Chapter 7
"S-siya! Ikaw ang salarin! Kasalanan mo lahat ng ito!" Sigaw ng isang lalaking nakasalamin, na kung titignan ay naduduwag na kaya naghahanap ng masisisi.
Sinabayan siya ng iba. Ilang mga masasakit na salita ang ibinato nila sa akin. Mariin akong pumikit. Sina Hellios, Ariel at Mau ay sinusubukan akong alisin sa gitna ng pagkuyog sa akin ng mga tao.
"Shut up!" Hindi na nakapagpigil pa si Hellios, isang galit at malamig na sigaw ang hindi niya napigilang bulalas. Halos yakapin na niya ako sa dalawang braso niya at nang tingalain ko siya dahil hanggang baba niya lang ako ay kita ko madilim na mukha niya. Galit na galit ang mga mata niya na nakitingin sa mga tao. Dahil sa nakakatakot na sigaw na yun ni Hellios ay natahimik sila.
Ramdam ko mula sa mga braso ni Hellios na nakapalibot sa akin ang tindi ng galit na pinipigilan niya. Medyo humihigpit na iyon.
"H-hellios.." paos na boses na tawag ko sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa akin at nang magtama ang aming mata ay kita kong lumambot ang ekspresyon niya.
"Let's get out of here." Huling saad niya bago niya ako akayin paalis dito.
Dinala ko ni Hellios sa isang room na walang tao. Hindi na sumunod sa amin sina Ariel.
Pagkaupo ko sa isang upuan doon ay tumulo ang luha ko. Tahimik akong umiyak. Walang maririnig na hagulhol, tanging pagsinok lang. Alam kong pinapanood ako ni Hellios sa lagay kong itong kaya sumubsob ako sa desk ng upuan at doon umiyak.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Hellios sa buhok ko. Sinusubukan akong patahanin. Rinig ko rin ang ilang mga bulong niya para patahanin ako.
"Hush, baby. This is just the beginning. Mas marami ka pang haharapin. Having me in your life maybe a misery but i'll try my best not to hurt you more. Just let me a do this for Cynthia." Huling sabi niya na hindi ko masyadong maintindihan. Parang sinadya na sabihin iyon sakin pero sinugurado niyang hindi ko masyadong marinig.
Basa man ang mukha dahil sa luha ay umangat parin ang tingin ko sa kanya.
"W-why are you doing this to me, Hellios?" Impit na boses na tanong ko sa kanya.
Sa unang pagkakataon ay nakita ako ang gulat at awa na dumaan sa mukha niya. Why? Naawa siya sakin? Kaya ba niya ginagawa ito? Ang tulungan akong makaalis sa mga mapanhusgang tao at icomfort ako rito?
O may iba pang dahilan ang pagkagulat niya? At para saan yung awa?
Hellios. Sino ka ba talaga. Bakit simula nung dumating ka nagkanda leche leche na ang buhay ko. Pero ayokong humanap ng masisisi dahil baka ito talaga ang nakatadhanang mangyari. Na ang tahimik kong buhay ay maging miserable.
Hindi siya sumagot sa tanong ko at umiwas na lang siya ng tingin. Lumunok at nagsalita.
"I'll just get you a cup of water." Sabi niya at tumayo na palabas para kumuha ng tubig.
Mapait akong ngumiti. Hellios, hindi mo ba alam na sa ginagawa mong yan ay ang dapat na galit na binubuo ko para sayo ay unti-unting natutunaw. Unti-unti ay gumagaan ang loob ko sayo at nabubuo ang isang tiwala na kahit sino ay hindi ko naramdaman. Sayo lang. And i hope, this trust won't let me break into pieces someday.
Ilang minuto pang hinintay kong bumalik si Hellios pero wala parin siya. I started to feel doubt. What if iniwan na pala niya ako rito? What if wala talaga siyang pake sa akin?
Lagabog ng pintuan ang gumulat sa akin. Marahas itong sumara dahil sa isang malakas na hangin. Alam ko sa sarili ko na hindi na ito normal. Kaya naman nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok maging sa aking mga braso.
"Hellios! Nasan ka na!" Sigaw ko.
Nakarinig ako ng tawa ng isang babae mula sa hangin. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Pinilit kong buksan ang pinto pero ayaw bumukas.
"Hindi ka na niya babalikan!" Malakas na sabi niya sabay tawa.
Nakakapangilabot.
"Sino ka! Bakit mo sakin ginagawa to!"
Nagtitili ako nang maramdamang may malamig kamay na humahawak sa aking paa.
"Aahhh!"
"Ibigay mo sa akin ang buhay mo Cynthia!" Nakakapangilabot na sabi nung babae.
