Chapter 13

   

  -  AISHA POV  -


Dahan dahan kong minulat ang Mata ko, umupo ako ng maayos sa sahig, at hinawakan ang ulo ko kung San ang masakit,

Naalala ko, naaalala ko na ang lahat. Tumulo Yong luha ko. Napatingin ako sa bedside table ko ng tumunog ang phone ko, dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa Kama.

- mom's calling -

" Hey my sweet? " Malambing ang pagkakasaad niya.

" Bakit? " Tanong ko

" Bakit? Anong bakit? "

" Bakit ka nagsinungaling sa akin mom!! " Tumahimik ang kabilang linya.

" Anak, ginawa ko lang yun para sa- "

" Para sakin?! Baka para sayo mom!! Masaya bang paglaruan ako??? Are you happy to see me with my so called fiance? When in fact nandito! nandito ang totoo kong fiance?! Bakit ka nagsinungaling ma!! " Nagui- guilty ako kay Rux.

" What do you mean na ' nandito ' ? Aisha!! "  Hindi na ako na takot sa ' warning tone ' niya. Lahat ng ginawa niya sa akin? Sa amin?

" Ano bang kasalanan sayo ni Rux?! Ma!? " Noon ko pato gustong itanong.

" Aisha! Kasama mo ba ang lalaking yan ngayon?! " Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Siya pa ang nagagalit?

" Yes mom! Kasama ko ngayun ang totoong FIANCE ko! At buti na lang sumama ako dahil kung Hindi, hanggang pinapaikot mo pa ako ngayon!! "

" Ginagawa ko ang lahat ng ito para sayo!! "

" Una! Hindi mo sinabi na may ibang pamilya si dad! Ikalawa naman Hindi mo sinabi kung Sino ang totoong fiance ko! " Galit na ako! Sa limang taon na iyon, Hindi manlang niya sinabi.

" Ma, ano bang kasalanan ni Rux sayo? Wether you like it or not, I'll cancel the wedding! " Matigas na Saad ko

" Adrian is better than - " Hindi ko na siya pinatapos magsalita at pinatay na ang tawag.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at umupo sa kama. Biglang tumulo ang luha ko, bakit ngayon ko lang naalala? Kaya ba kami nadun sa Canada ?

Napatingin ako sa may bag ko ng makita ko ang vitamins na ibinigay ni mom , kinuha ko ito at tinitigan bago ihagis. Kaya ba parang may mali sa gamot na iyon?

Planadong planado mo mom! Lalo akong naiyak, paano ko ngayun haharapin si Rux? Nahihiya akO, naguiguilty akO. Kahit na-

" AAIISSHHAA!!!!!! " napatingin ako bigla kay Almarie, niyakap ko siya at dun na humagulhol, Hindi ko na nga marinig ang sinabi niya sa akin

" Al, si Rux.. Si Rux Al "

" B-bakit? Anong si Rux? " Takang tanong niya

" Yung fiance ko al, yung totoong fiance ko!! Siya pa mismo ang nakalimutan ko!! "

" Hindi mo naman kasalanan iyon Ai, " Umiling ako sa kaniya

" Kung Sana, noon pa ako umuwi dito, Edi Sana... " Lalo akong napaiyak..

" Shhh tahan na... " Pag- aalo niya

" Nagui- guilty ako al, Nagsasaya ako dun sa lalaking kinikilala kong fiance Tapos yung Mahal ko, yung fiance ko nandito nasasaktan! I-i can't face him! Baka galit siya sa akin ngayun!! "

" Nasasaktan ako pag naalala ko yung sinasabi niyang ' I will never give up on her ' Yong  nakikita kong sakit sa Mata niya..Al "

Hinawakan niya ang balikat ko at medyo nilayo sa kaniya. Tumingin siya sa may likod ko. Wag mong sabihin nandun sila sa likod ko? Lahat?

" Mag usap muna kayo, Ai. Lumabas muna tayo " Saad ni Almarie at naglakad na sa akin palayo.

Nagsimulang manginig ang kamay ko, anong sasabihin ko? Nakatungo lang ako habang pinaglalaruan ang kamay kong nanginginig. Naramdaman kong medyo lumubog ang kama sa gilid ko.

