Chapter 19
- Aisha POV -
Pag katapos namin mag paalam kay RD ay mabilis kaming lumabas, hanggang dumating kami sa hotel room ni mommy ay tahimik lang siya, hindi na ako nag tanong dahil baka ayaw niyang pag usapan iyon, hihintayin ko nalang na mag open up siya sa akin.
Nilibot ko ang tingin sa hotel room ni mom, ang ganda ng design's halatang pang mayaman , at buti nalang wala dito si Adi.
Napatingin ako kay mom, naka- upo lang siya at hindi nagsasalita kaya pumunta ako sa kusina at kinuhanan siya ng tubig.
" Mom, okay ka na ba? " Saad ko at nilapag ang dala kong tubig, kinuha niya naman iyon at ininom.
" Yeah " Tanging sagot nya at may kinuha sa bag niya, saka binigay sa akin kaya kinuha ko iyon at binasa.
Napakunot ang noo ko. Divorce? Tumingin nan ako kay mom.
" Ma, divorced? " Tumulo naman ang luha niya kaya agad ko siyang niyakap at hinagod ang likod.
" Kaya pala sa Spain kami nag pakasal para pag dating ni Mira ay mai- divorce niya ang kasal namin,kaya ayaw niyang magpakasal dito. "
" Sorry anak, may ama ka pero hindI nagpaka- ama sayo, kung sana noon hindi ako maging tanga sa kaniya, masaya ka sana ngayon. Masaya ka sana kung buo tayo. " Pinahid ko ang luhang tumulo, kaya pala ganito si mommy. Bakit hindi ko ito noon napansin sa pag sasama nila?
" Bakit ngayon mo lang sinabi ma? Maiintindiha ko naman eh " Saad ko.
" Ayukong masira ang kasayahan mo, kapag nakikita kitang pinag mamalaki na buo tayo,nawawala sa Plano ko ang sabihin sayo,pasensiya na naging mahina ako " Saad niya, umiling iling ako.
" Hindi ma, hindi ka mahina.ikaw ang pinaka malakas na babaeng nakilala ko " Saad ko. Humility naman ang yakap niya.
" Ngayong divorce na kami, wala ka nang ama. I'm sor--- " Pinutol ko ang sasabihin niya
" Don't say sorry ma, wala ka ng kasalanan. Okay lang na wala akong ama nandiyan ka naman eh, sapat ka na sa akin. " Saad ko. Kumalas naman siya sa yakap at tinitigan akO saka pinahid ang luha ko at hinaplos haplos ang pisngi ko.
" Okay lang ba na tayo lang? Na wala kang ama? " Ngumiti naman ako at tumango- tango
" Ma , oaky lang . At okay---- " Pinutol niya ang sasabihin ko
" Pero nag papaka- ama siya sa batang iyon " ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya at pinisil- pisil iyon
" Okay lang ako ma, okay na ako sa pagpapaka- ama niya sa ikalawa niyang anak. Okay na ako dun basta inaalagaan niya ng mabuti ang ikalawa niyang anak. " Ngumiti ako ng matamis para hindi siya mag aalala sa akin.
Bumuntong hininga naman siya at tumingin sa akin.
" Kaya naman natin na tayo lang diba? " Ngumiti naman ako at tumango tango.
" Ma, may itatanong sana ako. Kung okay lang sayo at kung magagalit ka wag mo nalang sagutin " Saad ko, curious kasi ako kung bakit galit na galit siya kay RD.
" Sure, anu iyon? "
" Ma, bakit galit na galit ka kay Phrierux? " Mahina lang ang boses ko. Bumuntong hininga muli siya.
" Hindi naman talaga ako galit sa kaniya, sa ina niya ako galit. Kasi pag nakikita ko siya natatandaan ko iyong ginawa ng ina niya." Napakunot ang noo ko, anu nga ba ang ginawa ni tita?
" Bakit ma, anong ginawa ni tita sayo? "
" Hmm... Kaibigan ko si Ria, kami nina Mira. Ako, Ria at si Mira. Noong kasal namin ng dad mo akala ko hindi na niya Mahal si Mira pero dun ako nag kamali kasi hinihintay niya lang pala si Mira na dumating. At nung 13 years old ka dumating si Mira at dun na nangyari ang lahat. Dumating ang pinsan ko at nakita kami ni Ria, Alam ni Ria na pinsan ko siya pero sinabi niya kay Shannon na may kinikita raw ako at that time dumating si Mira kaya nagsama sila, akala nila hindi ko alam pero di alam ni Shannon na may inbistigador ako kaya nalaman ko, and worst nabuntis niya si Mira kaya nagka- ganon kami ng dad mo. Na galit ako kay Ria kasi nag sinungaling siya kay Shannon, best friend niya rin naman ako pero si Mira parin ang pinili niya at dun ako nasaktan at nag simula ang galit ko sa kaniya sa kanila. " Mahabang paliwanag ni mom.
Hindi ko alam na kaibigan pala ni mom si tita Ria.
" Galit ka pa ba kay RD? Okay ka na ba sa relationship namin ni RD, mom ikakasal na kami next month at gusto kong nandun kayo " Saad ko, ngumiti naman siya sa akin
" Test ko lang iyon sa kaniya, okay ako sa kasal niyo, don't worry. Iyong binabantayan ka niya sa limang taon na Hindi mo siya na aalala at hindi siya nag hanap ng iba, at doon nasabi ko na okay na ako sa relasyon niyo,sa ina niya lang naman ako galit at hindi sa kaniya,mag ka iba iyon. " Saad ni mom at ngumiti , niyakap ko naman siya.
Thank god at hindi siya tutol sa amin ni RD,
" Thank you mom, I love you so much.. " Saad ko at hinalikan siya sa pisngi. Natawa naman siya at pinisil-pisil ng pisngi ko.
" Hahaha sinasabi mo lang na mahal mo ako dahil hindi ako tutol sa relasyon niyo ni Rux hahaha "pabiro naman akong suminghap at natawa.
" Hala mom, mahal talaga kita ah " Depensa ko, natawa naman siya.
" Bukas na ako aalis, pupunta akong Canada may aayusin lang ako " Ngumiti naman ako at tumango- tango
" Yeah sure, ma. Ingat ka nalang sa hapon pa kasi ang byahe namin papuntang Manila at aasikasuhin na namin ang kasal namin " Saad ko. " Nandito ka naman sa kasal namin diba? " Dagdag ko pa.
" Of course, bawal akong mawala sa kasal mo "
" Ahm ma, inimbitahan ni RD si Daddy pero disesyon niya na kung pumunta siya o hindi " Agad kong paliwanag, baka magalit eh but to my surprise she just smiled
" No problem, tsaka kasal niyo naman iyon, kayo ang bahala mag decide " Ngumiti ako
" Thank you mom. " At niyakap siyang muli.
__________________________
Don't forget to Vote and com. Thanks.
heartaches_02
_________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top