Chapter 1

Tuwang tuwa ang magkaibigan na sina Juan at Hernan. Kitang kita sa kanilang mga mata ang pagkasabik, dahil magiging lolo na sila. Napakaespesyal ang araw na ito sa kanila dahil sabay na isisilang ang kanilang kauna-unahang apo. Hindi sila mapakali kanina pa paikot ikot ang dalawang matanda, daig pa nila ang mga ama ng kanilang mga apo. Nang mapagod na ang dalawa naisipan na nilang umupo.

"Hernan, nasasabik na ako mayakap at mahalikan ang aking apo."

"Kahit ako nga rin Juan, sana ay maisilang sila ng maayos."

"Siyempre naman noh, mga magagaling na doktor ang magpapaanak sa ating mga apo."

Nagkwentuhan lang ng nagkwentuhan ang dalawang matanda, halos hindi na nila namamalayan ang oras.

" Papa!" Agad lumapit si Eduard sa ama niya na si Juan, at niyakap ito.

"Tatay na ako." Ganun din si Marcel ang anak ni Hernan. Nakikita sa kanilang mga mata ang sobrang saya, dahil sa wakas ay dumating na ang kanilang munting anghel.

(Fuentes family)

Tuwang tuwa ang ina na si Miranda habang pinagmamasdan niya ang mala anghel na mukha ng kanyang supling na kalong kalong niya sa kanyang mga braso. It is an achievement to her,na matagumpay na mailuwal ang supling na ito and she was very proud of that finally she is already a mother.

Tuwang tuwa din ang mag-amang si Juan at Eduard. Dahil sa waka ay nagkaroon na rin sila ng anghel na magbibigay saya sa kanilang tahanan.

" Napakaganda talaga ng aking apo." Tuwang tuwa na sabi ni Juan,feel na feel na niya ang pagiging Lolo.

"Kanino pa ba magmamana, edi sa maganda niyang ina." Sabay tingin ni Eduard sa kanyang mahal na asawa na si Miranda. Malambing na pinalo ni Miranda ang braso ni Eduard.

"Kahit kailan talaga, bolero ka talaga."

"Bola ba yun, totoo naman ah, na biniyayaan ako ng magandang asawa at anak." Tapos ay niyakap niya ang kaniyang mag ina. Bilang isang ama ay hindi rin niya maitatago ang galak dahil nakabuo na rin siya ng pamilya at sa yakap na iyon ay pinapangako niya na hindi niya pababayaan ang kanyang mag-ina.

"Kakainggit naman kayo, haha! Naalala ko tuloy yung mama niyo." Mangiyak- ngiyak na sabi ni Juan, habang inaalala ang kanyang asawa na si Conchita noong isinilang ang kanilang anak na si Eduard. Agad niyang pinunasan ang luha dahil sobra na siyang naging emosyunal at binalik muli ang ngiti sa kanyang labi.

"O siya! Baka saan pa mapunta ang usapan natin. Ano ang ipapangalan natin sa apo ko?"

"Anikka Celyne." Sabay na bigkas ng mag-asawa.

(Aragon family)

Hindi mapawi ang ngiti ng mga tao sa kwartong ito habang pinagmamasdan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

"Ang gwapo gwapo naman na aking apo." Tuwang tuwa na sabi ni Hernan habang kalong kalong niya ang kanyang apo, feel na feel niya ang pagiging lolo habang pinagmamasdan niya ito.

"Pa! Baka mamaya malamog naman yang anak ko sa inyo." Biro naman ni Marcel sa kanyang ama, Si Hernan kasi ang unang nakahawak sa sanggol kaysa sa sarili nitong ina at halos ayaw na niyang bitawan ito, dahil natutuwa siyang sulyapan ang sanggol.

" Hindi ah! Aalagaan natin ng mabuti itong apo ko." Tapos binigay ni Hernan ang bata sa kanyang ina na si Helen.

"Tignan mo nga naman, kamukhang kamukha mo talaga ang anak mo." Helen was reffering to his husband Marcel. Tulad ni Miranda ay isa ring achievement na mag-silang na ganitong kagwapong bata, na bunga ng pagmamahal nila ni Marcel.

"Huwag sanang babaero tulad mo, hahaha." Biro ni Helen sa asawa, habang nakatingin pa rin sa kanilang munting anghel.

"Hindi na ako babaero noh, dahil ikaw lamang ang magiging babae ko." Sabay yakap ni Marcel sa kanyang mag ina. Pinapangako niya sa sarili niya na habangbuhay niyang poprotektahan at mamahalin ang kanyang mag-iina. Having a family is a blessing from God at dapat lamang na pangalagaan ito.

" Sweet niyo naman. Baka langgamin kayo niyan." Biro ni Hernan hindi pa rin mabura ang ngiti sa kanyang mga labi, dahil finally lola na siya.

"Ano ba ang ipapangalan natin sa Apo ko?"

"Lukas Angelo."

******

Kinabukasan ay nagkita sina Hernan at Juan.

"Paano kaya kung ipagkasundo narin yung mga apo natin." Nagulat si Juan sa winika ni Hernan.

"Ano ba ang nakain mo at naisip mo yan, sanggol pa lang ang mga apo natin, ipagkakasundo mo?" Iritadong wika bi Juan. Sanggol pa lamang ang kanilang mga apo at basta na lang itinali na lamang sa kasunduan, dahil may karapatan silang pumili ng taong mamahalin nila.

"Ayos lang yan kunpadre, total pagsasamahin natin ang mga kumpanya natin, maganda rin siguro kung ang mga apo natin ang magkakatuluyan, para sa ganon ay sila mismo ang magkatuwang sa pagpaptakbo ng kumpanya balang araw. " Napaisip din si Juan, mukhang may punto rin naman si Hernan. Kahit medyo nag-aalinlangan at sumang ayon na lang siya.

Nagulat si Juan na naglabas si Hernan ng isang papel.

"Kontrata? Kailangan pa ba ito?" Dami namang alam na kaartehan nito, maisasagawa naman ito kahit wala iyon, Nag-aksaya lamang siya ng papel at tinta wika ni Juan sa isipan.

"Oo naman Juan para malaman din ng mga apo natin na seryoso ang kasunduan na ito." Agad naman nagpirmahan ang dalawa sa kontrata na iyon. Tsk! Mukha bang hindi seryosong usapan ito? Wika muli ni Juan sa isipan habang pinipirmahan ang kontrata. Gagawin lamang niya iyon para na rin sa kinabukasan ng apo.

"Pero paano kapag ayaw na mga apo natin sa isa' isa." Tanong ni Juan, dahil naniniwala siya na sa loob ng dalawamput-limang taon ay siguradong may makikilala ang mga apo at siyang pipiliin na mga ito.

" Maraming paraan Juan, maraming paraan."

....................

Lolo Juan and Lolo Hernan are at the side :)

Please follow me on twitter, kung gusto niyo lang naman: @Weirdongbabae08

Salamat

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top