12
RIOT FLEUR
"Riot," mahinang tawag ni Rose sa pangalan ko.
Nandito ako sa canteen ngayon. Wala pang masyadong tao sa dance practice room kaya kumain muna ako saglit. Why I hate being vulnerable, napapakain ako nang madami.
May laman pang pagkain ang bibig kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang baboy ko siguro tignan ngayon, ngununguya habang nakataas ang isang kilay.
"Pwede ba kita kausapin?" Bahagya kong itinaas ang burger na hawak ko. Nilunok ko muna 'yung pagkain ko bago siya sagutin.
"As you can see, I'm eating. Ayaw kong maabala," medyo naiirita kong sagot sa kanya.
I really don't like her. Ewan, I don't care if Danger liked her. Heck, I can't even see what he saw in her.
Baka ganun talaga? Once you see a bitch, your girly sense just feels it. Nat-trigger ka.
"Oh! Okay lang. Hintayin na lang kita sa labas ng canteen." Binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti bago lumabas. Kumagat ako sa burger ko habang sinusundan siya ng tingin palabas.
Ano gusto niya sa'kin?
━━━━━
danger
DANGER
saan ka ngayon? nasa dance room
ka na ba?
ME
alaws, nasa canteen ako. wala pang
masyadong tao eh. tsaka gutom ako.
DANGER
okay, good. puntahan kita after class.
malapit na matapos 'tong klase ko.
DANGER
make sure to eat many! cake lang
kinain mo kanina ha? ayaw ko
sumabat pero dapat dinamihan mo
kain mo! 😡
ME
yes, tatay.
DANGER
i'm serious!
ME
i also am serious. mas malala ka pa
sa tatay ko.
DANGER
pumapayat ka na kasi.
ME
then good?! i'm keeping my image.
tumaba na ako dati.
DANGER
well, ms. linley, i like the way you
looked before more. you don't
look as bad as you think.
ME
sinasabi mo lang 'yan.
━━━━━
Tinapon ko sa malapit na basurahan ang wrapper ng burger at ang bote ng binili kong tubig. Inayos ko muna ang sarili ko bago magpakita kay Rose.
Daming alam.
"So, ano gusto mo?" I swear, I had enough drama for this day. Sana naman ay hindi na siya dumagdag sa poproblemahin ko sa buhay.
"Nililigawan ka ba ni Danger?" Walang paligoy-ligoy niyang tanong. I was seriously taken aback. May ganun siyang lakas na loob 'yun itanong sa'kin.
I know their story. Hindi na ako baguhan sa kung ano man ang meron sa kanila ni Danger. Rose is like me, but not exactly like me, maraming iba sa'min.
"Ano naman 'yun sa'yo?" Matabang kong sabat sa kanya habang mapait siyang tinignan. Her eyes were screaming of anger and jealousy. Oh, babe, I pity you.
"Akin lang siya, Riot! Alam mo 'yan! Ako na ang gusto niya dati pa at mananatili 'yun na ganun." I scoffed at her statements. May gana pa talaga siya isigaw 'to ngayon sa harapan ko?
Here standing in front of me is the main reason why I don't want Jagger thinking things. Things that I can't give him, can't provide for him.
"Iyo siya, sabi mo, but you can't even keep him to yourself. Kung sa'yo siya, bakit ka nagsisigaw-sigaw ngayon sa harapan ko na parang ako pa ang inagaw sa'yo?!" At my vulnerable times, mahirap magpigil ng nararamdaman.
I say what I want to say. I do what I want to do. I do things while thinking irrationally. That's why I hate being vulnerable. I hate it so much. Hindi nagiging tama ang mga desisyon ko.
I built concrete walls around me but vulnerable me just had to ruin them. Just great. Riot versus herself.
Walang pigil na nagsituluan ang kanyang mga luha. Puno ng galit at kalungkutan ang kanyang mga mata. At doon na ako nakaramdam ng awa para sa kanya.
