14

RIOT FLEUR

"Would you rather live a life in reality or in fantasy?" he chuckled upon hearing my question.

Kanina pa kami naglalaro ng Would You Rather. Siya ang nagpasimula ng laro. Ayon sa kanya, itong laro ay makakapagsabi ng opinyon ng tao. He also said it's fun to play this game with a huge number of strangers, in that way you get to know them better.

"Fantasy?" tila hindi pa sigurado sa sagot.

Pinagpatuloy niya ang paghiwa ng ingredients na kakailanganin niya sa pagluto ng pasta ko. Ilang beses din namin 'yan pinag-awayan kanina kasi sabi ko okay na ako sa simpleng carbonara lang ngunit mas pinipilit pa niya na mas magarbo ang ipaluto ko.

Mayabang masyado.

"Bakit naman fantasy?" I asked, having another answer in mind.

"Fantasies make your dreams come true. Truthfully speaking, the more you want something, the less chances of you getting it. Fantasies, however, make everything you ever wanted come to life."

Tumango-tango ako sa kanyang sagot. I get his point.

"Ikaw?" he asked.

"Me? Oh, I'm a realist." I chuckled. "Harsh truths are always better than misleading lies. What happens, happens. That's life. May mababago ka ba sa buhay mo? Wala. So, walk your fate."

I shifted at my seat. Nakapalumbaba ako sa countertop habang pinapanuod si Danger kumilos. Sabi ko sa kanya na gusto ko siyang tulungan pero nagpumilit siya na siya na raw ang kikilos.

Kadalasan, nandito sa baba si Ryder kasama si Marita at naglalaro sila. Pero nang makita ni Marita na kasama ko umuwi si Danger, binuhat nito si Ryder at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni Ryder.

"Would you rather be alone in this lonely world or spend every running minute with me?"

Masyado akong nagulat sa tanong niya. Nagpunas ito ng kamay gamit ang basahan sa gilid at pinatong ang dalawa niyang kamay sa countertop, kaya napaiwas ako mula sa kaninang pwesto na nakapalumbaba.

"I'm waiting," mapang-asar nitong sabi sa'kin habang nakagilid pa ang ulo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba?!" asik ko sa kanya. Inayos ko ang upo ko habang nakapalumbaba gamit ang isang kamay na lang.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero masyado siyang natutuwa sa nangyayari habang hinahanap ang mga mata ko.

"Tigilan mo nga ako! Magluto ka na lang diyan!" utos ko sa kanya habang tinuturo ang mga gamit sa likod niya.

"Just answer the goddamn question, Riot," tumatawang pilit niya sa'kin. Masyado ka atang natutuwa sa nangyayari ngayon, ha?!

"Fine! I'll spend every running minute wuth you!" dama ko ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko kaya tinalikuran ko siya at pumunta sa sala.

"You don't need to be shy, Riot. Hindi mo na kailangan itago 'yang nararamdaman mo para sa'kin." narinig kong asar niya sa'kin bago tumawa nang napalakas.

Damn guy.

━━━━━

Danger Blade Williams
Active now

Danger Blade set your nickname to riot ni danger. Change.

Danger Blade set his nickname to danger ni riot. Change.

DANGER NI RIOT
hoy!!!

DANGER NI RIOT
kanina pa kita tinatawag. sigaw ako
nang sigaw.

DANGER NI RIOT
"riot, kapag hindi ka pumunta dito,
hahalikan kita!"

DANGER NI RIOT
abaㅡ hindi nga pumunta.

DANGER NI RIOT
'wag mo sabihing nakatulog ka na?!
mapipilitan akong tumayo nito.

DANGER NI RIOT
hinayaan kitang pumunta sa sala
pero para ako tulugan. kakaiba ka.

DANGER NI RIOT
ano tingin mo sa'kin?! binabayaran
mo para maging tagaluto?

DANGER NI RIOT
pero parang maganda naman 'yun?
uuwi ka, pagod sa school, tapos ako,
naghahanda ng kakainin mo. 😍

DANGER NI RIOT
sarap sa mind isipin.

DANGER NI RIOT
HOY! NAKATULOG KA NA BA TALAGA
DIYAN, HA? MANG-IIWAN. NAPATAYO
NA TULOY AKO, KAINIS NAMAN EH.

DANGER NI RIOT
puta. tulog.

━━━━━

Nagising ako nang may naramdamang tumutusok sa pisngi ko. Nakatulog pala ako?!

Napabalikwas ako at napatayo mula sa pagkahiga. Si Danger! Nasa harapan ko si Danger!

Without thinking normally, I touched my face. Kinapa ko kung may laway ba sa gilid ng bibig ko o kung kaya naman ay may muta sa mata ko. Buti naman wala.

Nakaupo sa sahig sa gilid ng sofa na hinigaan ko si Danger. Mukha naman siyang tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko. Napasinghap ako dahil sa hiya!