" Shia... Please lookpalang .. " Malambing ang pag kakasabi niya nun, umiling ako habang tumulo ang luha ko.

Ayoko, ayokong tingnan ang mga Mata niya, dahil kahit ngayon alam kong nasasaktan ko parin siya kahit Hindi niya sabihin, dahil kahit wala siyang ekspresyon sa mukha, pag tumingin ka sa mga Mata niya, doon mo makikita lahat ng emosyon niya.

Kahit Hindi siya mag salita pero pag nakatingin ka sa mga Mata niya lahat ng Hindi niya nasasabi, nasasabi ng mga Mata niya.

" Hindi ako galit, Hindi ako nag tatampo, so  please look at me. Tumingin ka sa akin tulad noon, yung tingin na mahal na mahal mo ako. " Saad niya at hinawakan ang pisngi ko.

Dahan dahan kong inangat ang mukha ko at tumingin sa kaniya, tumutulo pa rin ang luha ko pero agad niya itong pinapahid.

" Stop crying, Shia. It hurt seeing you cry. Stop crying already, Hindi ka ba masaya na naalala mo na ako? " Malambing na Saad niya, umiling naman ako,

Bigla niyang kinuha ang kamay niya sa pisngi ko na ikinagulat ko? Bakit?

" Hindi ka masaya na naalala mo ako? You're hurting me ' my Shia ' " Madamdamin niyang Saad. Hinamapas ko naman at medyo Natawa ako. HindI parin siya nagbabago .

" Yan,Ngumiti I ka rin. Wag ka nang umiyak okay? Nasasaktan ako pag umiiyak ka " Tumango tango naman ako at tumingin sa kanya

" I'm sorry. Sorry kung ngayon lang kita naalala " Saad ko at hinawakan ang pisngi niya.

Gwapo na siya lalo, kung gwapo siya noon, ngayon mas lalo pa.

" Kung alam ko lang na ang tawag ko sayo ang magpapaalala sayo, Sana noon ko pa ginawa " Masaya siya, walang halong lungkot Hindi tulad noon.

Napakunot ang noo ko, ' magpapaalala ' ?

" What do you mean magpapaalala? Alam mong nagka- amnesia ako? " Gulat kong tanong. Hinalikan niya ako sa noo. I miss him. I miss his gestures.

" Hmm, ako ang nag dala sayo sa ospital. At nung after one month nung bibisatahin na kita, wala na kayo dun at nasa ibang bansa kana—kayo." Dinala siguro ako ni mom Doon. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko at nilaro- Laro.

Napangiti ako, laging niyang Ginagawa Yan noon.

" Syempre Hindi kita matiis kaya, sinundan kita sa Canada,sinabi ni luke sa akin. At kahit malayo binabantayan kita. Hanggang magising ka. "  Nabigla ako sa sinabi niya, siya ba ang nararamdaman kong presensiya? Lagi pag mag isa ako, parang laging may nakatingin sa akin at kahit nakalabas na akO ng ospital nararamdaman ko parin siya.

Nanlaki bigla ang Mata ko, ibig sabihin nakita niya yung? Patay!!

" So alam mo rin na..... Hinalikan ko si Adi? " Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi iyon. Tumigil siya kakalaro sa kamay ko.

Napansin kong umiling ang panga niya.

" Tsk. Pipili na lang ang mama mo ng lalaki, mas pangit pa sa pangit, tsk. Mas matangkad naman ako, mas mayaman, mas macho, mas gwapo, lahat ng mas! Tsk " Natawa ako sa sinabi niya. Simaan niya ako ng tingin.

" Bakit ka tumawatawa, Shia? " Medyo nakanguso siya, ang cute. Pinisil ko pisngi niya

" Tinanong ko lang kung nakita mo. Don't compare yourself to him, I love you and he's just my friend " Malambing kong Saad. Ngumiti siya ng matamis sa akin. Yung ngiti niyang nagpapahulog sa kaniya ng paulit- ulit

" Is breá lium tú, Grādh " Malambing niyang Saad at hinalikan ako sa labi.

Agad akong tumugon sa halik niya. God I miss him so much. I miss his lips so much.

_____

Vote and com. For feedback. Thank you❤
Sana magustuhan niyo ang chap nato, enjoy reading. Ehe.

heartaches_02

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top