34-Pagkarindi

(Mia's diary entry 17)

Nakakarindi ang mga kaganapan sa school!

Isang buong linggo pinapatugtog sa university radio ang awitin na "Binibini." Walang palya, naka-loop nang tatlong beses, tuwing alas dose ng tanghali. Kahit saan ako magpunta, mula sa canteen, sa building namin, sa hallways, iyon at iyon din ang tugtugin!

"Para sa pinakamamahal na binibini ni Ferdinand Beltran, parang awa mo na, kausapin mo siya ulit! Naghihintay lang siya sa iyo sa tagpuan ninyo tuwing alas kwatro ng hapon sa may university garden, sa may puno doon na pinaglalagyan niyo ng mga liham. Kami ay sabik nang naghihintay na kayo ay magkabalikan!"

Kahit ang spiel ng DJ namin, kabisado ko na!

Kinausap ako nila Alma at Jepoy nito lang. Kahit nga si Bestre, sumingit na rin sa usapan namin. Lahat sila ay iisa ang sinasabi: kausapin ko si Ferdie.

"Pwede mo pa siyang balikan kung gusto mo," ika ni Alma. "Nararamdaman naming lahat na may pagtingin ka pa rin sa kanya."

"Wala ah!" Pagtanggi ko.

"Natigilan ka nga sa kinakain mo noong pinatugtog ulit ang Binibini sa canteen speakers!" Natawa si Jepoy.

"Minsan nahuli ko siyang ngumingiti mag-isa habang nasa library tapos tumutugtog iyon!" Panunukso ni Bestre.

"At paano mo ako nakita sa library, ni anino mo doon, wala?" Tinaasan ko ng kilay si Silvestre. Nakakainis ang kanyang ngisi sa totoo lang.

"Papalabas ka noon, tapos nagkasalubong tayo! Papasok ako sa library at di mo ako napansin, nakatulala sa malayo!" Tuluyan nang natawa si Bestre kasabay ni Jepoy.

"Naku, Mia, sundin mo na ang bulong ng iyong puso," suhestiyon ni Alma.

Lahat sila ay tama ang sinasabi. At labis akong natamaan dito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top