"D-demonyo! Lubayan moko! Ahhhh!" Naramdaman kong parang may humihila sa buhok. Hinila niya ako at halos binalibag ako sa matigas na pader.
Masakit ang likod na umupo ako at pasandal na humalukipkip sa pader. Habang sa harapan ko ay may isang nakaputing bistida na babae. Nakaharang ang mahahaba niyang buhok sa kanyang mukha. Nang bumaba ang tingin ko sa paa niya ay mas nanginig ako sa takot. Nakalutang siya.
Napasigaw ako nang mabilis siyang lumapit sa akin at handa nang sakalin ako pero pabalibag na bumukas ang pintuan.
"Cynthia!"
"T-tama.. a-ayoko na." Nakatakip ang dalawang kamay ko sa mukha habang nakaupo sa sahig.
"It's me, Hellios." Rinig kong malumanay sa sabi ni Hellios. Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa aking mukha at dahan-dahan niyang tinanggal.
Nang makitang totoong nandito nga siya ay walang pagdadalawang isip akong yumakap sa kanya at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg. Alam kong ramdam niya ngayon ang takot ko dahil sa panginginig ng aking buong katawan.
"Hush. It makes me feel hard to do my plan seeing you like this." Sabi niya na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.
Mas sumiksik ako sa kanya, hindi naman siya umangal hinayaan lang ako.
"Hell." Tawag ko sa kanya kahit nasa leeg parin ang mukha ko.
"Hmm."
"I-i want to go home." Huling saad ko ng hilain na ako ng antok.
Nagising na lamang ako na nasa loob ng isang kotse.
Nasaan ako? Tumingin ako sa bintana at natantong nasa isang liblib na lugar ako. Mga puno ang makikita sa paligid. Nataranta ako at muling inalala ang huling nangyari kanina.
Si Hellios? Nasan siya? Sa pag kakaalam ko ay siya ang huli kong kasama bago ako makatulog.
Lumabas ako ng sasakyan. Madilim na ang paligid. Niyakap ko ang sarili at naglakad para hanapin si Hellios.
"Hell! Nasan ka!"
Naglakad-lakad pa ako pero nang matantong nakakalayo na pala ako sa kotse ay nagdalawang isip pa ako kung babalik ba ako sa sasakyan para doon na lang siya hintayin o magpatuloy sa paghahanap sa kanya.
"Hindi ka na dapat lumabas ng sasakyan."
Nagulat ako at mabilis na lumingon sa aking likuran. Nandon siya, ilang metro ang layo sa akin.
Si Hellios, pero ang Hellios na nasa harapan ko ngayon ay ibang-iba sa Hellios na kasama ko kanina. Oo, natural na na malamig ang awra niya..pero ang Hellios na kaharap ko ngayon ay p-parang...
"H-hellios, i-ikaw ba yan?"
Ang mga tingin niya, parang tingin ng isang...hindi ko maipaliwanag. His aura screamed danger. His black eyes look like a mad beast looking at his prey.
Mas lalo akong natakot nang ngumisi siya.
"Cynthia, maybe this is the perfect time to carry out my plan."
Umiling ako. H-hindi siya si Hellios, pagpipilit ko sa sarili.
Plan? Ano bang plano?
Nadoble ang takot ko nang makita sa likuran niya ang babae kanina sa room. Ganon parin, nakalutang at natatakpan ng konti ang mukha niya. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang nakakatakot na ngiti niya. Dagdag mo pa na nang bumalik ang tingin ko may Hellios ay nakangisi na rin siya.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Nananaginip ba ako? Kung oo, pakiusap gisingin niyo na ako!
"Cynthia--" sabi ni Hellios at naputol ang sasabihin niya nang makitang humakbang siya papalit sa akin pero sumigaw na ako at nagtatakbo. Sinubukang iligtas ang sarili.
Malapit na ako sa saksakyan ng may humablot sa akin at kinulong ako sa mga yakap niya. Naghisterikal ako at takot na baka ang demonyong Hellios iyon.
"Huwag! Pakawalan mo ako! Pakawalan moko! A-ayoko na tama na! Lubayan niyo ako, parang awa niyo na." Nanghina ako at humagulhol. Hinayaan na hatakin ako ng mga braso niya.
"Damn!"
"A-ano bang ginawa ko para guluhin niyo ang buhay ko." Sabi ko sa halos wala nang lumabas na boses.
"I'm sorry, i'm sorry."
Huling rinig ko bago ako mawalan ng malay, kasabay non ay ang sigaw ng isang babaeng babaeng parang nahihirapan. Alam kong ang babaeng nagpapakita sa akin yun. Pero hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top