15
danger
@dangerblade
riot.
250 following. 25,013 followers.
📍 placard doré
-
danger @dangerblade
a low quality picture but a high quality girl.
👤 riot
REPLY • RETWEET • LIKE
213 replies • 34.2k retweets • 45.1k likes
↪ JACE @eupornia
Replying to @dangerblade
ANG CUTE KO NAMAN DIYAN
↪ riot @rflinley
Replying to @dangerblade
ano 'yan 😡
↪ Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @dangerblade and @rflinley
diyan pala kayo galing! nakngputa. bAKIT HINDI KAYO NAG-AAYA?!
↪ danger @dangerblade
Replying to @flynnlinley and @rflinley
SORRY, BAYAW Q. GUSTO KO LANG MAKASAMA ANG KAPATID MO. 😭
↪ danger @dangerblade
Replying to @flynnlinley and @rflinley
LIBRE KITA SA SUSUNOD, BAYAW Q. DATE TAYO, IWAN SI RIOT. 💛
━━━━━
"Bakit ka ngingiti-ngiti diyan?" asik ko kay Flynn na mukhang gago na na nakangiti.
He sighed in a relaxed and satisfied matter as he closed his phone. Hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa kanyang labi. "Umalis pala kayo ni Danger kagabi?"
"Oo, inaya niya ako saglit. Wala ka naman dito kaya hindi na ako nagpaalam."
"Finally, magkakaroon na ng lovelife ang kapatid ko. Akala ko habambuhay na siyang single!" hinampas ko siya nang malakas sa braso dahil sa asar niya.
"Bakit ba?! Masama ba na matuwa ako para sa'yo? Dati, tinanggihan mo si Jagger, tapos kahit 'yung mga ibang nagtangkang manligaw, tinatanggihan mo kaagad." inayos niya ang upo sa sofa at tumignin sa'kin ang mapang-asar niyang mata.
Kahit best friend niya si Jagger, kailanman ay hindi niya pinilit na magustuhan ang kaibigan niya. He knows him well, all of his ups-and-downs. He is a truly well-grown man but I don't think we fit each other.
Disregarding all the drama, I know we're not right. Alam naman natin 'yun eh. Before we enter a relationship, we must consider evaluating everything-everything in every aspect. And there, I knew I can't be with him. I like him but I don't like romantically enough.
"Pero kapag kay Danger... Aba! Ni hindi man lang magpapakipot 'yan." humalakhak na naman siya nang napakalakas na akala mo may parang siyang pinapatay na hayop at tinutusok-tusok ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero binelatan lang niya ako.
"Hindi ako tutol sa inyo ni Danger. Ang akin lang, ang mahalaga para sa'kin ay masaya ka at tama ang mga ginagawa mo. Danger is dependable enough, kaya kung pipili ako ng magiging in-law ko, siya pipiliin ko."
Sinipa ko ang paahan niya. "Bakit ba puro in-law ang nandiyan sa isip mo? Mukha bang magpapakasal na kami?"
Dahan-dahang dinala ni Flynn ang kanyang kamay sa kanyang bibig na kunwari siya ay nagugulat. "Na? So may balak nga kayo pero hindi pa ngayon agad?!"
Nanlaki ang mata ko sa akusasyon niya. May mali rin ako dahil sa hindi pagpili ng mga tamang salita pero hindi naman 'yun ang pinaparating ko. "Kuya, I'm just turning eighteen! Bakit mo ako binubugaw?! Tsaka bakit ba puro kasal ang nandiyan sa isip mo?"
Nagkibit-balikat lamang siya sa'kin. "Hindi kita binubugaw, ikaw lang nag-iisip niyan."
"Speaking of," he spoke again. "What do you think of having Xylie as a sister-in-law?"
Now, it's my turn to be surprised. Alam kong may girlfriend si Flynn and they've been together for more or less three years? Hindi ako sure. I've met her personally before and it's been a while since we last talked. Nakikita ko na lang siya sa pictures ni Flynn ngayon. She's still the same, she's pure by heart and by soul.
