangkok ng pork adobo, tig-isang plato na may mga kubyertos, at tig-isang baso ng tubig sa gilid. May pitsel ng tubig sa gitna para sa aming dalawa.
"Ininit ko lang yung ulam sa may kalan. Yung kanin, ganoon din," paliwanag ni Ferdie sabay kuha ng kanin sa may mangkok.
"Tira lang iyan, kung ayos lang sa iyo," dagdag pa niya nang mapansin ko ang aking pananahimik.
"Walang problema sa akin," ngiti ko. Sinimulan ko na rin kumain at naging tahimik ito na pagsasalo kasama si Ferdie.
Di na namin kailangan ng mga salita para kami ay magkaunawaan. Paminsan-minsan ay sumusulyap kami sa isa't-isa at nagbabatuhan ng mga matitipid na ngiti.
Ako na ang naghugas ng aming mga pinagkainan. Laking gulat ni Ferdie sa kanyang narinig at sabi ko, marunong naman ako nito sa aming tahanan.
Pagkatapos, binigyan ako ni Ferdie ng isang toothbrush na di pa nagagamit. Dinala niya ako sa kanilang banyo at doon ko na ginawa ang aking mga nakagisnang gawin bago matulog, mula pagsisipilyo, paghihilamos, at paggamit ng palikuran.
Lumabas ako ng banyo at dinala ako ng aking nobyo sa kwarto ng kanyang tiyahin. May inilatag siya na nakatuping mga damit. Sabi niya, sa kanya iyon pero kasya naman sa akin.
Sinarado ko na ang kwarto at hinubad ang aking floral blue dress na buong araw ko na suot. Nagkasya ang gray t-shirt at black shorts na pinahiram sa akin. Lumabas ako ng kwarto at sinalubong ako ni Ferdie na may ngisi sa labi.
"Hindi ka mukhang mayaman ngayong gabi," biro nito.
"Bagay sa akin mga damit mo, di mo lang maitanggi."
I smiled at him and flipped my shoulder length hair. Walang pakundangan ko siyang nilapitan at dinampian ng halik ang kanyang mga labi.
Nabigla si Ferdie sa aking ginawa, ngunit tahimik niya akong isinandal sa pader at ginantihan ng mas malalim na halik.
Isinantabi ko muna ang aking mga alalahanin tungkol sa aming relasyon, kung malalaman ba ng aking mga magulang, at ang buhay ni Ferdie bilang manunulat sa underground.
Sa mga sandaling iyon ay hindi na kami nakapagpigil pa ng aming nararamdaman. Sa gitna ng tahimik na gabi ay tuluyang kaming bumigay sa aming pagnanais na makasama ang isa't-isa.
Nagising ako kinabukasan na magkasama kami sa iisang higaan. Pinagsasaluhan pa rin namin ang naupos na init mula sa gabing nagdaan.
Napangiti ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng aking pinakamamahal. Wala akong pagsisisi sa aming ginawa. Binigay ko ang lahat sa akin at ito ay sinuklian niya ng mas mainit at mapusok na pagmamahal.
- Mia
A/N: ito yata ang version 2 nila Almira at Julian sa The Señorita. Grabe ang haharot lol but this is not the main focus of this entire story
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top