Chapter 10

September 4, 2012

Cynthia Mira Villahermosa. Siya ang kakambal ni Cynthia. Sariwa pa sa ala-ala ni Mira kung paano sila nagkahiwalay noon ng kapatid niya.

Nauna lumabas si sinapupunan ng kanilang ina si Cynthia, sumunod si Mira. Pagkasilang sa kanila ay nawalan na ng buhay ang kanilang ina. Lumaki sila sa bahay ampunan. Mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Mira! Tignan mo! Binigyan ako ng batang lalaking yun ng sampu." Sabay turo ng batang Cynthia sa batang lalaki na nakaupo at masungit na nakaupo sa duyan.

"Ha? Bakit ka niya binigyan? Bakit ako wala." Ngumuso ang batang Mira.

Musmos lang sila at kita sa mga damit nila na kusot kusot at halatang galing lamang sa mga donation ng mga tumutulong sa bahay ampunan. Samantalang ang batang lalaking ay galing pa sa marangyang pamilya. Nandito lang siya dahil sinama siya ng mga magulang niya na magbibigay ng donation. Halatang mamahalin at kahit bata ay makikita mo ang matapang at may pagkasungit ang batang lalaki.

Pinunasan ni Cynthia ang putik sa pisngi ng kapatid bago nagsalita.

"Siyempre hati tayo dito! Bili tayo ng ice cream don!" Turo niya sa ngtitinda ng ice cream sa labas. Mga dirty ice cream na tig limang piso isang cone.

"Tara! Tara!" Dahil sa excited ni Mira ay hinila na niya si Cynthia. Samantalang ang batang lalaki ay hindi matigil ang pagtitig niya sa madungis na Cynthia.

Kahit naman parehong taon lang sina Cynthia at Mira ay umaasta parin si Cynthia na ate para kay Mira. Magkamukha man sila pero mahahalata parin ang pagkakaiba nila. Bilog ang mukha ni Cynthia at may kulot ng konti ang buhok. Kay Mira naman ay matambok lang ang pisngi pero medyo pahaba ang mukha. Straight ang buhok.

Pagtawid nila Cynthia sa daan para bumili doon sa kabila, habang nakatalikod sila ay huminto ang isang puting Van sa likod nila. Napansin yun ng batang lalaki at kahit bata man ay alam niyang may masang balak ang van na yun. Kaya mabilis siyang tumakbo at pinuntahan sila. Ngunit nahawakan na niya si Cynthia pero ang mga tao sa Van ay nahablot naman si Mira. Nahulog ang Ice cream na hawak nila.

"Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako! Ate! Cyn, tulong!" Nagpumiglas si Mira ngunit wala na siyang magagawa dahil isang musmos na bata lamang. Habang si Cynthia ay pilit kumakawala sa batang lalaki para puntahan at tulungan ang kanyang kapatid. Ngunit matalino ang batang lalaki. Kung binitawan niya si Cynthia ay wala rin naman itong magagawa para iligtas ang kapatid niya. Kahit magsisigaw sila ay walang tutulong sa kanila dahil ang tindero ng ice cream ay pinaputukan nila ng baril. At malayo sila sa bahay ampunan, isa pa ay abala ang mga nagbabantay dito sa pagpupulong dahil sa pagdating ng isang sponsor nila na magulang ng batang lalaki.

Hinila-hila ng batang lalaki si Cynthia at naghanap ng pagtataguan. Samantalang ang van naman ay nakontento na sa isang batang nakuha nila kaya umalis na ito dala ang batang Mira.

Ngunit nagulat na lamang ang batang lalaki nang hindi na niya nahawakan si Cynthia at tumakbo ito, sinubukang habulin ang van gamit ang maliliit na binti at puno ng luha ang mukha. Pero hindi pa siya nakakalayo ay nabundol siya ng papadaang isang sasakyan.

"Cynthia!" Sigaw ng batang lalaki. Gulat at nasaktan sa nakita.

Simula non, tinulungan siya ng magulang ng lalaki. Pinagamot pero nagkaroon siya ng amnesia. Wala siyang maalala ni kahit ano. Lumaki siya sa tulong ng magulang ng batang lalaki pero noong nag 15 siya ay mas pinili niyang huwag nang tumanggap ng tulong galing sa kanila.

Totoo nga ang kasabihan na hindi sa edad ka magmamature, dahil yun sa exprience. Kinse anyos pa lang si Cynthia ay marunong na siyang makipagsapalaran at humanap ng trababo mapaaral lang ang sarili.

Samantala, mula nung magamot si Cynthia galing sa aksidente ay umalis at nag-aral abroad ang batang lalaki kaya hindi na niya nakita ang paglaki ni Cynthia.

