Chapter 59
dedicated to @morrisjane08 Hi! :) super natutuwa ako sa kanya ginawa na namin chatbox yung sa message board hahaha
Lukas
"Umiinom ka na naman." Sabi ni Eris habang inaagaw niya yung baso sa akin. Hindi ako papaawat sa kanya. Masama akong tumingin sa kanya, pagkamuhi lamang ang nakikita ko sa kanya.
Akala ko maayos ko, masyado akong naging desperado, dapat hindi ko sinunod si Eris. Mas lumala pa ang lahat.
This pain is killing me. Sa tuwing naalala ko sa isipan ko na ayaw niya sa akin. Hindi ko matanggap, hinding hindi.
"Lukas nandito naman ako e, ako na lang." Aniya pero tinabig ko ang kanyang kamay. Hindi ko siya kailangan. Manhid yata itong babaeng ito at hindi niya ramdam iyon. Masyado siyang nagpupumilit sa amin, dahil doon nasira kami ni Anikka.
"Just stay away please!"
Pagkaalis niya ay ibinuhos ko ang lahat. I let myself cry, habang inaalala ang mga nangyari kanina. Those are not supposed to happen. Hindi rin ito kasalanan ni Eris, kasalanan ko ito dahil naging pabaya ako.
Anikka
"Oh ayan pinaghain ka na namin, baka sakaling mabawasan yang sakit."
"Alam naman namin na stress reliever mo yan e. Kaya yan kain na." Ani ni Nicole habang inaabot sa akin ang isang platong carbonara.
Agad akong umiling, ayoko yung amoy para akong nasusuya. Teka? Favorite ko naman ito dati pero bakit para akong masusuka pag naamoy ko.
"Layo niyo nga sa akin yan." Sabi ko ng hindi ko na makayanan yung amoy. Hindi ko alam kung bakit
"Ang selan selan mo girl gustong gusto mo naman ito dati e. Ito na lang spaghetti." Pagkamaamoy ko pa lang ay tinabig ko na ito, tulad din ng carbobara, ayoko rin ang amoy nito, hindi ko talaga makukuhang kainin ang mga ito.
"Anikka, ano bang nangyayari sayo. Mga paborito mo yung nakahain tapos ayaw mo. Masyado ka ba talagang depressed kay Lukas." Napatingin ako sa nagsasalita na si Nicole, hindi ba obvious na sobra pa rin akong nagdudusa sa sakit na dulot niya. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit wala talaga akong gana at ganito akong umasta.
Uminom na lamang ako ng tubig, wala rin naman akong balak kainin ang mga pagkain sa lamesa.
"Uy may kukunin nga pala ako doon sa may admin. Samahan niyo naman ako." Tumango na lamang ako at agad na lang umalis, wala rin naman kaming gagawin doon.
Pagdating doon ay agad akong nairita, dahil medyo mahaba ang pila at mainit sa loob.
Maya maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Ang init init kasi dito dahil sa dami ng tao, lalo pa at mukhang may putok itong katabi ko.
Tila umiikot na ang aking paningin, humawak na lang ako kay Yen bilang pag-alalay.Hilong hilo na talaga ako, pinipilit ko na lang ang sarili ko. Sana ay matapos na ito, baka di ko na talaga kayanin.
"Anikka!"
Iyon na lang ang narinig ko ng magdilim ang aking paningin.
..........................
"Doc ano po ba ang nangyari sa kaibigan namin. Bakit siya nahilo, kumain naman po siya kanina, aircon naman po doon sa may admin kaya hindi maiinit." Nagising na lang ako sa boses ni Nicole. Inilibot ko ang aking paningin, nasa puting puti akong kwarto at ang amoy pa lang ng paligid ay alam na alam ko na kung saan ako.
Nakatingin lamang ako sa kanila habang nag-uusap. Mukhang na
"Oh gising na pala yung pasyente."
"Nasaan yung asawa mo?" Kumunot ang aking noo, wala pa akong asawa. Fiancee? No way! Wala na siya sa buhay ko. Bakit siya nagtatanong ng ganoon, mukha bang kailangan ko siya.
"Bakit doc natanong niyo, may fiancee--- Naputol na lang ang pagsasalita ni Nicole ng bigla akong harapin ng doctor.
"You'll be needing him right now." Agad akong nagtaka, bakit ko naman kakailanganin ang manloloko na iyon.
"Doc paano niyo nasabi."
"Congratulations Ms. Fuentes you're 3 weeks pregnant."
Mariin akong napapikit. No way!
.................
Hinihimas ko ang aking tiyan, I'm carrying his child now. I cant believe this is happening. I really never see myself as a mother. Pero nangyayari na magiging ina na ako.
Nakapikit ako habang dinadama ang hangin na tumatagos sa akin. Naisipan ko muna na mapag-isa, para mas makapag-isip ako ng mabuti.
Nagbunga kami ni Lukas. Mapait akong ngumiti. Kanina naiinis ako dahil anak ito ni Lukas, na siyang kinamumuhian ko ngayon.
Pero napagtanto ko na hindi dapat ganoon, hindi dapat ako mamuhi sa kanya porque may dugo ni Lukas na may dumadaloy sa kanya.
Anak ko siya at nabuo siya sa pagmamahal kahit pa hindi talaga ako minahal ni Lukas.
Bumuntong hininga ako ng bigla kong maalala ang nangyari kagabi. May kaunting kirot akong naramdaman.
No I should not feel this.
Magiging malakas ako para sayo anak. Hindi na ako papatalo sa sakit na dinulot ng daddy mo. I should move on.Sayo ako huhugot na lakas anak. Ikaw lang at ako.
...........
Happy 100k reads maraming salamat talaga. natutuwa talaga ako sa inyo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top