Chapter 2
"Nakakagulat ka naman, Mau."
"Tara na nga. Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo diyan sa selpon mo?" Tanong niya habang naglalakad kami. Since pauwi naman narin kami, nilakad na lang namin para bawas gastos.
"Wala, isang post lang tungkol na naman sa nangyari ilang taon na nakalipas."
She tilted her head and looked at me while raising her eye brow.
"Noong 2012 ba? Totoo ba yun?"
I shrugged.
"Ewan. pero sabi ng mga dating estudyante totoo raw. Pero yung multo? Really? Naniniwala sila? Kung yung sunod-sunod na krimen at pagkakahulog ng mga estudyante mula sa rooftop, oo baka totoo yun. Marami kasing mga kwento na nahahaluan na ng kababalaghan."
"So serial murder ang nangyari noon? Pero wala namang nabalitaan na nahuli na nila yung taong nasa likod ng lahat ng 'yon." Huling saad niya ng makapasok na kami ng bahay.
Pumasok agad ako sa bahay para magpalit ng damit. Pagkatapos ay wala sa sarili akong naupo sa kama. Hindi naman malakas ang pagkausisa ko pero hindi ko maintindihan ang sarili. Muli akong nag-open ng social media. Nang mabasa ang mga post tungkol sa school, napailing na lang ako. Ngunit ang mga daliri ko ay mas malakas yata ang pagkausisa kaya napindot nito ang google.
Hindi ako siguro kung meron ba sa google yung about sa school namin. Pero sinubukan ko parin.
University of La Costa tragedy in 2012
Ni-click ko ang site na yun. At nang ma-open ko na ay biglang pumasok si Mau kaya dali dali kong nilagay sa ilalim ng unan ang selpon.
"Bigla-bigla ka namang pumapasok, Mau. Paano pala kung nakahubad ako."
Kumunot ang noo niya.
"Ano meron? Ganito naman talaga ako dati. Tsaka ano ngayon kung hubad ka? Pareho lang naman tayo rito. May sarili rin akong ganyan." Sabi niya habang nakatingin sa private part ko.
Binato ko na lang siya ng isang extra pillow na nasalo naman niya.
"Ano pala ginagawa mo rito?"
"Ah! Eto, pasagot nga ako rito. Diko maintindihan eh."
May hawak pala siyang pad paper, inabot niya sakin yun at tinignan ang ipinapasagot niya.
Naupo siya sa kama ko at kinuha sa side table yung isang apple na plano kong kainin mamaya, pero eto at kinakain na niya. Ako naman ay naupo sa may upuan dito sa may study table ko at sinagutan ang math na pinapasagot niya. Siyempre nilagyan ko ng mga note kung paano iyon nakuha. Siya na bahala kung maintindihan niya.
"Parang may kakaiba kay Shaira ngayon." Sabi niya.
Hindi ko na lang pinansin at tinuloy ang pagsagot sa assignment niya.
"Lumabas siya kanina at hindi pa bumabalik. Nakalimutan ko naman tanungin kung saan siya pupunta."
Tahimik akong tumigil sa ginagawa at tumingin sa orasan.
Alas nwebe na ah. Saan naman siya pupunta sa ganitong oras ng gabi? Muli kong tinuloy ang ginagawa ko habang walang tigil si Mau sa kakakain sa apple ko at pag-iisip kung bakit wala pa si Shai.
"Siguro may boyfriend na yun, hindi niya lang sinasabi sa atin. Pero hindi, eh. Si Shai? May oras sa mga ganyan? Imposible talaga. Ikaw Cynthia, ano sa tingin mo?"
Napabuntong hininga na lang ako. At marahan na ibinato sa kanya yung assignment niya.
"Tapos ko na. Labas na. Makikichismis ka lang rito eh. May gagawin din akong report ko bukas."
Kinuha niya yung papel niya at tumayo na nag-unat unat pa ng katawan habang hawak hawak ang pangalawang apple na kinakain niya.
"Salamat dito." Sabi niya bago lumabas ng pintuan.
Napailing na lang ako. Sinimulan ko na rin yung report ko bukas.
Napapapikit ako at nahihirapan sa ginagawa. Kailangan ko ang tulong ni Shaira, pero sabi nga ni Mau umalis siya kanina at wala pa siya. Hihintayin ko ba siya? Pano kung mamaya pa yun dumating?
May nasimulan naman ako. Pero kailangan ko lang ang tulong ni Shaira para mas ma-assure ako na tama ang ginawa ko.
Tumayo ako para lumabas at kumuha ng maiinom. Nagtimpla narin ng kape para hindi antukin. Naupo muna ko sa isang upuan sa sala nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
Kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
"Shai."
"Ba't gising ka pa?"
"Ahh hinintay kita, papatulong sana ako. Pero kung pagod ka, ayos lang. Pahinga ka na at matulog na tayo."
Hindi ko alam paano iexplain ang itsura niya ngayon. Mas lalong tumapang ang mata niya. Medyo magulo ang buhok at may konting putik sa sapatos niya. Saan ba siya galing?