Hindi niya deserve si Flynn na walang ginawa kundi manggago.
"Wow! I mean, just wow." I scratched the back of my head since I can't find the right words to say. "Hindi ko naisip na may balak kang magpakasal sa kanya nang ganito kaaga? Look at the both of you, you're just twenty-three years old. Sigurado ka ba diyan?"
He lowly chuckled at my response. "Chill ka lang, Riot. Proposing to her is still a thought. Iniisip ko pa kung kailan, saan at paano. Tinanong ko lang ang opinyon mo."
"Proposing to her may still be a thought, but are you sure you're marrying her?" I worriedly asked. "I'm just asking hindi dahil ayaw ko sa kanya or whatever! Ayaw ko lang na baka nadadala ka lang sa emosyon mo at hindi mo pala siya paninindigan after being engaged."
"I know, I'm sure I'm marrying her. Hindi ko pa nga lang nasasabi kay Mommy at Daddy. Hindi pa ako nakakahanap ng panahon, busy sila masyado."
I tapped him lightly on the back. "Susuportahan ka nun, gusto na nila ng apo."
Narinig namin ang malakas na pagkasara ng isang pintuan sa taas. Alam namin na sa kwarto kaagad ni Ryder 'yun. Bukod kasi sa narinig namin ang saway sa kanya ni Marita, naririnig namin ang matitinis na hagikgik ni Ryder. Mabibilis ang yapak ng kayang paa habang tumatakbo pababa dito sa sala. Halata na kakagising lang niya sa kanyang afternoon sleep dahil gulo-gulo pa ang kanyang buhok.
"Ate Ri, I want to play!" he adorably asked while tugging the hem of my shirt. He tried to sit on my lap but I refused him and I asked him to sit on Flynn's lap because I'm comfortably sitting with one leg under my thigh.
Sumunod sa kanya si Marita pababa ng hagdan. Nang makitang kasama namin si Ryder ay guminhawa ito. Halatang nakatulog din 'tong si Marita habang nagbabantay kay Ryder matulog. Nagpaalam pa ito sa'min ni Flynn na kung kailangan namin siya ay nasa kwarto niya lamang siya.
"You want to play? Then let's go to your room so we can play." akmang tatayo na ako pero hinila niya ako paupo. "Why?" I looked at him with curious eyes, asking for what he wants. Flynn seems to be enjoying biting Ryder's arm, but Ryder is obviously upset that he's pushing Flynn's face away from his arm.
"Ano ba, Kuya Flynn! Stop biting me!" maiyak-iyak na reklamo ni Ryder. Nang ilayo ni Flynn ang mukha niya ay kita namin ang marka na nagawa nito sa braso ni Flynn. We both heartily chuckled as Ryder roughly caressed his arm with a frown.
"I want to play with Kuya Danger!" sumunod naman ang malakas na hiyaw ni Flynn at bumalik na naman ang nakabusangot kong mukha.
He fixed Ryder's position on his lap and asked him with a smile, "Do you like Danger to be Riot's boyfriend?"
Napangiti naman si Ryder at tumango-tango. "They should also get married soon!"
Napairap ako sa sinabi ng nakababatang kapatid at sa ngisi ng nakatatandang kapatid. Hindi ko sila mantantiya.
"If they get married soon, you'll have more playmates. Yehey!" tumatawang sambit ni Flynn habang winawagayway ang mga braso ni Flynn. Humagikgik si Ryder sa sinabi ni Flynn at talagang sang-ayon pa ito sa sinabi ni Flynn.
"Ate Ri and Kuya Danger would make beautiful and handsome babies!" sila lang ang tumatawa habang ako ay mag-isang naiwang nakasapo ang kamay sa noo.
━━━━━━━━━━
j: tbvh, wala akong maisip na pang-update. kBYE. kilalanin niyo muna characters ko. tsaka may kilala ba kayong portrayer para kay flynn? :ㅡ(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top