Chapter 6
Sa nangyaring yun sa canteen ay tila ba nabalutan na ng takot ang buong campus. Mga teacher ay sinusubukang idivert ang nangyari at gumagawa ng excuse kung bakit iyon nangyari. Samantalang ang iba, ay takot na rin sa akin. Hindi ko akalain na sa nangyaring iyon ang siyang pagbaliktad ng mundo ko at simula ng miserableng buhay ko.
Gabi-gabi akong nananaginip ng kakaiba. Gabi-gabi akong hindi pinatulog ng ingay na hindi ko alam kung saan galing.
Hindi ko alam bigla akong napunta sa lugar na 'to. Madilim ang paligid pero dahil sa buwan ay nakikita ko kung nasaan ako. Sa gitna ng kakahuyan. Maingay ang mga huni ng hindi ko alam na hayop na naglalagi rito.
Nang tumingin ako sa aking paa ay wala akong suot na tsinelas manlang kaya marami nang sugat. Takot man pero sinubukan kong hanapin kung saan ang labasan sa gubat na to. Naglakad-lakad ako habang tumitingin sa paligid, sakaling makakita ng bakas ng daan palabas dito.
Pero parang pabalik-balik lang naman ako dahil pamilyar ulit ang mga dinaanan ko. Parang nadaanan ko kanina itong isang puno na to?
Umiling ako at sinubukan parin hanapin ang daan palabas kahit sumasakit na ang paa. Maraming mga matutulis na kahoy at ilang mga damo na may tinik, naka paa lang ako kaya literal na sumakit at dumugo ito. Pero dahil sa kagustuhang makalabas dito ay hindi ako tumigil. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito.
Naubusan ako ng pag-asa nang biglang umulan.
Napasandal na lang ako sa isang puno. Umiiyak na parang basang sisiw na. Hindi na alam kung anong gagawin. Padausdos na naupo ako kahit putik na ang lupa. Yumuko at humagulhol sa iyak. Nang makarinig ako ng ingay na parang nagbubungkal ng lupa ay nabuhayan ako ng loob kaya tumayo ako. Sinundan kung saan yun galing.
Sa hindi kalayuan ay may isang lalaking may hawak na pala. Nakatalikod ito sa akin na abala sa hinihukay niya. Mabilis ang bawat galaw niya. Para bang kailangan niyang mahukay iyon sa lalong madaling panahon.
Napatitig ko sa likod niya. Pamilyar ito sa akin. Parang nakita ko na, parang kilala ko siya. Pero hindi ko alam, may humaharang sa utak ko para maalala kung sino siya. Hindi ko na yun pinilit alalahanin dahil sumasakit lang ang ulo ko.
Dahan-dahan akong lumapit, nasa likod na niya ako pero hindi parin niya nararamdaman ang presensya ko.
"C'mon! Don't leave me! Wait me Cyn! I'll bring you back to life!" Rinig kong sabi niya. Ilang mura pa at mga salita na hindi ko na naintindihan.
Pinanood ko lang siyang maghukay na parang hindi niya ramdam na may tao sa likod niya. Mabilis niyang binitawan ang pala na ginamit niya at nilapitan ang isang kulay pulang kabaong.
Napaatras ako. Pero sa takot ay hindi ko nagawang igalaw ulit ang mga paa ko para tumakbo. Hindi ko alam pero mas nanaig ang curiousity ko. Nung una ay natakot ako dahil sa nakita na ang hinukay ng lalaki ay isa palang kabaong. Pero nang makitang nanginginig na rin ang lalaki na nilapitan ang kabaong ay nawala ang takot at sinubukan ko siyang lapitan.
Hinintay na buksan niya ang kabaong na yun. Halos rinig ko na ang kabog ng dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Kung dahil ba sa takot o sa kaba o baka sa iba pang dahilan. Huminto na rin ang ulan. Pareho kaming basang-basa.
Nang binuksan nung lalaki ang kabaong ay ganon na lamang ang panghihina ko nang makita kung sino ang nakahiga dito. Nanghihina man ang mga tuhod ay nagawa ko paring itayo ang sarili ko para mas matitigan iyon.
B-bakit? The one who's lying in the coffin is me. W-what the hell is really happening?
Lumapit ang lalaki at hinawakan iyon sa pisngi. Nagmamakaawa na sana ay gumising ang babae o ako nga ba?
"Cyn, please wake up." Ani ng lalaki.
Cyn? Cynthia? Ako nga. Patay na ba ako? Kaya ba hindi niya ako nakikita?
"I'm sorry. Nahuli ako. This is my fault. I'll let you rest for now, baby. I'll do everything to make you come back to life. Even trading my own life to thanatos for you."
