23

riot
@rflinley
0915
📍 iridescent | placard doré
567 following. 21,777 followers.

-

riot @rflinley
🔒💛

👤 danger
REPLY • RETWEET • LIKE
848 replies • 94.2k retweets • 99.9k likes

JACE @eupornia
Replying to @rflinley
uwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwuwu

Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @rflinley and @dangerblade
@dangerblade, IS THAT KAMA NI RIOT?! OMAYFAKINGGUDNEZ!!!

danger @dangerblade
Replying to @rflinley and @flynnlinley
bayaw q! si riot po talaga nagtulak sa'kin sa kama niya. 😢

mama mo @momama
Replying to @rflinley and @dangerblade
hindi naman sila bagay???

JACE @eupornia
Replying to @momama, @rflinley and @dangerblade
MAMA MO HINDI BAGAY.

━━━━━

"Alam niyo naman na kung bakit ko kayo pinatawag, 'diba?" tumatawang sabi ni Coach nang may malaking ngiti sa labi. Napasimangot ako sa loob ko pero sa labas, nakangiti rin ako tulad niya.

Kasalukuyang nakaupo si Danger sa upuan habang siya naman ang ginagawa kong upuan. Nagpumilit pa siya kanina na dito raw ako umupo at tinarayan ko siya kaagad dahil sa kahalayan niya.

Uy, pasimple.

"Gusto kong i-congratulate sina Danger, Archie at Thrasher na natanggap bilang tatlo sa mga qualifying members ng GDU." Nagsipalakpakan kaming lahat.

"Sa New York gaganapin ang Illusion Alley, 'diba?" tanong ni Coach na sinagot naman ng iba. Hindi ko makuhang sumagot. Ni hindi ko nga rin makuhang ibahin ekspresyon ng mukha ko bukod sa pekeng ngiti.

"Pupunta naman kayong tatlo?" Coach asked enthusiastically. Danger's arm snaked through my waist. I felt his breath on my arm, sending shivers to my system. Simpleng tango ang sagot ni Danger at Archie, pwera lang sa isa na nasa tabi ko.

Lahat ng ulo dito sa kwarto ay lumingon sa kanya. Wala siyang ipinakita sa'min kundi ang ngisi niya at isang kibit-balikat. "Iba pangarap ko, Coach." Nadismaya ang iba pero si Coach, hindi. Talagang nirerespeto ni Coach ang mga desisyon namin.

Kinalabit ko ang braso ni Thrasher. "Huy! Seryoso ka? Hindi mo kinonfirm?" Tumango lang siya sa'kin. "Bakit? Hindi pumayag si Rebel?" Umiling siya.

"Gusto niya, ayaw ko."

Pinanliitan ko siya ng mata at hinampas nang marahan sa braso. Humigpit ang hawak ni Danger sa baywang ko. "Sayang, baliw!"

Umiling siya, ulit.

"Hindi naman ako nasasayangan. Iba naman ang gusto ko. Hindi naman GDU ang pangarap ko, simula't sapul pa lang." Tumingin siya sa'kin pero walang emosyon ang mata niya. "Ikaw din naman, 'diba? Hindi rin naman kasama ang GDU sa gusto mo."

Hinarap ni Danger ang katawan ko sa kanya. "Tama na 'yan. Nakuha mo na ang gusto mong malaman kay Thrasher." 

Ngumuso ako sa kanya. "Sayang kasi siya," bulong ko. Umiling-iling lang si Danger sa'kin.

Kinurot ko 'yung pisngi niya at pinanggigilan siya. "Cutie!" Parang bata kong sabi bago ibalik ang tingin kay Coach nang may blanko na ekspresyon sa'king mukha.

"Moody," natatawang saad ni Danger sa'kin. "Is this what is it like to be your boyfriend?"

I nodded without looking at him.

Bakit? Will he change because of my sudden mood changes? Ayaw na niya sa'kin? Pinakalma ko ang sarili ko para hindi na mag-overthink pa.

"I love it." He lazily chuckled then took my hand from my lap.

Sobrang nagiging gulo na ng utak ko. Hindi ko na maipaliwanag lahat ng nararamdaman ko. Halo halo na ang lahat.

"Riot, Riot... I'll miss my Riot so damn much." Bulong ni Danger bago ipatong ang ulo sa balikat ko.

"Danger!" Tawag ni Coach sa atensyon ni Danger kaya agad siyang napabalikwas na ikinatawa ng lahat. My Danger being my Danger.