"Kanina pa kita ginigising," sabi nito. May kinuha siyang pinggan sa likod niya at maingat na inilahad sa'kin.

"Kakatapos ko lang din naman sa pagluto ng carbonara mo." binigyan-diin niya ang dulong salita kaya pinanliitan ko siya ng mata bago kunin ang platong inilahad.

Natutuwa ako dahil inayos pa talaga niya ang plating. Umusod ako ng kaunti at mahinang pinalo ang katabing pwesto para sabihing dito siya sa tabi ko umupo imbes na sa sahig.

"I bet this wasn't your first time to have somebody cook food for you." mahinahon nitong sabi habang lumilipat sa pwesto sa tabi ko.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What's that supposed to mean?" kinibit niya ang balikat niya ang ngumiti sa'kin. Pinasadahan ko siya ng tingin bago kunin ang tinidor. "I'm just saying."

This isn't my first time pero hindi ko na 'yun sasabihin sa kanya. It looks like he knows enough nang sabihin niya sa'kin. May napansin ba siya sa kilos ko?

"Jagger used to cook for me sometimes so," nagkibit-balikat ako bilang pagtatapos sa pangungusap.

Bumuntong-hininga ako, kasama sa nilabas na hininga ang mga memoryang meron kami ni Jagger. Dahil lagi naman ako nandito sa bahay at pumupunta siya rito dahil kay Flynn, dinadalhan niya ako ng mga niluto niya o kaya kapag may gusto siyang subukan na recipe ay pinapatikim niya rin sa'kin.

"Tell me kung masarap. Pasta is not especially my area of expertise." nahihiyang sabi nito sa'kin.

"Ano ba ang area of expertise mo?" interesado kong tanong. I never knew cooking was in his blood.

I twisted the fork and brought it up to my mouth. After a few chews, nalalasahan ko na 'yung sauce. It's not that bad, it's actually more than what I'd expected.

"Scrambled eggs," mabagal niyang dagdag.

Nabilaukan ako nang kaunti sa sinabi niya. Coming from Danger, I was expecting a really good and thought of answer! Umubo muna ako bago bumaling sa kanya.

"Seryoso ako, Riot! 'Wag mo akong tignan na para bang may krimen akong ginawa." depensa niya sa kanyang sarili. Napailing na lang ako sa pagiging diretso niya at napangiti.

I raised the plate a bit before facing him again. I saw how his eyed twinkled while waiting for my verdict. Oh, boy. Your expression will definitely make me give you a solid ten.

"Masarap, seryoso. You could learn a bit more kung pinagtutuunan mo 'to ng pansin. But maybe cooking isn't really your hobby so 'wag mo na pansinin 'yung sinabi ko."

I finished my plate and helped him in cleaning the dishes. As stubborn Danger is, nagpumilit na naman siya na kumilos mag-isa. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimulang maglinis.

Dahil nagtatampo siya sa'kin dahil sa ginawa ko, inutusan ko na lang siya na magdala ng pagkain para kay Marita at kay Ryder. Maingat kong hinawakan ang tray at inabot kay Danger.

"Alipin mo ako?" nang-iinis niyang tanong at may ngisi sa mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran. "Oo! Kaya iakyat mo na 'yan."

"Grabe! Ang under naman ni Danger." natatawang lumakad ang bagong dating kong kuya sa'min. Napalingon kami nang sabay ni Danger sa kanya.

"Ang under... Understanding kasi. 'Wag mo ako tignan nang ganyan, Riot." dinuro-duro niya ako pero gumawa na lang ng isang naiinis na ekspresyon sa kanya.

Malapad ang kanyang ngiti nang lumapit siya kay Danger at mahinang pinapalo sa balikat.

"Buti na lang ikaw magiging bayaw ko," tuwang-tuwa naman si Danger sa kanyang narinig na ikinangiti pa niya ito.

━━━━━

danger
@dangerblade
riot.
250 following. 25,001 followers.
📍 placard doré

-

danger @dangerblade
my fantasy.

👤 riot
REPLY • RETWEET • LIKE
543 replies • 21.4k retweets • 37.2k likes

r u redi @eupornia
Replying to @dangerblade
LUH LUH LUH MAY PA-GANUN

Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @dangerblade
BUMABAKOD NA ANG BAYAW KO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA

riot @rflinley
Replying to @dangerblade and @flynnlinley
WTF, FLYNN.

Flynn Linley @flynnlinley
Replying to @dangerblade and @rflinley
kuya approves, don't worry. 😉👌

danger @dangerblade
Replying to @flynnlinley and @rflinley
salamat, bayaw q. 💛

━━━━━━━━━━

j: dapat may kasamang update sa limerence at sabay ko silang ipu-publish kaso wala pa akong maisip hehe. an update before school officially starts on monday.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top