Chapter 4

Nang dumating ang teacher ay may kasama siyang nakasunod sa likod niya. Tumayo yung teacher sa gilid ng table at pinakilala yung lalaking kasama niya sa harapan.

Gulat agad ang bungad sa akin nang makilala kung sino iyon. Gumala pa ang paningin niya sa  buong classroom, hindi pinapansin mga bulungan at hagikhigakan ng mga babae na tila ba kinikilig at parang first time makakita ng gwapo. Sabagay, hindi ko rin naman sila masisisi.

Dumapo ang tingin niya sakin. Muli kaming nagtitigan. Malamig ang mga tingin niyang binigay sa akin. Kinilabutan ako kaya ako na ang unang umiwas.

"Class! He's your new classmate. Hijo, pakilala mo sarili mo sa kanila."

Hindi sumagot yung lalaki sa teacher pero nakuha namang magpakilala ng sarili.

"Hellios Frones." Pakilala niya gamit ang malalim na boses kung saan pati si ma'am ay natigilan pero nakuha namang makapagsalita ng maayos.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam sa kakaibang atmosphere dito sa loob ng classroom. Pinagmasdan ko mga classmate ko pero parang hindi naman nila iyon nararamdaman. Malamig na mainit, hindi ko maintindihan.

"Ikaw na humanap kung saan ka uupo. Marami pa namang bakante diyan sa likod." Ani ma'am.

"Hellios! Dito ka sa tabi ko!" Sigaw nung malanding babae sa amin.

"No! Dito ka sa akin handa akong pacopyahin ka!" Sigaw nung kikay na matalino lang naman sa english pero bobo sa math.

Napalunok ko nang tumapat siya sa akin. Tumingala ako sa kanya para tignan siya. Pero nakatutok ang tingin niya sa upuan sa likod ko until he speaks without looking at me.

"Nice meeting you again." He smirked. Naupo siya sa upuan sa likod ko. Natatakot man sa paraan ng pagsasalita niya kanina pero hindi ko na lang pinansin at nakinig sa teacher.

Tahimik ang lahat habang nagdidiscuss si ma'am. But i know for sure this is not the usual. Hindi naman ganito katahimik dati. Oh baka ako lang ang nag o-over reacting? Ipiniling ko na lang ang ulo para huwag na mag-isip ng kung ano-ano.

Habang tahimik akong nakikinig kay ma'am ay naramdaman kong parang may humahawak sa batok ko. Hinayaan ko na lang iyon dahil baka hangin lang. Malamig kasi yun eh. Pero nang maramdamang gumapang ang kamay niya hanggang sa leeg ko ay nainis ako.

I hissed at iwinaksi ang buhok ko  palikod. Alam ko namang inaasar ako ng lalaking nag ngangalang Hellios sa likod ko. Dalawang beses na hinawakan niya ang batok ko kaya asar na asar kong winasiwas ang buhok ko sa likod. Pero nang ikatlo na ay mas malala ang ginawa niya.

Dalawang kamay na ang humawak sa batok hanggang sa leeg ko na para na niya akong sinasakal. Ang malalamig at mahahaba niyang daliri ay umabot na rin sa pisngi ko. Sa sobrang inis at parang sumobra na yata ang pagbibiro niya ay hindi ko napigilang lumingon sa kanya at sigawan siya.

"Ano ba!? Kung wala kang magawang matino huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo!" Napatayo pa ako at sa lakas ng sigaw kong iyon ay nakuha nito lahat ng atensiyon ng mga classmate ko lalong lalo na si ma'am na nakakunot noo.

Mas lalo akong nainis na sa paglingon ko kay Hellios ay umakto siyang parang walang nangyari kanina. Nakayuko siya at mukang natutulog. Ayaw ko man aminin pero nakaramdam ako ng konting takot dahil sa base sa kanyang pwesto ngayon ay parang totoong natutulog nga siya at parang hindi siya yung humahawak sakin kanina sa batok.

Pero dahil sa ayaw kong mapahiya at matuluyan ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon ay pinilit ko ang sarili na siya ang may kagagawan iyon. Kahit alam ko sa sarili kong imposibleng siya yun.

"Miss Villahermosa? May problema ba?" Halos hindi ko na maprocess ang tanong ni ma'am nang dahan dahang tumaas ang tingin sa akin ni Hellios. May pagtataka sa mga tingin niya.

Mukhang inosente pero hindi parin nawawala ang malamig na awra niya. Nakipagtitigan siya sakin habang nakataas ang isang kilay niya, kalaunan ay ngumisi siya. Nakakatakot man tignan pero hindi nawala ang natural na taglay niyang kagwapuhan. Nainis ako sa reaksyon niyang iyon.

