30-Pamamasyal sa Luneta


(Mia's diary entry 14)

I'll never forget this Saturday.

Mga bandang alas kwatro ng hapon, namasyal kami ni Ferdie sa Luneta. Magkahawak-kamay kaming namasyal sa kahabaan nito at dinarama ang sariwang hangin na umiihip.

Napadaan pa kami sa monumento ni Jose Rizal. Biro ni Ferdie, maiinggit ito dahil ang sweet naming dalawa.

Nagtapos ang araw sa isang merienda ng fish balls, mani, at soft drinks habang pinapanood ang sunset sa Manila Bay.

Hindi na namin kailangan ng salita para punan ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

Sa unang pagkakataon ay humalik siya sa akin, at imbes na mahiya, tumugon ako sa kanyang mga halik nang may malalim na pag-ibig.

Sana tumigil na lang ang oras sa mga sandaling iyon para sa aming dalawa.

Mia

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top