Chapter 12

( Flashbacks Part 2 )

~~~~~

Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang hawak ang sing- sing ko. Alam kong napapansin ni mommy ang pananahimik ko pero pinabayaan niya lang ako.

Ilang taon kong hindi makikita si Rux, pero pag sumubra na si mom maglalayas talaga ako, hayst. Napatingin ako sa unahan ng tumigil ang sasakyan namin, may humarang sa amin. Mag sasalita pa lamang ako ng,

" Wag kang lalabas ng kotse. " Saad ni mom, wala na akong nagawa dahil nakalabas na siya. Nakita ko siyang may kausap, lumapit ako sa may driver seat at.......

Bakit kausap niya si dad? Akala ko ba nasa ibang bansa siya. Napasinghap ako ng sampalin ni mom si dad, at sigaw sigawan, hindi ko marinig dahil masyado silang  malayo. Agad akong bumalik sa likod ng makita kong pabalik na si mom. Ng maka- pasok siya gusto kong mag tanong pero hindi ko na lang ginawa dahil nakakunot ang noo niya, baka masigawan  niya lang ako.

Kung kaninang pagmamaneho niya mabilis, ngayon mas bumilis pa kaya napakapit ako sa gilid at seatbelt ko.

" Mom, slow down please " Nagsisimula na akong kabahan at matakot, napatingin ako kay mom, nakakunot parin ang noo at parang hindi niya ako naririnig. Mas bumilis pa ang pagmamaneho niya, nag oovertake na siya. Nag simula ng tumulo ang luha ko sa kaba at takot.

" Mom, please slow down " Malakas  na Saad ko pero parang wala siyang naririnig. Nanginginig na kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Rux.

Ringingggg....... Tooooot

Ringingggg....... Tooooot

Ringingggg....... Tooooot

Hindi niya sinasagot, lalo akong kinakabahan habang pasulyap sulyap kay mom. Tinawagan ko ulit siya..

Ringingggg.......

Please pick up the phone Rux. Tuloy tuloy pa rin ang pag tulo ng luha ko. Tumingin ako kay mom mas lalong bumibilis ang pag papatakbo niya

" Hello Shia? " Napatingin ako sa cellphone ko.
" Shia "

" R-rux... R-rux.. H-help " Hindi ko masabi maayos dahil sa nginig ng boses ko.

" Shia! What's happening. Tell me! Shia " Sigaw niya. Napalingon sa akin si mom at sinamaan ako ng tingin.

" R-rux help me, h-help m- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinablot ni mom ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ang seatbelt at sinubukang abutin ang cellphone ko.

" Who's your talking to Aisha? Walang mangyayari sa atin?! Bakit ka humihingi ng tulong?! " Sigaw ni mom habang inilalayo ang cellphone ko.

" Mom! Slow down please!! RUX!! HELP ME!! " sigaw ko. Napahawak ako sa upuan ng bahagyang niliko ni mom ang kotse, she's overtaking!!

" Shut up, Aisha!! " Sigaw niya

" SHIA!! WHAT'S HAPPENING!! I'M ON MY WAY!! " rinig kong sigaw sa cellphone. Mas binilisan pa ang pag papatakbo ni mom....

NanlakI ang mata ko ng mag Red light pero mabilis pa rin ang pag papatakbo ni mom, kaya't triny kong makapunta sa passenger seat. Ng maka- upo ako sa passenger seat ay sinisipa ko ang paa ni mom para matapakan ko ang break, pero tinulak niya ako, napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito at medyo lumabo ang paningin ko.

Kahit Malabo ang paningin ko at nanghihina ako ay inagaw ko ang manibila, sinusubukan niya akong itulak pero mahigpit ang kapit ko sa manibela, maraming bumubusina sa amin, at narinig ko ang serina.

" MOM !! STOP THE CAR!! " sigaw ko pero tinutulak niya pa rin ako

•••••••••• Third Person POV •••••••••

Nakaka- gawa na ng trapiko ang mag-ina at maraming bumubusina na rito dahil liliko liko ito, maririnig mo ang busina ng mga Pulis na sunusundan ang kotse Nina Aisha at sa likod ng mga Pulis ay ang kotse ni Rux.