She was the exact example of what I don't want Jagger to turn into. I don't want to corrupt his mind. I don't even want to be cried of. I am not worth it. I am not worth of anybody's tears.
"Bakit? Hindi ba? Hindi mo ba siya inagaw sa'kin?" My hands were formed into fists. Masasapak ko talaga 'to kung hindi ko 'to natantya.
"Inagaw? I'm not that low! Heck, ano naman makukuha ko in exchange of that?! Luha mo? Hindi ko kailangan niyan. Hindi ako matutuwa diyan."
Nanginginig ang kanyang bibig lalo na ang kanyang katawan. Konting tulak na lang kanyang nararamdaman ay bibigay na siya.
"Reasons, Riot! If you were really at the right state of mind, you wouldn't even think of showing interest at him! You know he's mine tapos gaganunin mo? Salutera ka, Riot!"
Napapikit ako nang mariin sa inakusa niya sa'kin. Pigilan mo, Riot. Pigilan mo ang sarili mo. Hindi ka mananampal.
Ika nga nila, ang unang manampal o manuntok, talo. Hindi ka magpapatalo sa kanya, Riot. Sa lahat ng tao, hindi sa kanya. Sayang pagod, sayang ang sakit sa palad.
Dumilat ako at ngumiti nang pilit. Sobrang pilit. Hindi ako nagsalita, tinalikuran ko lang siya. Ayaw ko na magsalita tungkol diyan. Wala naman akong ginagawang masama.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinarap sa kanya. "'Wag mo akong talikuran, Riot. Hindi pa ako tapos!"
Aba! Nahihibang na pala ang babaeng ito. Anong klaseng pagmamahal ba ang pinakain ni Danger dito at mukhang baliw na baliw sa kanya?
With flaring eyes, I looked at her hand that was holding my wrist tightly before looking straight at her. I made sure my stare would be intimidating enough. "I don't need your insults. Kaya kung may problema ka tungkol kay Danger, 'wag ako ang gambalain mo. Wala akong oras para diyan."
Marahas kong tinanggal ang pagkahawak niya sa'kin at tinalikuran siya ulit. Hindi naman ganun karami ang sinabi niya sa'kin pero nagsawa ako sa kakakinig sa kanya. Ano ba ang punto ng mga pinaggagawa niya sa'kin?
Pero makulit ang lola mo. Hinila niya ulit ang palapulsuhan ko para humarap sa kanya at malakas na sinampal. I can't remember the last time I was slapped as hard as that one.
"Rose!" Isang malalim na boses mula sa malayo ang nagpatigil sa kanya.
Ramdam ko ang pananakit ng pisngi ko. Agad kong hinawakan ang pisngi ko at matalim na tumingin sa kanya. Ang kapal nga naman talaga ng mukha.
Tinulak siya ni Danger palayo sa'min at muntik na siya mahulog sa lakas ng pagkatulak sa kanya.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Danger habang nakahawak sa baba sa ko at tinitignan ang pisngi ko na sinampal ni Rose.
Sarkastiko akong tumingin sa kanya. "Sa tingin mo magiging okay ako kapag sinampal ako?"
Nagbago ang ekspresyon, tila nahiya sa naging sagot sa tanong niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Pero okay lang ako. Sampal pa lang naman ginawa niya sa'kin. Practice na ako."
"Teka," pigil sa'kin ni Danger. "Kausapin ko lang 'to, sabay na tayo pumunta."
Umiling-iling ako sa sinabi niya. Ayaw ko. Baka kapag nakita niya ako, masaktan na naman niya ako. Nakakailan na siya, ha?
"Riot, kaya nga ako pumunta dito para puntahan at samahan ka." Mahinahon niyang sambit.
"Whatever it is, I appreciate your thought. Pero sa ngayon, unahin mo siya. Mukhang marami kayong pag-uusapan na dapat hindi ko marinig. Sa inyong dalawa na dapat 'yun."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top