Chapter 1

"Cynthia! May klase ka pa, anong oras na!"

Rinig kong sigaw ni Mau na kasama ko rito sa boarding. Siya palaging nauunang nagigising sa amin. Actually tatlo kami, dalawang kwarto lang meron dito tapos isang sala. Sa sala doon kami sabay-sabay kumakain minsan. Mag-isa lang ako dito sa kwarto ko, samantalang dalawa sila ni Shaira sa kabilang kwarto.

Si Maurich ang laging unang nagigising at siyang laging gumigising sa akin kapag nahuhuli ako. Si Shaira, tahimik lang pero matalino yan. Sa kanya kami palagi nagpapaturo ng assignment. Samantalang ako, tamad na nga gumising sa umaga, palaging late at bobo pa sa english lalo na sa essay. Pero siyempre, sabi nga nila. Kung bobo ka sa english, matalino ka naman sa math. Tama naman sila dahil ganon ako.

Pinilit kong gisingin ang diwa ko at bumangon na sa kama. Nawala na rin ang sigaw ni Mau kakagising sa akin. Siguro alam na niyang nagising na ako sa lakas ba naman ng sigaw niya.

Hawak-hawak ang tuwalya na lumabas ako ng kwarto para makaligo na. Nasa sala kasi yung banyo at cr, iisa lang.

Paglabas ko, ang tahimik ng buong bahay. Tanging si Shaira lang nasa labas na tahimik at halos hindi makalikha ng ingay na gumagawa ng assignment yata. Ewan, may sinusulat siya eh. Wala yatang pasok ngayon, maluwag siguro schedule niya ngayong araw.

"Shai, si Mau?"

Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin bago sumagot.

"Kanina pa pumasok mga 7:30, maaga sila ngayon dahil may orientation silang gagawin." Sagot niya gamit ang boses niyang malamig na kung hindi mo lang kilala ay aakalain mong parang galit sa mundo. Pero sa loob ng dalawang taon na magkakasama kami sa boarding na 'to, hindi pa ba ko masasanay? Sanay na ako sa kanya. Mabait naman siya, nasayo na kung maiinis ka sa paraan ng pananalita niya.

Nahinto ako sa sinabi niya.

Kanina pang 7:30 pumasok si Mau? Tumingin ano sa orasan namin na halos basag na, na nakasabit sa dingding.

It's already 9:00, mamayang 10:30 pa klase ko.

Huh? Sino yung gumising kanina sakin na halos lumabas na ngala-ngala sa lakas ng sigaw? Si Shaira? Si Mau? Pero sabi ni Shai kaninang 7:30 pa pumasok si Mau. At imposible namang si Shaira yun dahil hinding-hindi mo talaga mapapasigaw yan. Hindi niya hobby sumigaw, kahit galit na. Silent at cold treatment lang kapag galit.

"Paanong kanina pang 7:30 pumasok si Mau kung ginising niya lang ako kani-kanina lang?" Takang tanong ko.

Imposible namang binibiro rin niya ako. Sa tagal na kilala ko na siya. Wala sa vocabulary niya ang magbiro.

Tumigil siya sa ginagawa niya at umangat ang tingin sa akin. Kumunot ang noo at nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"Maligo ka na ng mahimasmasan ka. Lutang ka pa yata. Baka nananaginip ka lang o guni-guni mo lang dahil nasanay ka nang sigaw ni Mau ang gumigising sayo sa umaga." Sabi niya at muling yumuko para ituloy ang ginagawa niya.

"Imposible," bulong ko sa sarili habang naglalakad na papasok ng banyo. Tanging laman ng utak ay ang nangyari kanina. Pilit na inaalala kung panaginip ba ito, guni-guni ba o totoong narinig ko yun. Dahil kung guni-guni ko lang, paano ako halos mahulog na sa kama sa sobrang gulat sa pag sigaw niya?

Iniling ko na lang iyon at binilisan ang pagligo dahil may quiz pa kami mamaya. Ayokong mahuli sa klase, mahirap na dahil pagsasawayin ka bago ka paupuin.

Medyo malapit lang naman ang school dito sa boarding pero mas pinili kong magtricycle na lang para hindi masyadong haggard at hindi mahuli sa klase.

Habang nasa loob ng tricycle, may tumabi sa akin na matabang babae kaya halos maipit na ako sa kinauupuan ko. Napangiwi ako at  nakita niya yata ang reaksyon kong yun sa salamin sa harap kaya masamang tingin ang ipinukol niya sakin. Ang ngiwing nakapaskil sa mukha ko ay napalitan ng pilit na ngiti.

