Chapter 8
Nagising ako mula sa malambot na kama. Gumala ang paningin ko sa paligid at nataranta nang malaman na hindi ito ang aking kwarto.
Binuksan ko ang pintuan at nang mabuksan iyon ay naamoy ko ang nakakagutom at mabangong amoy ng ulam. May nagluluto yata sa bahay na 'to. Pinagmasdan ko ang buong kwarto mula dito sa labas ng pintuan ay nakitang kong itim at may halong konting puti ang theme ng kwarto. Mahahalatang kwarto ito ng lalaki. Pero parang mas malinis pa ito kesa sa kwarto ko. Nakaayos lahat ng mga gamit. Wala kang makikitang nakabalandra o nagkalat sa kung saan-saan.
"Gising ka na pala." Napaigtad ako nang may magsalita sa likod ko. Nang lingunin ay si Hellios ang nakita ko. Napahakbang ako paatras nang maalala ang nangyari kagabi at tinitigan siya.
Dumaan sa mukha ang pinaghalong panghihinayang at sakit dahil sa nakitang reaksyon ko. Bakit? Hellios, hindi talaga kita maintindihan.
Kumpara sa Hellios kanina sa gubat kagabi ay medyo maamo na ang mukha niya hindi yung kagaya kagabi na nakakatakot ito tumingin. Bumalik ang dating Hellios na nakilala ko, hindi man nawala ang malalim na tingin niya pero alam kong ito yung tingin na hindi ako sasaktan.
"H-hellios. Ikaw ba y-yan?"
Muling dumaan ang sakit sa mata niya. Bumuntong hininga siya at bumulong sa sarili bago ako sagutin.
"Oo, hindi mo kailangang matakot. C'mon, kumain ka na. Kakatapos lang maluto niluluto ko."
Inunat niya ang kamay sa harapan ko para sana hawakan ako at bumaba na sa kusina pero nabitin lang ang mga kamay niya sa ere nang muli akong umatras.
Maliit at mapait na ngiti ang sumilay sa ngiti niya nang bumaba ang tingin niya sa mga kamay niyang handa sanang hawakan ako pero na nabitin sa ere. Pagkatapos ay umiling-iling.
"Fuck yourself, Hellios. Kasalanan mo rin naman." Bulong niya aa sarili.
Tumikhim ako.
"U-uwi na lang ko. Baka hinahanap na ako nila Mau at Shaira." Sabi ko at lalagpasan na sana siya pero nagulat ako nang sumigaw siya at mahigpit na hinawakan ako sa braso.
"No!"
I was surprise with his sudden reaction kaya gulat at takot akong tumingin sa kanya. Nang magtama ang tingin namin ay muling bumalik ang tingin niya, galit na galit na parang may ginawa akong masama na labag sa kalooban niya. Humigpit ang hawak niya sa pulsuhan ko.
Dahil siguro sa gulat, takot at sakit ng hawak niya sa pulsuhan ko ay nag-init ang sulok ng aking mata, alam kong may namumuo nang luha doon. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luha habang nakikipagtitigan sa mga mata niyang nandidilim sa galit. Hindi ko na napigilan ang mga luhang yun ay naramdaman ko na lang na tumulo na ito sa mga pisngi ko. Wala ni kahit anong salita ang lumabas sa mga bibig ko. Dahil pati boses at bibig ko ay takot na ring magsalita. Nanginginig ang mga labi ko kaya pinigtiklop ko ito.
Mula sa galit na ekspresyon ng mukha niya ay dahan dahan itong napalitan ng kakaibang emosyon. Mga mata niya ay lumamlam habang palipat-lipat na tumingin sa mga mata ko. Bumaba rin iyon sa pisngi at labi ko. Napakurap siya at lumuwang na rin ang hawak niya sa pulsuhan ko.
Tumaas ang kamay niya para hawakan ako sa pisngi pero pasimple akong umiwas. Tumungo ako, tinitigan ang mga paa ko. Nakakaawa tignan dahil sa mga pasa dito. Dahil siguro sa pagtakbo ko kagabi na maraming matutulis na bagay ang naapakan ko. At mga sanga ng kahoy na dahilan para magkasugat sugat ang paa ko.
Hindi parin siya umaalis sa harapan ko. Bumubulong siya at parang pinapagalitan ang sarili pero hindi ko na pinansin. Wala sa sarili habang palipat-lipat ang tingin ko sa paa niya at sa paa kong puno ng gasgas.
Hindi ko na napigilang humagulhol at hindi ko na pinigilan pa ang sarili kaya tinodo ko na ang pag-iyak. Nataranta man si Hellios pero wala siyang salita na marahan akong hinila para yakapin.
Ingat na ingat niya akong inakay sa sofa para paupuin doon. Pagkatapos ay tumayo siya pero bumalik din agad. May dala na siyang med kit. Bumaba siya sa sofa at naupo sa floor para gamutin ang paa ko. Wala sa amin ang nagsasalita hanggang sa matapos na ang ginagawa niya. Humupa na rin ang iyak ko pero hindi parin nawawala ang pag-sinok ko.
Huminga siya ng malalim bago tumayo.
"I'm sorry." Ani niya bago umalis sa harapan ko. Pagbalik niya ay may hawak na siyang pinggan na may lamang kanin at ulam.
Nang maamoy ang pagkain saka ko lang naramdaman ang gutom ko. Hindi pa rin ako nagsasalita. Iniabot niya sa akin ang pinggan pero hindi ko pinansin at hindi ko kinuha.
Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kutsara at sinubukan akong subuan. Siniringan ko siya ng tingin.
"Mukha ba akong bata para subuan?" Masungit na ani ko.
