Chapter 15



       - Aisha POV -



Dahan dahan niya akong inihiga sa kama na parang babasaging gamit at ingat ingat siya. Medyo kinakabahan ako, naka inom ba siya? Akala ko ba hindi namin ito gagawin hanggat hindi pa kami kasal?

Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko, sa ilong at hinalikan akong muli sa labi.

" Maliligo muna ako, matulog kana ipapasyal pa kita bukas. I love you Shia, my grādh " Bulong niya sa tenga ko.

Minulat ko ang mga mata ko at napahawak sa dibdib ko. Hoooo muntik ko nang iwala ang perlas. Matulog? Mauuna akong matulog?

Tumango tango ako sa na isip.

Tama kailangan ko nang matulog, Dali Dali akong umayos ng higa at pinikit ang mga mata ko. Pero ilang minuto na akong nakapikit hindi pa rin ako makatulog.

Naramdaman kong bahagyang lumubog ang kama sa likod ko, nanlamig bigla ang mga kamay ko ng maramdaman ko ang kamay niyang nasa bewang ko,

" Relax grādh, I won't do anything " Bulong niya kaya nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Lumingon ako sa kaniya at ginawang unan ang braso niya, inilapit niya pa ako lalo sa kaniya at niyakap ang bewang ko. Ahh this feels good.

__

Nandito ako ngayon sa balkonahe ninanamnam ang tahimik na paligid at malamig na simoy ng hangin. Tumuon ang tingin ko sa dalawang taong nag lalakad sa buhangin habang nagtatawanan.

Nagsisimula na namang manubig ang mata ko, naiinggit ako, kasi wala akong ala-ala na nag bobonding kami ni dad. Nasasaktan ako habang nakatingin sa kanilang masayang nagtatawanan, kailan ko kaya mararanasan yan? Ang masayang maki pag tawanan sa ama ko?

Isang kompleto at masayang pamilya lang ang hinihiniling ko, pero bakit hindi iyon maibigay sa akin? Mahirap bang maibigay sa akin ang hiling ko?

Pinahid ko ang tumulong luha, huminga ako ng malalim at huling tiningnan sila. Naramdaman ata na may nakatingin sa kanila kaya habang hindi pa nila ako nakikita, umalis na ako sa balkonahe at pumasok sa loob.

Nakita ko si RD sa kusina nagluluto kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa likod, napatigil naman siya..

" Good morning, grādh "

" Hmm " tanging sagot ko lang

" Are you okay? " Naramdaman ko ang pag aalala sa boses niya, hinigpitan ko lang ang yakap ko

" Hmm.. Make me feel better " Bulong ko, bumuntong hininga naman siya, at hinawakan ang kamay ko at umikot siya paharap sa akin.

He cupped my face and kiss my forehead.

" You feel better now? " Tumango tango naman ako

" Yeah.. " Tumitig naman ako sa kaniya at maliit na ngumiti " I love you " Napangiti naman siya

" And I love you more. Hmm gusto mo bang maka- usap ang daddy mo? " Malambing ang pag kakasabi niya non. Umiling naman ako sa kaniya at malungkot na ngumiti

" Hindi muna ngayon baka hindi ko mapigilan ang umiyak sa harap niya, haharapin ko siya pag dumating na si mom. "Tumango- tango naman siya sa sinabi ko

" Okay, kung iyan ang desisyon mo. Ipapasyal na lang kita "

" Okayyy, gusto kong maligo sa dagat. Simula kasi ng dumating kami dito Hindi pa kami naligo sa dagat " Saad ko

" Okay, mamayang hapon tayo maligo sa dagat para malamig ang tubig " Tumango na lang ako.

Pag katapos namin kumain at maligo at naglibot libot kaming dalawa, hindi niya pinasama Sina almarie kasi babawi daw ako sa kaniya. Masaya naman ang paglibot dito sa resort, kumain kami sa restau nung lunch at nag libot na naman, medyo nalungkot lang ako kanina dahil nakasalubong namin sila pero hindi ko nalang sila pinansin at si RD na lang ang binigyan ko ng pansin.

Time check, 5 pm na at nandito kami naka- upo sa buhangin habang pinag mamasdan ang Sunset. Nakaka relax at parang nawawala ang pagod ko habang nakatingin sa kalangitan.

" Langoy na tayo? " Napatingin ako bigla kay RD ng magsalita ito, Hindi pa man ako nakakasagot ng maghubad ito ng damit sa HARAP ko mismo!

Napalunok ako habang nakatingin sa 8 packs abs niya, meron palang 8 packs abs akala ko hanggang six lang iyon

" Pinag nanasaan mo ba ako? " Napa-iwas ako ng tingin sa tyan niya at sinamaan siya ng tingin pero tumawa lang ang luko

" Langoy na tayo " Tumayo ako at itinaas ang damit para hubarin.

Hindi ko pa man nahuhubad ang damit ko ng maramdaman ko ang kamay ni RD sa braso at may bewang ko

" Bakit? " Takang tanong ko, Hindi ko siya makita dahil natatakpan ng damit ko ang mukha ko.

" Wag na lang kaya tayo maligo sa dagat? Mag huhubad ka pa lang marami na ang nakatingin sayong lalaki !! Psh !! Baka makapatay ako ng wala sa oras " Mag sasalita pa lang ako ng binuhat niya na ako ng pang bridal.

Hindi ko makita ang dinadaanan namin dahil sa damit ko at medyo nakataas pa ang kamay ko.

Narinig ko ang pag bukas at pagsara ng pinto, nasa kwarto kami panigurado. Binaba niya naman agad ako kaya inayos ko ang damit ko.

" Gusto kong maligo sa dagat, RD !! " sabay sama ng tingin sa kaniya , umigting naman ang panga niya

" Tsk! Maraming lalaki dun! Ang daming tumitingin sa katawan mo!! And I hate it!!" Galit ba siya? Ay Hindi Hindi masaya yan kaya nga mukhang makakapatay ang mukha eh,

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya saka binigyan ng smack kiss,

" Calm down okay? Tsaka hanggang tingin lang naman sila eh "

" Tss, kahit na!! Akin ka!! Kaya lahat ng meron ka Akin Rin! " Kung maka- angkin naman to

" Okay okay, I'm all yours. Calm down already hmm love? " Malambing ang pag kaka-sabi ko. Pumikit naman siya at ng imulat niya ang mga Mata niya ngumiti siya sa akin Kaya ngumiti Rin ako

" Calm down already? "

" Hmm.. Nakakaselos lang ang tingin nila, ayukong may tumitingin sa pag- aari ko" Hindi nalang ako nagsalita, baka humaba ang usapan

" Maliligo muna ako" At saka hinalikan ako sa noo.

Pumunta muna ako sa kusina para mag handa ng dinner, nasa kalagitnaan na ako ng pag mimix ng ingredients ng may nag doorbell. Pinatay ko muna ang stove.

" RD, may inaasahan ka bang bisita? " Medyo malakas ang pag kakasabi ko

" Wala. Baka sila Almarie yan " Kaya naman ng pumunta ako sa pinto, agad ko itong binuksan at Hindi tiningnan ang hole.

Nanalaki bahagya ang mga Mata ko at Hindi ko inaasahan kung Sino ang nasa harap ko ngayon.
.
.
.
.
.
.
.
" Where is that Asshole?! "

" M-mom? W-what are d-doing h-here? "

________________________
Vote and com. For feedback. Thank you for reading 💗

heartaches_02

_________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top