11
RIOT FLEUR
"Riot!" Nilingon ko ang tumawag sa'kin, si Danger. "May kasama ka ba maglunch? Samahan kita."
Mas lalong akong nagmadaling iligpit ang gamit ko dahil habang mas kinakausap ako ni Danger, mas nagtatagal ako. "May iba akong kasama maglunch eh," singit ko habang inaayos ang mga papel ko.
"Sama ako sa inyo." Pilit niya at humakbang papalapit sa'kin. Mabilis akong umiling habang winawagayway ang mga kamay ko para sabihing hindi na kailangan.
"Hindi na. Sa labas kami kakain, tsaka hindi mo rin naman siya kilala." I excused myself dahil sabi ni Jagger ay kanina pa siya nandoon kaya mas nagmadali ako.
Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil sa pagtanggi ko kay Danger. Alam kong dapat pumayag na lang ako sa gusto niya dahil sa ginawa niya sa'kin noong isang araw pero masyado awkward 'yun.
"Ingat ka na lang," ngumiti siya sa'kin bago ako tuluyang makalayo. Ano ba meron sa ngiti na 'yan at mas lalo akong nakokonsensiya. Bakit ba ako nakokonsensiya?!
Isang ngiti ang bumati sa'kin pagkakita ko kay Jagger. Let's get this done and over done with.
"S-So..." Kinakabahang sabi ni Jagger. "Ano bang dapat natin pag-usapan?"
Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Jagger. "Tungkol sa kahapon 'to noh? Sa mga sinabi ko?" Tumango ako. Hindi ko na alam paano simulan!
"A-Ayaw ko lang na isang araw isumbat mo sa'kin lahat ng ito." Mahina kong sabat habang nakatingin sa lamesa. "Aaminin ko, naging matalik kitang kaibigan at lagi kang nandiyan para sa'kin, pero wala eh. Sinubukan ko, wala talaga."
Napasinghap siya kaya mas lalo akong nahihirapan magsalita.
"Sabi ko naman sa'yo, 'diba, Riot? Hindi naman kita pinipilit. Habang nagtatagal ang pagkagusto sa'yo, mas nakikita ko na nawawalan na ako ng pag-asa, pero hindi ako sumuko. Sabi ko, kaunting panahon pa kasi kaya ko pa naman kahit masakit na."
Bigla akong naluha. Nobody, except Jagger, has expressed their adoration and love for me. Siya lagi. Him among all those who tried. I had my fair share of heartbreaks and he was always there to witness them, but I can't just reciprocate his feelings.
"With what I said yesterday, doon ko nakita na ang babaw noong rason ko para magalit sa'yo." Bawat salitang binitawan niya ay halong pag-uyam. "What the fuck did I just say? Sobra ka na? Ni wala ka ngang ginawa kundi isipin 'yung nararamdaman ko tapos 'yun pa sasabihin ko?"
Hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako. Parang tanga na siguro ako ngayon, umiiyak habang nakangiti. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang mga daliri ko.
Nabigla naman si Jagger at bigla may dinukot sa bulsa niya. Isang panyo. Mas napaiyak ako, hindi ko na naman alam bakit.
"You're here to let me go, right?" Tumango ako habang pinupunasan ang luha ko. Ang sakit pala nang ganito.
Ang sakit pakawalan ng isang taong may malaking puwang sa puso mo. Ang sakit pakawalan ng isang tao na laging nandiyan para sa'yo. Ang sakit pakawalan ng isang tao lalo na't kung alam mong wala siyang ginawa kundi mahalin ka pero sinasaktan mo lang siya.
"Then uunahan na kita." Tumikhim siya bago magpatuloy sa pagsasalita.
Sobrang speechless ko ngayon. Hindi ko masabi sa kanya lahat ng nararamdaman ko, pero base sa mga sinasabi niya, parang nababasa niya lahat ng kilos at iniisip ko.
"Papakawalan na kita, Riot. Simula ngayon, magmomove-on ako tulad ng gusto mo. Makakahanap din ako ng taong mamahalin ko tulad ng pagmamahal ko sa'yo o baka mas higit pa," hindi ko alam kung saan pa siya nakakuha ng lakas humalakhak sa mga sinasabi niya. "I had loved you for four years, but I will always be here for you as your friend. Whenever you need me, wherever you need me, I'll always be there... For you."