Nawala ang kakaibang atmosphere ng marahan siya tumawa.
"What makes you think na mukha kang bata? Hindi lang naman bata ang sinubuan. Pati rin naman mga matatanda." Natatawang sabi niya. Ito ang Hellios kung saan magaan ang loob ko.
Sumimangot ako sa sinabi niya. Inis siyang sinuntok sa braso niya pero parang hindi naman niya iyon naramdaman kaya pinaghahampas ko na lang siya ng unan na nahawakan ko sa kabilang side ng sofa.
"Mukha ba akong matandang u-ugod ugod na sa paningin mo!"
Natatawa siya at pilit umiiwas sa mga hampas ko nang hindi ko sinasadyang mahampas ang plato na hawak niya na kanina pa niyang sinusubukang ilayo para hindi madamay sa paghampas ko sa kanya. Tumilapon iyon at kumalat ang mga laman sa sahig.
Napangiwi ako. Nag-aalangan na tumingin sa kanya. Baka galit na naman.
"S-sorry." Ani ko habang nakayuko. Pinaglalaruan ang mga daliri habang hinihintay ang galit niya.
"Tsk, tsk, tsk. Sa kusina ka na lang kumain. May natira pa naman. Ako na maglinis dito." Nagtatakang tumingin ako sa kanya pero bago pa niya makita ang reaksyon ko ay nakayuko na siya para pulutin ang plato.
Pagkatapos kong kumain ay siya ring pagpasok ni Hell sa kusina. Niyaya ko rin siyang kumain pero ayaw niya. Sabi niya busog pa raw kaya hindi ko na pinilit.
"Nakahanda na ang damit mo, maligo ka muna at magpalit bago kita ihatid sa inyo." Sabi niya at hindi na ako hinintay na sumagot bago lumabas.
Hinanap ko ang damit na sinasabi niya. Nang hindi ko mahanap kung saan niya ito nilagay ay sinundan ko siya kung saan siya pumasok kanina. Dahan-dahan ko itong binuksan.
"I can't do this anymore. Mas mabuting itigil ko na ito habang maaga pa." Rinig kong sabi niya. Hindi ko kita kung sino ang kausap niya. Wala rin naman akong narinig na boses ng kanyang kausap kaya sa tingin ko ay sa tawag sila nag-uusap.
"No. You can't just tell me what to do. Alam ko kung anong ginagawa ko. Mahal kita pero hindi ako aabot sa punto na may sisirain akong tahimik na buhay dahil lang sa kagustuhan mo."
Hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya dahil sa hindi ko sinasadyang matulak ng husto ang pinto nang mawalan ako nang balanse.
"Cynthia?"
"A-ahh kararating ko lang. Tatanungin ko sana kung saan mo nilagay yung mga damit na gagamitin ko."
Tinitigan niya muna ako bago umiling at sumagot.
"Nasa banyo na. Maligo ka na dahil may pasok ka pa yata mamaya."
Nang pumasok ako sa banyo ay nandito nga. Nakasabit dito sa sabitan ng tuwalya. Naghubad na ako at sinimulang maligo. Nakigamit ako sa lahat ng gamit niya rito, katulad nitong shampoo niya na amoy panlalaki pero mabango.
Pagkatapos kong mashampuhan ang buhok ko ay inopen ko ang shower para banlawan. Nakapikit akong ginagawa iyon. Tumingala ako at tumatama sa mukha ko bawat patak ng tubig. Muli akong yumuko para mas maayos na mabanlawan ang buhok ko nang makita sa floor ang ilang mga hibla ng buhok ko. Nung una ay akala ko'y normal lang dahil ganito naman dati. May pa isa-isang mga hibla ng buhok ko ang nalalagas.
Pero nang muli akong tumingin sa floor ay alam kong hindi na ito tama. Pinatay ko muna ang shower. Yumuko ako para pulutin ang mga buhok na nahulog. Hindi na ito normal, marami ito na imposibleng bigla na lang maglalagas sa buhok ko.
Tinitigan ko ang mga yon. Kung sa malayo ay aakalain mong kulay black ito. Pero dahil tinitigan ko ay nakitang kong kulay brown ito. Nagtaka man ako pero muli kong naramdaman na nagsitayuan ang buhok ko sa braso.
Ilang minuto pa ay marami nang mga buhok ang nahuhulog galing sa itaas. Napaatras at napasandal ako sa malamig na tiles ng banyo. May pumapatak na rin na dugo sa sahig. Ang mga dugong iyon ay humahalo sa mga tubig at buhok.
Pumikit ako. Ayaw kong tumingala. Dahil sa oras na dumilat ako ay makikita ko na naman iyong babae. Pero hindi ko sinasadyang magmulat. Kaya naman sa pagmulat kong iyon ay nakakatakot na mukha ng babaeng dugo-dugo ang nakita ko. Naka pabaliktad siya at ang mahahaba niyang buhok ay nakalaylay.
"Aaaaahhh!" Tili ko sa nakita. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Mabibilis na yabag at pagbalibag ng pinto ang huling narinig ko. Naabutan ako ni Hellios na nakahalukipkip sa gilid. Wala na akong paki-alam kung makita niya ang hubad kong katawan. Pero mas lalo akong namangha sa ginawa niya. Imbis na samantalahin ang sitwasyon ko ngayon ay sinubukan niya ang sarili na huwag akong tignan habang inaabot ang tuwalya sa gilid. Lumapit siya sa akin na sa gilid lang siya nakatingin. Tinakip niya sa buong katawan ko ang tuwalya bago niya ako walang kahirap-hirap na binuhat.
Mabilis kong pinulupot ang kamay ko sa leeg niya at sumobsob dito.
"Hush, i'm here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top