05
RIOT FLEUR
"Ate Ri, saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ng nakababata kong kapatid na si Ryder. Kakatapos lang ng performance niya sa school at bakas sa mukha niya ang pagod.
Bumaba ako para pumantay sa lebel niya. Hindi niya binitawan ang daliri ko. "Ryder, we're going to Ate Ri's practice today. Behave ka lang, okay?" Mabilis naman siyang tumango at inayos ko ang cap niya.
Hindi naman ako dapat ang sasama kay Ryder ngayon, pero wala kasi si Marita para mag-asikaso kay Ryder ngayon. Wala rin si Flynn para samahan si Ryder, masyado kasi siyang busy sa upcoming singing competition nila.
━━━━━
marita globe
MARITA GLOBE
mAm riOt, pAxeNxyA n hO kaU kC
hNd aQ nKpNta x pRfrmAncE n
rYdEr...
ME
okay lang 'yun, marita. naiintindihan
ko na may sakit 'yung bunso mong
kapatid kaya hindi ka pwede ngayon.
ganun rin naman gagawin ko kung
sakaling magkasakit si ryder. 🙂
MARITA GLOBE
nKu!!! sLmt tlG, mAm riOt. baWi aQ
x suSunOd.
━━━━━
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang meron sa keyboard ni Marita na ang sakit-sakit lagi basahin ng mga messages niya. Kaya minsan mas pinipili kong huwag na lang kami magtext sa isa't isa.
Huminto ako nang makita ang isang dessert stall ng McDo sa gilid. "Do you want some ice cream? We can buy some before going to Ate Ri's practice." Napaisip saglit si Ryder bago tumango. Humagikgik pa siya bago tumango. How cute.
Napatingin ako sa relo ko. May oras pa bago magpractice, makakaabot pa naman ako. Medyo nagsisi akong pinauwi ko na 'yung driver namin, pero kung pwede naman lakarin saglit, bakit hindi?
"Uh, kuya, isa nga pong sundae cone." Tipid akong ngumiti habang kumukuha ng barya sa wallet ko. Pinasadahan ko ng tingin si Ryder at nakitang tahimik lang itong nakatayo habang magkadikit ang dalawang kamay at iginagala ang tingin sa daan.
Napatigil ang pagbantay ko sa kapatid ko nang may tumawag sa'kin. "Riot?" Inikot ko ang tingin ko para malaman kung sino 'yun. "Danger..." Nakangiti kong tawag sa kanya.
"Bakit nandito ka? Akala ko nasa studio ka na." Simple kong sabi habang kinukuha ang ice cream at binigay kay Ryder. "Thank you po." Hindi ko rin syempre nakalimutan magpasalamat kay kuya.
Bumaba ako para buhatin si Ryder. Hindi pa ganun kalaki ang baby ko kaya pwede ko pa siya buhatin. Natatakot kasi akong magkalat siya habang kumakain kaya mas maigi nang buhat-buhat ko siya para mabantayan ko.
"Papunta pa lang, nag-breakfast pa kasi kami ni Rose saglit dito," sabi niya na parang wala lang sa kanya.
"Ah! Danger, ito nga pala 'yung tinutukoy ko sa'yong nakakabata kong kapatid. Ryder, say hi to your Kuya Danger." Tumigil sa pagkain ng ice cream si Ryder para kumaway kay Danger. Pansin ko ang saglit niyang pagsuri kay Danger.
"Kuya, you look good with my Ate Ri." Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang mga hindi maipaliwanag na kung ano sa loob ko.
Mahinang tumawa si Danger at hindi ko alam kung alam ba niya ang dulot ng tawa niya sa sistema ko ngayon. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa harapan ni Danger. Sa isang linggong pagkakakilala ko sa kanya. "Ryder, shh." Bumaling naman ako kay Danger. "Pasensya ka na, hindi niya alam mga sinasabi niya."
Nakita ko sa aking gilid ang pagtigil ni Ryder sa pagkain. "Ate Ri, I know what I am sayㅡ" Mabilis ko siyang pinandilatan ng mata na nagpatahimik sa kanya. "Palabiro talaga si Ryder. Hehe. Madaldal siya ngayon, Danger."
Tumawa siya bago magsalita. "Pupunta ka na sa studio, 'diba? Sabay ka na sa'min, may kotse akong dala."
Nataranta naman ako kaagad sa sinabi ni Danger. "Ha? Baliw, 'wag na. Maglalakad na lang kami." Sabi ko habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng bibig ni Ryder. "Ate Ri, let's make sakay na sa car. It's very mainit today kaya." Singit naman ni Ryder sa usapan namin ni Danger.
"Loko kang bata ka." Sabi ko kay Ryder bago bumaling kay Danger. "Nakahihiya kasi." Ramdam ko ang pagiging pabebe ko sa bawat salita.
"Sa'kin ka pa ba mahihiya? Sabay na kayo." Medyo alanganin ako noong una pero sumunod na rin ako. Siya naman kasi ang may gusto nito. "Kanina pa nasa kotse si Rose. Sabi ko maghintay muna siya saglit kasi nakita kita dito, nakatayo." Sambit nito habang kaswal na naglalakad papunta sa kotse niya.