Umiling-iling ako. Hindi. Imposible.
"Hindi!" Humahangos na sigaw ko.
"Cynthia, binabangungot ka." Nilapitan ako ng nag-aalalang Mau. Si Shaira ay nasa pinto lang pinapanood ako.
Bangungot? Panaginip? May ibig sabihin ba yun?
Inabutan ako ni Mau ng bimpo dahil halos basa na ako sa pawis.
And from that night, muling naulit ang panaginip na yun. Gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos.
Nasa library kami ngayon ni Ariel para sa tutor na gagawin namin. Madali lang naman siya turuan. Minsan ang cute pagmasdan dahil bigla-bigla na lang namumula kapag nakakatitigan kami. Isang beses ngang hindi ko sinasadyang pisilin ang pisngi niya.
Natigilan ako at umiwas ng tingin, hiyang-hiya sa ginawa ko. Hindi ko maikakaila na sa kabila ng nangyayari sa akin ay nagagawa kong tumawa kapag si Ariel na ang kasama ko. Katatapos ko lang turuan si Ariel at binigyan siya ng sasagutan para mai-apply niya ang tinuro ko, nang abala siyang sumasagot ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumingon sa kaliwa namin.
Nandon siya. Si Hellios, walang hiya parin. Harap harapan na tinititigan ako. Hindi man lang nag-iwas nang tingin nang makita ko siyang ganon. Kumunot ang noo ko nang makitang lumipat kay Ariel na busy sa pagsagot ang tingin niya. Dumilim ang mata niya at umigting ang panga niya. Nang bumalik sa akin ang tingin niya ay don na siya umiwas ng tingin.
"Parang tanga." Bulong ko.
"Huh?" Nagulat ako nang marinig pala ni Ariela ang sinabi ko. Baka isipin niyang siya ang sinasabihan kong tanga.
"Ahh! Sorry, sorry...hindi ikaw yung sinabihan ko nun. Sorry, may naalala lang ko."
"Ano ba yung sinabi mo?" Takang tanong niya.
Hindi ba niya narinig?
"Wala, wala."
Tumango lang siya at tinuloy ang ginagawa niya. Nang balikan ko ng tingin si Hellios ay wala na siya sa pwesto niya kanina. Hindi ko alam kung lumabas ba siya o naghanap ng librong babasahin.
Matapos ang session namin ni Ariel ay lumabas na kami ng library. Naabutan namin ang komosiyon sa labas. Nagsilabasan din ang mga estudyante sa kani-kanilang room para tignan kung ano yun.
Nagkatinginan kami ni Ariel. Wala akong interest sa ganyan, nang makitang wala akong balak na makiusisa doon ay inaya niya akong ihatid sa room namin.
"Ihahatid na kita sa room mo, Cyn."
Tumango lang ako at nagsimulang naglakad, sumunod naman siya agad. Pero hindi pa kami nakakalayo nang narinig namin ang sigaw ni Maurich, kasunod non ang sigaw ni Marie.
"Cynthia!" Mau.
"Ariel!" Marie.
Tumatakbo sa makaibang direksyon sina Mau at Marie. Sa kaliwa, si Marie, sa likod namin si Mau. Sa likod naman ni Mau ay si Shaira na nasa dating ekspresyon parin ng mukha niya na naglalakad pasunod sa tumatakbong Mau palapit sa amin.
"Cynthia! Kailangan mong makita ito." Bigla akong hinila ni Mau.
Hila-hila niya ako hanggang sa nakisiksik kami sa mga estudyante na parang may tinitignan.
Naestatwa ako sa nakita.
Si Macey, at yung dalawang alipores niya. Basag ang skull ng ulo. Nagkalat ang dugo at gutay gutay ang mga katawan. Tumalon sila mula sa rooftop. Napapikit ako at halos bumaliktad ang sikmura sa nakita. Kasabay non ay ang panginginig at takot.
Nanghina ang mga tuhod ko kaya hindi ko napigilang matumba, pero bago pa ako mahulog sa semento ay may dalawang brasong galing sa umpukan ng mga tao ang sumalo sa akin.
"Cynthia!" Pag-aalalang tawag sa akin ni Mau at Ariel. Balak din sana akong saluhin ni Ariel pero naunahan siya ni Hellios. Hindi ko rin naman inaasahan na nandito siya.
Pero nang dahil sa pagsigaw ni Mau sa pangalan ko ay napatingin sa akin lahat ng mga tao. Sa mga mata nila ay mababakas ang pagsisi nila sa akin. Alam nang lahat ang tensyon na nangyari sa amin nila Macey. Kaya hindi ko sila masisi kung iisipin nilang may kinalaman ako sa nangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top