"Coach! Bakit?" May alanganin na ngiti sa mukha ni Danger. Kinalabit ako ni Thrasher at binulungan, "Bakit parang natatae 'yang jowa mo?" Tinawanan ko lang siya.

"Sabi ko kako, gaano kayo katagal doon tsaka kailan alis niyo?" Kinamot ni Danger ang likod ng ulo dahil sa hiya. Sumulyap si Danger kay Archie na nagkibit-balikat lang sa kanya.

"Mga ano po... Uh... Ano... Tatlong buwan po kami doon. Alis po namin sa susunod na buwan." Sa kabilang dulo ng kwarto, may isang Archie na tumatawa habang pumapalakpak. Mukhang natutuwa dahil sa mukha ni Danger na hindi maipinta ngayon.

"Tama naman ako ah?!" pabirong asik ni Danger kay Archie. Tumango lang si Archie at nag-thumbs up sa kanya.

Ngayon, kay Archie naman lumingon si Coach. "Ano bang gagawin ng GDU ngayon? Iba ba sa nakaraang taon?" Dito nakuha ni Coach ang buong atensyon ko. Ginugulo ako ni Danger pero tinakpan ko 'yung bibig niya habang nagsasalita si Archie.

"Hindi po, kasi dati, puro performances lang sila. Bale po ngayon, kasama po namin 'yung ibang pinili ng GDU. Ang nasabi pa lang po sa'min, halo-halo kami sa iisang grupo. Maglalabanan po kami kaya si baka si Danger maging kalaban ko doon."

Halatang hindi gusto ni Archie na makalaban si Danger. Bakit naman niya gugustuhin? Sa tagal nang pagkakaibigan nila, hindi sila nagkalaban pagdating sa sayaw kasi lagi sila magkakampi.

"Pero wala naman pong matatanggal o ano. Labanan lang po between dancers. Dadagdag lang sa credentials kapag nanalo."

Maya't maya ay natapos ang short meeting namin. Nagsisialisan na 'yung iba pero nandito pa rin kami ni Danger.

Agad akong humarap kay Danger. Inakbay ko ang braso ko sa batok niya. Ngumuso lang siya sa'kin at hinaplos ang kamay ko kaya napabuntong-hininga ako.

"Go. Don't give me that face, Danger. Alam mo namang desidido na ako." Mula sa gilid ko, kita ko ang mapang-asar na tingin sa'min ni Thrasher bago siya bumalik sa pagtipa sa cellphone niya.

"Desidido raw, pero may humihila sa kanya." mabagal niyang dagdag. Tinanggal ko ang braso ko na kakaakbay lang sa kanya at tumayo ngunit ang kamay namin ay hindi pa rin bumibitaw sa isa't isa.

"I'll be fine. I'm happy for you, and I'm also proud." Ngumiti ako sa kanya bago siya hilahin patayo. Hindi siya kumibo at hinayaan lang akong hilahin siya.

"Stop thinking about me. Bukas o sa makalawa, hindi na mabigat pakiramdam ko. But whatever happens, I'm still proud of you." Hinalikan niya ako sa pisngi bago ako akbayan.

Nilingon niya si Thrasher na nakaupo pa rin sa upuan. Hindi maayos ang pagkasandal nito sa upuan at naka-de kwatro pa habang patuloy na nagtitipa sa cellphone niya.

"Pre, ano? Alis na kami." Tumango lang si Thrasher sa'min at hinarap ang cellphone niya.

"Pupunta si Rebel dito."

Ngumisi lang si Danger sa sinabi ng kaibigan at umiling. Samantalang ako ay pinipigilan ang paglabas ng ngiti.

"Ingat na lang talaga si Rebel sa'yo." natatawang sabi ni Danger habang nakatingin kay Thrasher.

"Gago! Pagpasok nun dito, kapag nakita niya ako, mamanyakin na niya ako sa isip niya. Kaya ako dapat ang mag-ingat sa kanya."

"Sinasabi mo diyan?" Napatingin kaming tatlo sa boses na nagmula sa pintuan ng room. Nakataas ang kilay ni Rebel bago naglakad papunta kay Thrasher. Napatawa na lang ako sa reaksyon ni Thrasher na akala mo'y natatae.

"Sabi ko, babe, iingatan kita. Hehe." Nag-aalinlangan pang tumawa si Thrasher habang lumalapit kay Rebel para yakapin siya.

Okay, fourthwheeling na.

━━━━━━━━━━

j: i miss rebel and thrasher. miss ka ba? no proofreading made so baka may mga mali. bYE.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top