Hindi ko na napigilan. Para na siguro kaming ewan sa loob ng resto na 'to. Napayuko na lang ako habang humahagulgol.
Binigyan niya ako ng isang halik sa taas ng ulo ko at bumulong. "Mauna na ako, ha? Ayaw kong makita mo akong umiiyak eh."
Seconds flew by but here I still am, sitting inside this small resto. Nang makakalma na ako nang kaunti, may lumapit sa'king waitress.
"Miss, okay ka lang ba? Tsaka kanina pa po kayo kasi nandito eh. Hindi po ba kayo mag-oorder?" Nabuhusan naman ako ng hiya dahil sa sinabi niya.
Nag-order na lang ako ng isang red velvet cake at hot chocolate. May one-hour naman akong free time after lunch kaya magtatagal na lang siguro ako rito.
"Riot, nandito ka lang pala. Akala ko may kasama ka." Nilingon ko kung sino man 'yung tumawag sa'kin. Si Danger lang pala. Bahagya siyang napaatras nang makita ang mukha ko.
"Have you been crying? Your eyes are awfully red." Puna niya habang inaabot ang mukha ko pero umiwas ako. I'm at my most vulnerable state right now. Pakiramdam ko kapag kinausap pa ako lalo ni Danger, maiiyak ako ulit.
"Sinong nagpaiyak sa'yo?" May galit at pagtataka ang kanyang boses. Umiling naman ako. "I don't want to talk about it."
Matagal na kaming magkaibigan ni Danger. He knows when I need to have my privacy and he understands.
"But are you sure you're really fine? Namumutla ka rin." Umupo siya sa upuan sa'king tapat na inupuan ni Jagger kanina. "I'm fine. You can leave."
Kumunot ang noo niya at inayos ang upo. "Well, fuck this. I'm not leaving you all alone in that kind of state. Hindi ako makakampanteng magiging okay ka."
Dumating ang order ko at nag-order naman si Danger ng kanyang kakainin. Nagsimula na akong kumain nang tahimik. Panay lang ang titig sa'kin ni Danger, pero halatang nag-aalala siya para sa'kin. Pati ba naman ikaw?
"Don't look at me like that, Riot. Gusto ko lang makasiguro na okay ka. Hindi ko sinasabing sabihin mo sa'kin ang problema mo pero naniniwala akong sasabihin mo 'yun sa'kin kung gusto mo."
Napasimangot ako at tinapos ang pagkain ko. Natapos kaming kumain ni Danger pero nakasimangot pa rin ako. Nakabayad na kami ni Danger pero nakasimangot pa rin ako. Naglalakad na kami pabalik sa campus pero nakasimangot pa rin ako.
Naging tahimik at payapa lang ang buong paglalakad pabalik sa eskuwelahan. Kahit hindi kami nagsalita ni Danger at nakasunod lang siya sa likod ko, naging mas magaan pakiramdam ko.
Nagpumilit din siya na ihatid ako sa isang minor subject kong klase at kahit anong sabat ko ay hindi siya nagpatinag at naglakad papunta sa klase ko.
Nasa tapat na kami ng pintuan ng classroom. Hinihintay niya ako pumasok sa loob. Nakangiti siyang nakapamulsa at nakasandal sa pader sa tabi ng pintuan.
Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko naman siguro ito pagsisisihan, 'diba?
Mabilis ko siyang inambahan ng isang yakap. Hindi ako kaagad kumawala sa kanya. Dahan-dahan, naglakad ang kanyang mga braso papunta sa likod ko, mas hinihigpitan ang kanyang yakap.
"Danger, I don't know how many I've said this, but thank you. Thank you for making everything better."
Kumawala na ako sa yakap pero siya ay nanantiling nakayakap pa rin sa'kin. Mahina siyang tumawa habang hinihigpitan ang yakap. "I've always wanted to make everything in your life better. Am I doing a great job then?"
Unknowingly, my smile gradually widened. I simply nodded before hugging him again.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top