Natapos ang quiz namin sa math, siyempre kering-keri ko lang yun. Hindi naman mahirap sa akin mag memorize ng mga formula at madaling maintindihan kung paano ito gamitin. Noong lunch na ay dinismiss kami ni sir kaya nagsilabasan na mga kaklase ko. Hinintay ko munang mabawasan ang tao sa pintuan bago ako tumayo para pumunta na rin ng canteen dahil kanina ko pa ramdam ang gutom.

Hindi kasi ako kumain kanina bago ako pumasok.

Paglabas ko ng pintuan ay may tumawag agad sa pangalan ko.

"Cynthia! Sandali!"

Huminto ako at nilingon ang tumawag sakin. Si Marie Bautista na kaklase ko. Irregular siya at back subject niya yata yung MMW.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Humihingal pa siya na lumapit sa akin na akala mo naman tumakbo ng ilang kilometro. Nakipagtulakan pa kasi siya sa may pintuan para makalabas at maabutan ako.

"M-may gagawin ka pa ba?" Hingal na tanong niya.

"May klase pa akong pupuntahan ngayon. Kung makikipag chismisan ka pa sakin, siguradong male-late na ako, excuse me."

Hindi ako mahilig makihalubilo, hindi ako mahilig makipagusap sa kung sino sino. Lalo na kung chismis lang pag-uusapan. At lalo na kung hindi kami close at hindi naman importante ang sasabihin. I'm the type of person na hindi nakikipag-usap kung wala namang dapat pag-usapan. Sumasagot naman kung may tinatanong at nakikiusap sa akin. Pero minsan, may mga lalaking pinapahaba na ang usapan na nagsimula lang naman sa tanong niya kung may assignment ba o wala. Kaya ang ginagawa ko, nagpapa-alam na lang ako na pupuntang banyo o may importante pang gagawin.

"Cyn!" Pahabol na sigaw ni Marie pero wala na siyang magagawa dahil nakalayo na ako.

Natapos ang lahat ng subject ko ngayong araw kaya narito ako sa canteen habang hinihintay si Maurich. Nagtext siya sakin na sabay daw kaming umuwi. Si Shaira, pumasok daw kanina pero umuwi rin agad dahil ilang subject lang ang meron siya.

Bumili ako ng meryenda habang hinihintay si Mau. Sinuot ko yung salamin kong anti-rad bago ako tumutok sa selpon ko at nag open ng social media. Habang abala ako sa pag s-scroll ay nahinto ako sa isang post.

Humigop muna ako sa juice na binili ko at sumubo ng isang bilog na hopia. Muli kong binalikan at binasa yung isang post ng hindi ko naman kilala pero inaccept ko parin nung nag friend request siya sakin.

Tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo matapos kong basahin. Ang haba-haba pero nasayang lang oras ko dahil wala naman palang kwenta. Akala ko pa naman isang article o announcement na tungkol dito sa school namin. Isa kasi siya sa mga student council kaya ko siya inaccept. Nagbabakasakali na maupdate ako agad kapag may pakulo ang school namin.

About ba naman sa mga kababalaghan daw dati sa school namin. Keso daw may umiiyak na babae sa cr at iba pang mga kabaliwan na pinost niya.

Sa dalawang taon ko na rito sa school wala pa naman akong nae-encounter na ganon. Pero ang sabi sa post ay noong 2012 daw nangyari ang sunod sunod na trahedya rito sa school, kaya naman maraming nagsasabi na baka raw may multo talaga. Natapos lang ang nakakapangilabot na pangyayaring iyon at naglaho ang mga istoryang tungkol sa multo dito sa school noong 2015.

Muling bumalik daw sa dati at pumayapa ang lahat. Pero dahil sa post nitong walang kwentang student council, tinatakot at tinitrigger niya mga ibang studyante. Kaya naman nagsimula na ulit sa paligid ang mga bulong-bulungan. Panigurado nabasa rin nila iyon.

Dahil sa post na yon, kumalat at nabuhay ulit ang mga nakakakilabot na kwentong nangyari raw noon. Pero dahil mga chismosa na mga tao ngayon, pati chismis nage-evolve na at nagiging exaggerated.

Marami nang natatakot at kung ano-anong bagong kwento ang lumabas.

"Kanina ka pa ba? Pasensya na, may meeting pa kasi kami kanina. Tara na!"

Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mau kaya halos mahulog ko na ang selpon ko, mabuti na lang at mabilis ang kamay kong nasalo ito.

"Nakakagulat ka naman, Mau."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top