Samantala, mapalad pa rin si Mira dahil nakaligtas siya kasama ang mga batang katulad niya na kinidnap dahil sa mga pulis na nakatunton sa hide out ng mga taong nagbebenta ng lamang-loob. Palaboy at palakad-lakad lang si Mira ng may mabangga siyang isang may katandaan na babae. Naawa at nagustuhan siya nito kaya inampon siya at tinuring na totoong anak.

Kung tutuusin ay base sa ginang ay mas masuwerte raw siya dahil isang katulad ni Mira ang nahanap niya. At sa loob ng ilang taon na gusto niyang magkaanak ay dumating si Mira. Iniwan kasi siya ng dating nobyo nung malaman na baog siya.

Mula noon ay kasa-kasama niya si Mira sa hirap man ng buhay niya. Ang ginang ay isa lang rin tao na hindi pinalad sa buhay. Isang kubo lang ang bahay nito ngunit kahit papaano ay napapakain niya tatlong beses isang araw si Mira. Hanggang sa magdalaga si Mira. Tumutulong din si Mira mula sa pagtitinda ng kung ano-ano para sa kanilang pang araw-araw at sa kanyang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng high school at nakakuha ng scholarship dahil matalino rin at masipag mag-aral. Samantalang si Cynthia ay matalino rin ngunit mas pinili niyang huminto muna ng dalawang taon pagkagraduate ng high school para magtrabaho at makapag-ipon.

Mag-isa na lang siya sa buhay at alam niyang hindi niya pwedeng asahan ang scholarship makuha man siya.

Sa ngayon, nasa first year na si mira.

Tahimik na nagbabasa si Mira sa library. Nahinto siya nang maalala ang mga nangyari noong bata pa siya. Kung kamusta na ang kapatid niya o kamusta ba ang naging buhay niya kung hindi siya inampon ng ginang.

Habang inaalala ang mga yun ay hindi niya maiwasang masktan at makaramdam ng galit. Dahil hindi man lang gumawa ang kapatid niya para tulungan siya. Sariwa pa sa ala-ala niya na humihingi siya ng tulog sa kapatid niya ngunit mas pinili nilang tumakbo palayo at iwan siya sa mga hayop na kumuha sa kanya. Habang palayo ang van na sinasakyan niya ay nakasilip siya sa bintana, tinatawag ang pangalan ng kapatid na nakatalikod na sa kanila at tumatakbo palayo.

"Cynthia? Ayos ka lang?" Tanong sa kanya ni Hellios. Cynthia kasi halos ang gamit niyang pangalan. Kasi totoo naman. Cynthia Mira nga lang pero mas gamit niya ang Cynthia kahit galit siya sa kapatid niya.

Bumalatay sa mukha ni Hellios ang pag-aalala. Umupo siya sa tabi ni Mira at pinunasan ang pisngi ng babae dahil sa luha na umaagos kanina.

Simula nang bumalik ang lalaki galing US ay dito na siya sa pilinas nag-aral ng college. Sakto rin dito sa La Costa University siya pumasok kung saan nag-aaral si Mira. Galing man sa mayamang pamilya si Hellios ay mas pinili niyang mag-aral sa public school. Dito sila muling nagkita kay Mira.

Lumipas ang ilang buwan ay naging sila, ng hindi alam ni Hellios na ang Cynthia na kasintahan niya ngayon ay hindi ang Cynthia na batang babae na gusto niya noon.

Masaya na sila, kaso nga lang ay napupuno na ng selos at inggit si Shaira na kaibigan ni Mira.

"Mira! Saan ka pupunta? Hindi ka ba ihahatid ni Hell?" Nakangiting tanong ni Shaira nang sumabay siya sa paglalakad kay Mira.

"Hindi na. Nauna na siyang umalis dahil maaga siyang tinawagan kanina ng mama niya." Mahinang saad ni Mira. Mahinhin siya at tahimik, sa pagsasalita naman ay talagang mahinhin din.

"Hmm bakit daw siya tinawagan ng mama niya?"

"Hindi rin sinabi. Pero nangako naman na babawi siya sa susunod na ihatid ako kahit ayos lang naman na huwag na."

Bumuntong hininga si Shai. Palihim na inirapan si Mira ngunit malawak ang ngiti at bumalik siya sa masayahin na boses.

"Alam mo ba, ang swerte mo talaga kay Hellios! Full package na kumbaga. Gwapo, masarap ang katawan, mayaman, mabait, at maalagain sa jowa. Pashare naman ng feeling kung paano mahalin ng isang Hellios! Hahaha!"

Umiling-iling lang si Mira at nakitawa ng marahan. Alam niyang nagbibiro lang si Shai.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top