Tumikhim siya nang mapansing pinagmamasdan ko ang istura niya. Mabilis akong tumingin sa gilid dahil sa hiya. Baka sabihin niya, hinuhusgahan ko siya dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kanya. Sino ba namang kasi hindi maiilang kung titignan ka mula ulo hanggang paa? Tsaka hindi naman kami super close, casual lang.
"Dalhin mo na lang rito sa sala, magpapalit lang ako." Malamig na sabi niya at pumasok na sa kwarto.
Ilang beses kong pinagalitan ang sarili ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina.
Bitbit ang report ay naupo ako sa sala. Hinihintay na lumabas si Shai at wala pang isang minuto ay lumabas na rin siya. Tahimik na ginawa namin ang report ko. Nagsasalita lang kami kapag may importanteng sasabihin. Gusto ko mang tanungin kung saan siya galing kanina pero baka sabihin niya ay pinapakialaman ko ang buhay niya.
Ginagalang lang namin ang buhay ng isa't-isa. Hindi naman siya palatanong kung anong mga ginagawa ko, at ganon rin ako sa kanya. Pareho kaming tahimik. Pero kung tatanungin kung sinong pinakatahimik sa amin, ay siya yun. Parang dinoble ang katahimikan ko sa kanya. Samantalang si Mau ang maingay sa aming tatlo.
Mula sa peripheral vision ko ay pansin kong patingin-tingin siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha?
Hanggang sa seryoso na siyang nakatingin sa akin. Ang creepy.
"Shai?"
"Tapos na, mauuna na ako." Sabay tayo at pumasok sa kwarto nila ni Mau.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang mga gamit tsaka pumasok na ng kwarto.
Nahiga ako sa kama at muling inalala ang mga kinikilos ngayon ni Shaira. Tulad nga ng sabi ni Mau, may kakaiba ngayon kay Shai. Sa malalim na pag-iisip na yun ay nakatulog ako.
Kalabog sa pintuan ang gumising sa aking mahimbing na pagtulog.
"Mau, mamaya pa ang klase ko." Mahinang sabi ko at halos bulong na lang dahil inaantok pa ako.
Ilang minuto pa ay muli akong hinila ng antok.
Nagising na lang ako ng tahimik ang paligid. Dating gawi. Naligo at ginawa ang routine ko bago pumasok. Paglabas ko ay wala na yung dalawa.
Nang pupunta na ako sa paradahan ng mga tricycle ay nagtext si Mau.
Mau:
Walang klase buong Univ. Tsaka wala na pala tayong stock ngayon. Sakto lang rin dinala kong pera na allowance ko ngayong araw. Ikaw na magrocery, kunin mo yung pera ko sa drawer namin sa kwarto. Pati rin yung hati ni Shai, ako na muna magbabayad, sisingilin ko na lang sa kanya mamaya.
Pagkabasa sa text niya ay bumalik ko sa bahay at pumasok sa kwarto nila para kunin ang sinasabi ni Mau.
Habang hinahanap yung pera na sinasabi niya sa drawer ay napansin ko ang isang kabinet sa kwarto nila. Hindi ko na sana papansinin ng may marinig sa loob.
Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba 'yon o hindi. Baka naman kasi daga lang. Kaya naman binaling ko ang atensyon sa pera ni Mau at kumuha ng ilang libo roon. At nang palabas na sana ako ng pinto ay napako ako sa kinatatayuan ko nang makitang may dugong umaagos mula roon sa kabinet.
Hindi ko alam pero biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok. Kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Imbes na tumakbo ay hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin kaya hindi ako makagalaw. Habang ang mata ko at nakatutok sa dugo na umaagos papunta sa akin.
S-saan galing ito? Anong meron sa kabinet?
"Cynthia?"
"Ahhh!" Sigaw ko.
Wala sa sariling napaupo ako sa sahig. Napatingala ako kay Shaira na nagtatakang nakatingin sa akin. Sa tingin niya ay makikita ang pagtatanong kung anong nangyayari sa akin. Mabilis rin at malalalim ang aking paghinga. Para ba akong tumakbo ng ilang kilometro at halos naghahabol na ng hininga.
"S-shai..." Nanginginig na boses ang lumabas sa bibig ko. Maging ang kamay ko na ginamit para ituro ang dugo.
"Anong nangyayari sayo?"
"S-shai....m-my dugo. Anong meron sa kabinet? G-galing doon yung dugo."
Mas lalong kumunot ang noo niya. Nakasalampak parin ako sa sahig habang nakatingin sa kanyan at ang kamay ko naman ay tinuturo sa gilid yung dugo. Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko na dahilan para mas lalong kumunot ang noo niya.
"Saan? Cynthia, anong bang nangyayari sayo ngayon?"
Nagtaka ako sa reaksyon niya. Mabilis akong tumayo at muling tinignan ang dugo pero ganon na lang ang kalabog ng dibdib ko ng makitang walang bakas ng dugo. Malinis na malinis na parang walang nangyari kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top