19
riot
@rflinley
love yourself.
📍 iridescent | placard doré
567 followers. 21,598 followers.
-
riot @rflinley
i told him to catch all the stars for me. yes, he did, but he also brought the moon with him.
appreciation post for my b4Ehb3H right here.
👤 danger
REPLY • RETWEET • LIKE
748 replies • 89.9k retweets • 99.8k likes
↪ riot @rflinley
Replying to @rflinley
guys, charot lang 'to. oo, appreciation post siya pero 'wag niyo naman ako tadtarin sa replies at dm's na sagutin ko na si danger. seriously, hindi kayo ako para alamin ang dapat kong gawin sa buhay ko.
↪ JACE @eupornia
Replying to @rflinley
↪ JACE @eupornia
Replying to @rflinley
the queen has spoken.
↪ danger @dangerwilliams
Replying to @rflinley
b4Ehb3H 💛 tara, pakasal. hehe. 'wag mo na sila pansinin. i'm not rushing anything.
↪ Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @rflinley and @dangerblade
hipokrito alert. hindi raw nagrurush pero sabi magpakasal.
↪ danger @dangerblade
Replying to @rflinley and @flynnlinley
bayaw naman! 'wag mo akong ginaganyan. matuturn off na sa'kin ni riot niyan.
↪ Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @rflinley and @dangerblade
shh ka lang pero hindi talaga 'yan natuturn off sa'yo. ahekhek.
↪ riot @rflinley
Replying to @dangerblade and @flynnlinley
FLYNN ROWOFKQPFOQPDJWKXOWOXOEO 😡
━━━━━
I felt a light kiss on my forehead and a wide smile was plastered on my face while the crowd inside the gymnasium cheered and clapped for the whole winning team.
"Placard Doré won once again! Congratulations!" The crowd roared as the announcer repeated what he had said a few minutes ago.
Inakbayan ako ni Danger at inilapit ang katawan papunta sa kanya at dumiretso papunta sa audience. Mula sa direksyon na nilalakad namin, kay Flynn kami papunta.
"You did great." simple nitong sabi at ngumiti. Sinuklian ko ang ngiti niyang binigay at tumango ng isang beses na parang na-touch.
"Ikaw din naman. A hot papito offstage but a hotter papito onstage."
Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mata at seryoso na siyang nakatingin sa'kin. Tinaas-baba pa niya ang kilay niya at nangasar pa. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Which papito do you like better?"
"I want the offstage papito because I have him all for myself. Walang kahati, walang kaagaw."
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nakanganga lang siya habang nakatingin lang sa'kin. Pabiro kong binalik ang nahulog niyang panga.
"An onstage Danger is surely irresistable but that also means he won't be for my eyes only."
Naputol ang tingin ko sa kanya nang may lumapit sa'min para i-congratulate kami. Mukhang hindi narinig ni Danger ang bumati at nanatiling nakatingin sa'kin habang nakanganga.
Masyado silang madami at hindi ko alam kung bakit nagsisitalunan sila habang bumabati. Kaya bawat pagtalon nila ay siyang pag-angat at pagbaba ng aking ulo, sinusundan ang bawat galaw nila.
"Thank you sa support! Nuod kayo sa susunod, ha?" medyo pabiro kong sabi sa schoolmate na bumati. Dapat lang na suportahan niyo kami!
Kinawayan ko sila habang naglalakad sila palayo sa'min. Kung makabati sila, akala mo naman artista kami. Well, nanalo kami para sa school namin kaya ganun siguro.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbalot ng braso ni Danger sa'king baywang at ang mainit niyang hininga sa gilid ng aking tenga.
"I sometimes may not be for your eyes only, but I assure you, my heart is only yours."
Seryoso ko siyang tinignan at malalim na huminga. I felt my breath hitched for a moment. Pero naputol ang lahat nang marinig ko ang sigaw ng nag-iisang at ng napakagaling na si Flynn Linley.
"Riot! Bayaw ko!" tawag nito sa'min habang naka-spread ang mga braso nito at medyo tumatakbo papunta sa'min.
"Ang galing niyo! Kapatid talaga kita, Riot." Yinakap ako nito nang napakahigpit at sinunod si Danger. "Bayaw talaga kita, Danger."
Sinapak ko ang braso ni Flynn dahil sa mga kalokohan niya. Napadaing siya sa "sakit" at hinagod niya ang braso niya. Hinagis niya ang hawak na bimpo sa mukha ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Binelatan lang niya ako.
"Ang dungis mo, Riot. Amoy isda ka."
Hinablot ni Danger ang bimpo mula sa'king kamay at binuka nang kaunti sa likod ang damit. Pinasok niya ang bimpo sa loob at pinunasan ang pawis ko. Nanlamig ako sa ginawa niya.
Nilabas niya ito nang kaunti sa kwelyo ng damit at pinasabi ito para matuyo ang pawis sa likod. Mahina akong nagpasalamat sa kanya at kinindatan lang niya ako.
Pagbalik ko ng tingin ko kay Flynn ay nakangiwi ito at mukhang masusuka maya't maya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya.
Lumiwanag muli ang kanyang ekspresyon at tumingin sa'ming dalawa. Mga napakalawak na ngiti sa labi nito ay halatang kailangan.
"At dahil nanalo kayo, tara, samgyup tayo. Libre niyo ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top