Rose, rose... Ano nga ba ang meron sa kanila? Madalas ko sila nakikita sa building at madalas ko ring nakikitang bumibisita si Danger sa Glee Club t'wing nagp-practice kami.
Posible kayang sila? Pero bakit iba 'yung nabasa ko sa Ardent Chronicles noon? Fuck, hindi dapat ako magtiwala sa kung anu-ano. Tsaka ano ba naman sa'kin 'to, 'diba?
Nang makalapit kami sa kotse ni Danger, tsaka ko lang napansin si Rose na nakaupo sa harap at naglalaro sa cellphone. Tinted pala 'yung sasakyan kaya hindi ko pansin.
Pinagbuksan kami ng pinto ni Danger at nagpasalamat naman ako sa kanya. Una kong pinapasok si Ryder na masyadong natutuwa sa pagkain ng ice cream. Ako naman 'yung sunod na pumasok. Nagpasalamat ako muli kay Danger bago isara 'yung pinto.
"Hi, Riot!" Bati sa'kin ni Rose bago humarap nang tuluyan sa'min ni Ryder sa likod. "Ang cute naman ng kapatid mo." Tumigil sa pagkain si Ryder bago iniangat ang tingin kay Rose.
"Ate Ri, who si she?" Kuryosong tanong ni Ryder. Saktong pagtanong ni Ryder ay ang pagpasok ni Danger sa front seat. Bago ko pa masagot ang tanong ni Ryder ay nagpakilala na si Rose.
"I'm your Ate Rose. Hello, cutie." Tipid namang ngumiti si Ryder. Weird, he always waves or greets back to the people who greet him. This is very unusual. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Ryder nang ilang segundo para tignan kung ano ang problema niya. Mukhang wala naman?
Ayon kay Danger, ibaba lang namin si Rose sa isang salon saglit bago kami dumiretso sa studio. Tumango na lang ako dahil wala naman akong masyado sasabihin. Tsaka medyo naaawkward ako kasi kasama namin si Rose.
Hindi naman ako naaawkward sa kanya dati ah? Ano nangyari sa'kin ngayon?
"Hindi ko lang kasi maintindihan, Rose. Madalas kang pumupunta sa salon nowadays. Hindi mo naman kailangan magpaganda masyado. Maganda ka naman sa paningin ko."
Sinusubukan kong 'wag marinig ang pag-uusap nilang dalawa. Naka-earphones na nga ako habang nakatingin sa labas pero rinig na rinig ko pa rin. Si Ryder naman ay nakatulog sa hita ko sa pagod. Hay, kawawa.
"Well, Danger, I don't need your opinion about this. Hindi rin naman kita pinipilit ihatid ko, why are you complaining?" Kita ko ang pagtaas ng dalawang kamay ni Danger as a sign of defeat.
Ah, fuck! Nao-out of place ako. Hindi ba nila napapansin 'yun?!
Pero mas maganda na ngang hindi ako kasama sa conversation nila dahil wala rin naman akong maiintindihan for sure.
Nakarating kami sa studio nang hindi nag-uusap. Pagkaalis kasi ni Rose sa sasakyan ay natahimik na ulit ang buong vehicle. Dahan-dahan kong ginising si Ryder. "Baby Ry, we're here na. C'mon, don't make this hard for ate. Wake up."
Humikab pa ito ng isang beses bago tuluyang tumayo mula sa pagkahiga. Nagkamot pa ito ng pisngi, kagigil.
Pinagbuksan ulit kami ni Danger ng pinto at nagpasalamat ulit ako sa kanya. Fuck, hindi naman ganito ka-awkward dati ah?! Naglakad na kami patungo sa studio habang buhat-buhat ko si Ryder na nakayakap sa'kin. Ryder's arm is moving and I think he's reaching out to Danger who's following us at the back.
Pinagbuksan ulit ako ni Danger ng pinto, pero sa ngayon, 'yung pinto naman sa studio. Pagkakita nila sa'min, hiyawan ang bumalot sa kabuuan ng studio. Mga baliw, nilalagyan agad ng malisya.
"Nice, Danger!" Rinig kong halakhak ni Shadow at Thrasher na nakatayo sa gilid. Napailing na lang ako sa inasta nila at lumapit sa isang bakanteng upuan para ibaba si Ryder.
"Baby Ry, stay here, okay? Just play with your iPad while Ate's busy praticing, okay? Just call me whenever you need me." Tumango-tango ito habang ginagalaw ang iPad para maghanap ng laro.
"Ano 'yan, Danger? Daddy duties?" Asar naman ni Thrasher bago sila mag-apiran ni Shadow. Napailing naman ako ulit sa kahibangan nila. Narinig ko ang pagmumura ni Danger sa kanila.
Hindi nawala ang asaran ng buong dance troupe. Halos magsasampung minuto na sila sa kakaasar sa'min ni Danger. "Riot, bagay sa inyo ni Danger maging mag-asawa." At 'yan ang pinakamalalang asar sa'min ni Thrasher at Shadow.
Mga gago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top