16
danger
@dangerblade
riot's.
📍 placard doré
250 following. 25,219 followers.
-
danger @dangerblade
get. the. girl.
REPLY • RETWEET • LIKE
421 replies • 59.1k retweets • 60.1k likes
↪ JACE @eupornia
Replying to @dangerblade
↪ asdf @ghjklasdf
Replying to @dangerblade
@rflinley
↪ Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @dangerblade
wat is this
━━━━━
"Ano 'yan?" tanong ko kay Danger na nakatayo sa pintuan ko nang may hawak na isang malaking plastic. Nasa likod lang namin si Flynn na sumisilip sa ginagawa namin.
Malaki ang mata ni Flynn habang nakaupo si Ryder sa binti nito. Tinatakpan din niya ang bibig ni Ryder na naguguluhan.
"Plastic." pilosopo niyang sagot.
"Pinipilosopo mo ba ako?! Syempre, tinatanong ko kung ano laman ng plastic."
Hilaw siyang ngumiti at inabot sa'kin 'yung plastic pero hindi ko kinuha. "Bigas laman niyan."
Narinig ko ang halakhak ni Flynn sa likod. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin na agad nagpatahimik sa kanya.
"Bigas?! Sa tingin mo ba hindi namin kaya bumili ng bigas?" nagtataka kong sabi sa kanya.
Naramdaman ko ang presensya ni Flynn sa likod ko. "Riotㅡ" pagsingit niya sa usapan pero inunahan siya ni Danger.
"Manliligaw kasi ako."
Sa uulitin, narinig ko ang halakhak ni Flynn. Pero hindi tulad kanina, pinipigilan niya ang paglakas ng halakhak niya.
"Ano?!"
"Sabi ko, manliligaw ako." ulit ni Danger pero mas mabagal na ang kanyang pananalita niya ngayon.
Akmang kukunin ni Flynn ang supot pero pinalo ko kaagad 'yung kamay niya. Siraulo ba 'tong kapatid ko? Kuha nang kuha ng gamit na hindi naman kanya.
"Hindi 'yan sa'yo!" bulyaw ko sa nakatatandang kapatid.
"Akin 'yan! Doon ka nga." Kukunin na niya sana ulit mula sa kamay ni Danger pero pinalo ko ulit siya. Nakuha pa talagang magsinungaling.
Binalik ko ang tingin ko kay Danger. "Oo, narinig ko. Bakit ka manliligaw? Nasisiraan ka na ba?"
Tinabi ako ni Flynn sa gilid at may binulong kay Danger. Binulong nga, rinig ko naman! Bulong ba 'yan?
"Manliligaw ka lang? Ayaw mo bang mamanhikan na? Payag na kaagad ako."
Pinalo ko 'yung braso ni Flynn at nagulat naman siya. Tinuro ko 'yung loob ng bahay para sabihing pumasok na siya sa loob dahil nakagugulo lang siya ng usapan.
Bago siya pumasok, binelatan niya ako at ginulo ang buhok kaya tinulak ko siya papasok.
Hinarap ko na ulit si Danger na malawak ang ngiti habang hawak hawak ang supot. Nag-iba ang aking mukha dahil sa supot. Bakit may ganyan?!
"Manliligaw ako." may diin na sabi ni Danger habang pumapasok sa loob ng bahay. Pumasok lang siya bigla ng bahay nang walang pasabi!
Aba.
"Excuse me? Pumayag ba ako?" mataray kong asik sa kanya habang sinusundan siya pumunta sa kusina namin.
Kaming dalawa na lang ang tao dito sa baba. Baka nasa kwarto na ni Ryder si Flynn at Marita. Nagsisisi akong pinapasok ko si Flynn dahil iniwan lang niya kami dito.
Pinatong niya sa lamesa ang hawak niyang supot bago humarap sa'kin. Nakapamewang lang ako habang siya ay may mayabang na ngiti sa mukha.
"Pumayag o hindi, manliligaw ako." sabi niya sabay kindat sa'kin.
"Hoy! Hindi ako tumatanggap ng ligaw. Kaya hindi ka manliligaw sa'kin."