"Bakit---" naputol ang sasabihin ko sana nang muling magsalita si ma'am.

"Care to explain me, what's happening?" Medyo naiinis nang boses ni ma'am.

Saka lang ako natauhan nang matanto kung anong ginagawa ko ngayon nang marinig ang tawa ng mga classmate ko.

Heto ako at nakatayo sa harapan ng lalaking ito habang nag e-explain si ma'am. Tahimik ang buong paligid pero bigla akong sumigaw at hindi na nakontrol ang inis sa lalaking ito. Pero base sa reaksyon ni Hellios at sa ginagawa ko ay parang siya ang inosente at ako ang umaaway sa kanya.

Ngayon hindi ko na alam ang mangyayari sa akin mamaya. Paniguradong kakalat at magiging pulutan na naman ng mga chismosang frog ang kahihiyang ginawa ko. Lalo na sa bagong estudyante na siguradong bagong crush ng mga babaeng malandi.

Tumikhim ako.

"I-i'm sorry ma'am. But he's---" naputol ang pangangatwiran ko nang pinaupo ako ni ma'am at hindi na nagtanong pa. Samantalang ang mga tingin ng mga babaeng classmate ko ay parang pinapatay na ako sa isipan nila. Mga lalaki naman ay pangisi-ngisi lang pero hindi na naki-alam pa.

Hiyang-hiya akong umupo sa upuan ko at nagpatuloy sa pakikinig. Hindi ko na muling nilingon si Hellios dahil alam kong maiinis lang ako sa mga mapang-asar niyang ngisi.

Matapos ang klase ay nakipagtulakan ako sa pintuan para makalabas agad. This is not me, hindi ko ugali ito noon pero kailangan kong gawin ito dahil ayokong makasama ng mas matagal ang lalaking iyon. Ramdam ko rin kasi kanina na hindi pa siya tumatayo para lumabas at mukhang hinihintay din na makalabas lahat bago siya lumabas.

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng biglang may humablot sa buhok ko sa likod. Nabitawan ko lahat ng mga hawak ko para pigilan ang kamay ng babaeng humablot sa buhok ko.

Taena! First time in the history na mangyari sakin ito. Ni minsan ay hindi ako naengage sa mga sabunutan o mga away dito sa school. I always isolate myself at kontento nang mag-isa kaysa sa makipag asaran at makipag-away sa kung sino-sino. At dahil na rin sa lagi kong pinipiling mag-isa ay hindi naman ako pinapakialaman ng mga mean girls dito sa school. Sina Maurich at Shaira? Halos magka-conflict lahat ng sched namin kaya hindi kami masyadong nagkikita rito sa school.

"Malandi ka rin pala! Akala mo naman kung sinong santo may tinatago palang kalandian!" Sigaw ng mga kasama ni Macey.

"A-aray! Macey ano ba! Bitawan mo buhok ko!"

"Oh? Masakit ba? Alam mo matagal ko nang gustong gawin to sayo, kaso mukha kang santo sa gilid kaya hindi ko magawa. Dahil baka makuha mo lahat ng simpatya nila! Dahil akalain mo namang sino tanga ang aaway sa babaeng wala namang ginagawa? Pero alam mo kung anong ginawa mo na kinainis ko para gawin ko ito sayo?" Ani Macey habang hila-hila ang buhok ko. Sinubukan kong makipaghilaan ng buhok para mabawasan ang sakit nito sa anit ko.

Tumingin ako sa paligid, maraming nanonood. Wala man lang lumapit para umawat.

"Sunshine! Pakiexplain nga sa babaeng to kung anong ginawa niya!" Muling hinila ng marahas ang buhok ko.

"Kung dika ba naman kasi sana papansin edi sana hindi ka napansin ni Macey!"

"Landiin mo na lahat huwag lang si Hellios!"

Hellios? Ang lalaking yon? Ano bang meron sa kanya para mapunta ako sa sitwasyon na 'to. Dahil lang sa lalaking iyon sirang-sira na imahe ko.

Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na umiinit ang sulok ng mata ko. Pinigilan kong lumuha, dahil baka sabihin nila umiiyak ako dahil lang sa walang kwentang away pusa na ito. Yun ay dahil sa iniingatan kong reputasyon ay nasira lang dahil sa lalaking iyon.

Naputol lang ang away nang may dumaan na guro. Natakot yata sina Macey kaya binitawan nila ako at tumakbo. Lupasay akong naupo sa semento. Hinang hina na pinupulot ang mga nagkalat na gamit ko.

"Oh my ghod! Cynthia!" Lumapit sa akin si Mau at walang tanong-tanong na tinulungan ako sa pagpulot ng mga gamit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top