36-Pakikipagbalikan
(Mia's diary entry 18)
Center of attention ako ng buong school ngayong araw.
Kinantahan ako nang live nila Ferdie sa school quadrangle. Siyempre, "Binibini" ang inawit niya kasama ang kanyang banda.
Labis ang kilig na naramdaman ng mga nanonood sa amin. Habang nasa harapan ko si Ferdie at nagpaptugtog ng mga instrumento sila Jepoy at Bestre, halos hindi ako makagalaw sa kahihiyan. Gusto ko na lang lamunin ng lupa ngunit may kung anong kirot at kasabikan ang unti-unti kong naramdaman.
Ramdam ko na gusto pa rin akong makasama ni Ferdie. Nagkasalubong ang aming mga mata at kahit anong iwas ko ng tingin, ay sa kanya ko pa rin naibabaling ang aking atensyon.
Nang matapos na ang awitin, lumapit si Ferdie sa akin at inalayan ako ng isang puting rosas. Inilagay niya ito sa aking mga kamay.
"Patawarin mo ako kung nasaktan ko ang iyong damdamin. Pero gusto ko na magkaayos tayo at ituloy ang ating naudlot na relasyon. Habang wala ka sa aking piling ay mas lalo lang lumalim ang aking pag-ibig para sa iyo. Kung pahihintulutin, ako sana ay iyong piliin na makasamang muli. Pangako, mas makikinig na ako sa iyo at sana ay ganoon ka rin sa akin."
Ito ang pakiusap ni Ferdie at sa gitna ng mga kinikilig na hiyawan ng mga manonood, malinaw ang kanyang intensyon.
Natawa ako at bigla siyang naging makata. Manunulat kasi siya at kahit di ko pa nababasa ang kung ano man sinusulat niya ay ramdam ko na pinaghandaan niya ang kanyang mga gustong sabihin.
Wala na akong nasabi pa kundi, "tanggap ko na ang iyong paumanhin."
Napayakap ako kay Ferdie at mas lalong nabaliw ang mga nagtitilian at nagsisigawan na nakapalibot sa amin.
Natapos ang araw na ito na nagkabalikan kaming dalawa.
Oo, ang bilis kong bumigay pero hindi ako nagsisisi.
Handa akong tanggapin ang lahat sa kanya, kahit ang kanyang pagiging miyembro ng aktibistang samahan. Hindi ako sasapi sa kanila, pero uunawain ko ang kanilang adhikain.
Ganito pala ang umiibig, lahat ay hahamakin.
-Mia
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top