Tumawa lang siya sa sinabi ko. May nakatatawa ba? Parang wala naman?
"Wala kang magagawa kundi magpaligaw, pero sa'kin lang at hindi sa iba."
Suminghap ako dahil sa sinabi niya. Aminin mo na, Riot, gusto mo rin naman. Pero ayaw ko! Marami akong kailangan asikasuhin at masyadong mabigat ang pagmamahal para unahin ko.
"Ano ba 'yang supot na 'yan?! Tanggalin mo 'yan diyan. Hindi kami naghihirap, may pambili kami ng bigas."
Kinalikot niya ang supot at nakatalikod siya sa'kin. Hindi siya nagsalita at tanging ang paggalaw lang niya sa supot ang maririnig.
"Hindi naman kasi talaga bigas ang laman nito." Mahina siyang tumawa. "Niloloko lang kita. Pagkain lang talaga dala ko."
Pinanliitan ko siya ng mata. "Pagkain? Hindi rin kami naghihirap para bigyan mo ng pagkain."
Sa aking loob-loob, sinapo ko ang noo ko. Riot, ang pabebe mo. Ikaw na nga binibigyan ng pagkain, ikaw pa ang may ayaw.
"Huh? Inutusan lang ako ni Flynn na bilhan siya ng pagkain nang sinabihan niya akong pumunta dahil hinahanap daw ako ni Ryder."
At sa uulitin, sinapo ko ulit ang noo ko sa aking loob-loob. Hindi lang pagsapo at noo ang ginawa ko. Nadagdagan pa ito ng pagsampal sa sarili.
Assumera ka kasi!
"Oh." 'Yun lang ang tanging nasabi ko.
Tama naman pala si Flynn. Para kanya naman pala 'yung laman ng supot na 'to. Ako lang si gagang nag-aassume.
"'Yun lang naman pala pinunta mo rito eh. Sige, akyat na ako. Tawagin ko na lang 'yung dalawa para sa'yo." Nagkibit-balikat ako at tinalikuran siya.
Tama na 'tong pagpapahiya sa sarili, Riot.
Ano ibig sabihin nun? Naloko niya ako na bigas ang laman ng supot at pagkain naman pala talaga. Naloko rin niya ako na para sa'min ang dala niya pero sa totoo, pinabili lang sa kanya ni Flynn.
Pati ba 'yung panliligaw niya, totoo?
Hinawakan ni Danger ang kamay ko at hinarap sa kanya. Tumatawa-tawa pa siya habang pinipigilan ako sa pag-akyat. May nakatatawa ba?!
"'Wag kang ganyan, Riot. 'Wag mo ako kaagad talikuran." aniya at tumigil sa pagtawa.
"Nag-assume ka ba? Kung oo, sorry. Hindi naman talaga 'yun ang intensyon ko." Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko. Parang dapat hindi ako bumitaw. "Okay lang." Tatalikod na sana ulit ako pero nagsalita siya.
"Akala mo hindi ako seryoso sa panliligaw?" mahina niyang dagdag. Hindi ako nakasagot kaagad.
Narinig ko ang buntong-hininga niya. Hindi ako makasagot kasi 'yun ang totoo. Nahirapan akong tanggihan.
"Seryoso ako doon. Iba ako pagdating sa'yo. Iba ako kapag si Riot ang pinag-uusapan."
Lumapit siya papunta sa'kin. Sinuklay niya ang buhok ko habang nakatalikod ako sa kanya. Iniikot-ikot niya ang dulo ng mga buhok ko sa kanyang daliri.
"Labas tayo ulit mamayang gabi? Tayong dalawa lang pero magpapaalam ka na kay Flynn."
Naismid ako sa huli niyang sinabi. Naalala ko na naman kung paano ako umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam. Hindi rin naman kasi ako nagpapaalam dati kay Flynn noong mag-isa lang akong tumitira sa condo. Ngayon lang ulit simula noong bumalik ako sa bahay.
Nakangiti ko siyang hinarap. "Okay."
Ano ba, Riot! Oo ka kaagad eh. Pakipot ka muna sa ngayon, pwede?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top