" MOM!! STOP THE CAR!! MAAKSEDENTE TAYO!! " sigaw ni Aisha habang umiiyak. Iniisip nito si Rux pag naaksedente sila. Tinutulak siya ng ina ni Aisha pero mahigpit pa rin ang kapit nya sa manebila.

" Aisha !! Bitaw!!" Sigaw ng ina niya habang tinatampal ang kamay niya, ng hindi siya bumitaw tiningnan siya ng masama ng ina,

" Maaksedente talaga ta- " Naputol ang sasabihin niya ng .......

Malakas na busina ang pinakawalan ng ina niya ng makita ang truck, sinusubukan niyang tapakan ang break pero wala, kaya lalo siyang nangamba. Umiiyak at nagpapanic si Aisha ng makita ang truck.

HindI na makapaghintay si Rux kaya nag overtake na siya sa mga police at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho ng mapansin niyang hindi humihinto ang kotse Nina Aisha.

Maraming pumapasok na scenario sa isip ni Rux na nag papadagdag ng kaba niya,

' please be safe, grādh. Please be safe ' Saad niya sa isip.

Biglang napa- preno si Rux at ang mga police ng malakas na Kalabog ang narinig nila galing sa kotse at truck. Dali dali namang lumabas si Rux at tumakbo papunta sa Kotse na umuusok. Wala siyang pakialam kong sasabog na itO.

Nakita niyang duguan si Aisha, at agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at dali daling binuhat ang dalaga, wala siyang pakialam kong sumabog ang kotse kahit nasa loob ang ina ng dalaga dahil ang lahat ng attention niya ay na kay Aisha na duguan at walang malay.

___

Dahan- dahan kong minulat ang Mata ko, at bumungad sa akin ang liwanag, nakakasilaw na liwanag. Kumurap- kurap pa ako para maging malinaw ang paningin ko. Pero wala, Malabo pa rin siya.

Sinubukan kong lumingon pero biglang sumakit ang leeg ko at parang may kung anong bagay na nakalagay sa leeg ko. Sinubukan kong igalaw ang paa ko pero parang ang bigat at parang namamanhid siya. Naramdaman kong may cast ang isa kong kamay, dahil masakit pag sinusubukan kong igalaw.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Anu ba ang nangyari? Ang alam ko lang papunta kaming School nina dad dahil mag tra- transfer ako.

Biglang bumungad sa akin ang doktor, lalaking doktor ? Parang kinaka- usap niya ako pero hindi ko marinig ang sinasabi niya. Nahihilo na naman ako, lalong lumabo ang paningin ko at biglang nandilim ang paligid ko.

___

Dahan dahan niyang minulat ang mga Mata. Nang makita ito ng ina niya ay dali- dali itong lumapit sa dalaga . Naiiyak. Nakokonsensiya. Hinawakan ni  Ameshia, ng ina niya ang pisngi ng dalaga at nagsimila ng tumulo ang luha nito.

Nasasaktan itong nakatingin sa anak na nakahiga sa hospital Bed. Hinalikan niya ang noo ng dalaga at ilang beses siyang humingi ng tawad sa anak.

" M-my s-sweet... I-im so s-sorry, sweet " Umiiyak na Saad niya, kumurap kurap ang dalaga, napakunot ang noo niya ng hindi niya makilala kung Sino ang babaeng yumayakap at hinahalik- halikan ang noo niya.

" M-madame who a-are you? W- where am I? " Saad ng dalaga. Hindi na nagulat si Ameshia ng hindi siya makilala ng anak. Pero masakit pa rin ang damdamin niya ng mag tanong ang dalaga.

" Y- you're in a hospital, sweet " Pinahid niya ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya.

" W- why am I here? "

" W-we got a c-car accident." Mahina niyang Saad.

Sasagot Sana ang dalaga ng pumasok ang doktor at inobserbahan siya, at sinabing nagka- amnesia siya.

Simula noon, nang makalabas ang dalaga sa hospital ng ilang buwan, ay bumawi ang ina niya sa kaniya. Lahat ng gusto niya ibinibigay, laging sweet sa kaniya at laging mahinahon pag galit ang ina.

__________________________

A/N: mga flashback po ito, baka ma lito kau.

Heartaches_02

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top