16-Ang Unang Pagkikita

(Mia's diary entry 7)

Labis na ligaya ang dulot ng araw na ito.

Nagkakilala na kami nang personal ni Ferdie. Hindi ako nagsisisi na harapin siya. Kahit medyo nagkagulo sa labas ng university radio station habang kami ay papaalis na, buti na lang ay dinala niya ako sa isang lugar na malayo sa mga estudyante.

Sa Lucky's Canteen kami unang nagsalo ng pananghalian. Nailibre niya ako ng hamburger at softdrinks at iyon din ang kanyang kinain. Dahil una naming pagkikita, halos hindi kami nagsasalita at naiilang pa rin sa isa't-isa.

Ngunit una kong binasag ang katahimikan. Tinanong ko si Ferdinand kung anong balak niyang gawin pagkatapos ng tagpong ito.


"Ah, maging kaibigan mo," sagot niya.


"Akala ko ba, kai-bigan?" Paalala ko sa kanya base sa kanyang liham.


"Naku, pasensya na, nang-aasar lang ako," napakamot sa batok si Ferdie. "Tinitigan ko lang kung titigil ka sa pagsusulat gaya ng ibang babaeng fans namin."


"Aba, hindi!" Mariin kong sagot. "Seryoso ako doon!"


"Na maging magkaibigan tayo?" Tanong niya.


"Oo naman! Wala kasi akong kilala sa pamantasan na ito. Mag-isa lang kasi ako palagi," wika ko.

"Mayaman ka raw?"

"Oo. Di ko tinatanggi." Natawa tuloy ako.


"Paano kapag nalaman ng iyong mga magulang na nakikipagkita ka sa miyembro ng isang combo? Alam mo naman ang matatanda, mababa ang tingin sa mga nagbabanda at musikero," pangangatwiran ni Ferdie.


"Wala ngang pakialam sa akin ang mga magulang ko, kapwa sila doktor at mga abala sa kanilang mga ginagawa. Dati strikto sila noong high school ako, ngayong college na ako, parang di na nila ako anak."


Nanahimik tuloy ako at napayuko. Akala ko ay sasagutin ako ni Ferdie at babarahin, ngunit ito ang kanyang tugon:


"Huwag kang mag-aalala, maayos ang magiging pakitungo ko sa iyo. Basta maayos ka rin makikitungo sa akin. Para di ka na malungkot. Payag ka?"


Tumango na lang ako sa kanya.

"Salamat, Ferdinand."

"Ferdie na lang. Magkaibigan na tayo ah, Mia?"

Nakipagkamay ako sa kanya na para bang may business deal kami.


Mukhang di na magiging boring ang buhay ko magmula ngayon.

Yung crush ko na bandista ay kaibigan ko na rin.


Pero di ako umaasa na kami ay magiging higit pa sa magkaibigan. Masaya na ako at may nakilala na akong tao na pwede kong maging kaibigan at kasama sa universidad.

- Mia

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top