18

saber
@snow_amber
sabi ng nanay ko follow your dreams, eh hindi naman naglalakad ang dreams.
📍 jyp univ cheering
321 following. 15,001 followers.

-

saber @snow_amber
alak na lang ang natitirang kaibigan ko.
REPLY • RETWEET • LIKE
111 replies • 18.1k retweets • 19.8k likes

JACE @eupornia
Replying to @snow_amber
etherealbjh, echosera ka. ganda ka???

danger @dangerblade
Replying to @snow_amber and @samuelwilliams
brO??¿¿¿¿???¿

samuel @samuelwilliams
Replying to @snow_amber and @dangerblade
fuck off, bro.

saber @snow_amber
Replying to @dangerblade and @samuelwilliams

danger @dangerblade
Replying to @snow_amber and @samuelwilliams
balikan na ba¿¿¿

danger @dangerblade
Replying to @snow_amber and @samuelwilliams
PARA KANINO 'YAN?! SA'KIN O KAY SAM?!

samuel @samuelwilliams
Replying to @snow_amber and @dangerblade
bro, i said fuck off!

saber @snow_amber
Replying to @dangerblade and @samuelwilliams
SA INYONG DALAWA 'YAN!

━━━━━

danger
@dangerblade
riot's.
📍 placard doré
250 following. 25,432 followers.

-

danger @dangerblade
mine. 👅

REPLY • RETWEET • LIKE
392 replies • 53.9k retweets • 59.1k likes

JACE @eupornia
Replying to @dangerblade
STEP ON ME. CHAR, BAKIT KO TATAPAKAN SARILI KO???

Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @dangerblade and @rflinley
I'Mㅡ SINAGOT MO NA?!

riot @rflinley
Replying to @dangerblade and @flynnlinley
HINDI PA. ANO BA KAYO!!!

Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @dangerblade and @rflinley
may pag-asa ka pa, bayaw q.

seulgay @jjeonns
Replying to @dangerblade
@eupornia, ganda mo dito ha!

JACE @eupornia
Replying to @jjeonns
jusko, kay liit na bagay.

saber @snow_amber
Replying to @dangerblade
hindi ka sasagutin niyan, hinayupak ka.

danger @dangerblade
Replying to @snow_amber
sinong nagsabing hindi? ikaw nga hindi babalikan ng pinsan ko eh. 🙄

━━━━━

"Who's Saber?" usisa ko kay Danger na ngayo'y kumakain lang ng fries sa tabi ko. Binaba ko ang phone ko at tinignan siya kumain.

Parehas kaming walang klase ngayon. May next class pa kami pero pinili naming sa cafeteria na lang tumambay muna saglit para magpalipas ng oras.

Ngumuso lang siya at itinapat ang isang fries sa bunganga ko. Umirap ako sa kawalan at nagpasubo naman. Corny niya, I like it.

"Just my cousin's still attached ex-girlfriend." Sumubo siya ng fries at tumingin ulit sa'kin. "Why? Interested ka sa kanya?"

Sinamaan ko siya ng tingin bago patayin ang phone ko. Humalakhak lang siya dahil hindi ko sinagot ang pang-aasar niya.

"I just thought I saw her somewhere before." Lumiit ang mata ko kapag iniisip nang maigi kung saan ko siya huling nakita.

I have this habit of trying to remember people I think I saw before. Pakiramdam ko ang laking ginhawa sa dibdib kapag nalaman ko kung saan ko sila unang nakita.

Tinabi ni Danger ang plato ng fries sa gilid at uminom ng Sprite.

"We did. Noong kinalaban ng AU ang JYPU sa cheering dati. Isa siya sa mga na-mention na cheerleaders along with Jordynea and the others."

Tumango-tango na lang ako nang nasagot na niya ang mga tanong ko. Okay, doon naman pala. Matatahimik na ang isip ko.

"You should meet her though. We're good friends." sabi nito at pinatong ang siko sa lamesa bago inayos ang upo paharap sa'kin.

Tinignan ko lang siya at tinantiya ang titig niya sa'kin. Why should I? Nagkakaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa loob ko. Fuck.

"Nah, it's okay." sagot ko bilang pag-iwas sa suhestyon niya. "I don't think we would click together."

Ngumiwi siya sa sinabi ko at nagkibit-balikat na lang. "I think you would pero ikaw ang masusunod dito."

Tumingin siya sa likod ko kaya pati ako ay napatingin din. Binaba niya ang suot kong shirt dahil nakikita na pala ang likod ko dito. Inayos ko ang upo ko at inunat ang damit.

"Bakit naman kasi ang ikli ng shirt mo? Shirt ba 'yan?!" reklamo nito habang tinatanggal ang jacket na suot at pinaikot sa baywang ko.

Pinanliitan ko siya ng mata. "You speak as if I don't normally wear clothes this short. We both know I even wear clothes shorter than what I am wearing now."

Pinanliitan din niya ako ng mata at nakipagkumpitensiya ng titigan sa'kin. "And that's the problem. You act like it's cool when it's practically not. Mababastos ka niyan at ayaw ko nun."

Bumitaw ako sa pakikipagkumpitensya at umirap na lang. "Hindi naman ako nababastos eh. 'Wag kang ganyan mag-isip."

"'Wag mo na lang hintayin at pangarapin na dumating ang panahong 'yun." naiinis niyang sabi sa'kin at mas nilapit pa ang upuan.

Habang pinapaikot-ikot ko ang phone ko sa'king kamay, may isang alaala na pumasok sa isip ko. Aha! Itatago pa sa'kin nitong Danger na 'to.

"Hindi ba si Saber 'yung crush mo dati?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Pinanliitan ko siya ng mata pero hilaw lang siyang ngumiti sa'kin.

"Natatandaan mo pa 'yun? Hehe. Grabe, grade nine pa 'yun. Tatlong taon na ang nakalipas." Hinihimas-himas niya ang braso ko para kunwari ay pinapakalma niya ako.

Mukhang defensive, amp.

"Okay." sagot ko at tumingin sa harap. Naramdaman ko ang pagtigil ng himas niya at nakita ko sa gilid ko ang pagkunot ng noo niya.

"Bakit ikaw? Sino si Jagger?" Lumaki ang mata ko sa biglaan niyang pagsabat. At talagang nilipat pa niya sa'kin.

"Kaibigan ko."

Ngumuso siya at bumulong-bulong sa tabi ko. "Kaibigan daw. Eh narinig ko kay Flynn na isa 'yun sa nagbalak manligaw sa kanya dati."

Matalim ko siyang tinignan. "Bakit? May problema ka ba doon?!" asik ko sa kanya.

Lumaki ang mata niya at mabilis na umiling-iling habang kinakamot ang batok niya. "Wala naman."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top