~~ Chapter 01 ~~



            
              ••• Aisha POV •••



Usok at init ang sumalubong sakin pagkababa ko lamang ng eroplano. Kinuha ko ang sunglasses ko at pumikit. Dinadama ang init ng hangin. Huminga muna ako ng malalim bago magmulat ng mata. Limang taon na simula ng binisita ko si dad. At ng pumunta dito. Hyst..

Naglalakad na ako papalabas ng airport kaya kinuha ko ang phone ko sa bag para tawagan ang kambal . Ng makuha ko ito ay isasara ko na sana ang bag ko ng may bumunggo sa akin kaya nalaglag ang mga gamit ko at pati  bag.

"Sorry,miss " Saad nito habang tinutulungan akong pulutin ang mga gamit ko,

" Okay lang " Saad ko at tiningnan sya ngunit naka mask ito at may itim na sumbrero.

" Sorry ulit, miss" Bago pa man ako makasagot ay tinalikuran na nya ako.

Ang init init tapos balot na balot sya.
________

Nandito muna ako tumutuloy sa kaibigan kong si Almarie at Namarie Hlough, they're twins. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay pumasok ang kambal. Ngumiti naman ako sa kanila.

" Okay lang ba rito sa room mo ai? " Tanong ni namarie, ngumiti lang ako at tumango

" Okay na to, thank you pala sa pagpapatuloy nyo sa akin dito " Saad ko, ngumiti naman sila at tinapik ako sa balikat

" Anu ka ba, minsan ka lang naman umuwi dito eh, tsaka bukas labas tayong barkada " Saad ni almarie. Tama sya minsan lang ako dito sa pinas dahil hinahanap ko lang naman si dad. At Hindi ako komportable dito dahil pakiramdam ko laging may nnakatingin sa akin.

Nabalik ako sa ulirat ng magsalita si namarie

" -kumatok ka na lang sa kwarto namin Brad pag may kailangan ka, nga pala may pupuntahan kami ni kambs ah baka Gabi na kami umuwi " Tumango lang ako

" Sige, magpapahinga lang muna ako, ingat kayo " Saad ko at yinakap sila

" Goshhh namiss talaga kita-namin " At kumalas na sila ng yakap

" Oh sya, pag kakain ka may pagkain sa ref or magluto ka nalang ah " I just smiled at them and wave my hand

" Take care , bye" Saad ko at sinara ang pinto at nilock. Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga. Kapagod.

Hindi ko namalayan na naka-tulog na pala ako.
~~~

" I'll come back for you, for us. I promise " Hindi ko makita ang mukha nya,, lagi nalang Malabo

" Okay, just don't forget about me " Saad ko sa lalaki gusto kong lumapit sa lalaki pero Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

" Of course, I'll come back for you,grādh " Saad ng lalaki. Napapikit ako ng mata ng hinalikan nya ang noo ko, pagkatapos nun ay tumalikod na ito. Gusto ko syang habulin pero Hindi ko magawa dahil Hindi ko maigalaw ang mga paa ko

"Wait..." Sigaw ko pero Hindi sya lumilingon dere deretso lang sya, sigaw ako ng sigaw sa kanya pero hanggang sa maglaho sya ay Hindi sya lumingon sa akin..

Isang salita ang nag pa ulit ulit sa utak ko na sinabi nya.

" Grādh "

~~~~~

Napabalikwas ako ng bangon ng dahil sa panaginip na iyon. Pawisan na ako at naghahabol ng hininga na parang nagtatakbo ako..

Huminga na muna ako ng malalim at hinilamos ang palad ko sa mukha. Ilang beses na ba akong nanaginip ng ganito? Hindi ko na mahibang, laging ganito ang panaginip ko, Hindi nagbabago ang scene at laging ganito. Malabo lagi ang mukha ng lalaki, aishh bakit ko ba sya pinapaginipan.

Huminga nalang ulit ako ng malalim at dahan-dahang humiga at ipinikit ang mata. Sinubukan ko ulit matulog pero wala. Hindi na ako ako makatulog, nakadapa at nakatagilid. Wala pa rin, Hindi pa rin ako makatulog.

Bwesit na panaginip na yun pati ang lalaking Hindi ko makita ang mukha. Aish..

Napatigil ako sa pagiisip ng lalaking Yun ng mag-ring ang phone ko, tiningnan ko MUNA ang caller bago ko sagutin.

' bakit kaya tumatawag si mom? '

" Good evening, mom " Bati ko pagkasagot ko ng tawag

" It's morning here, sweet. " Saad sa kabilang linya.

" Oh I forgot, anyway, bakit kayo napatawag mom? "

" Sa linggo pa ako makakarating dyan, nagka -problema lang ang company. "

" It's okay mom. "

" Yun lang naman, Call you later sweet,take care always, I love you "

" Yes mom, take care also, love you too. " At pinatay na ang tawag.Hihiga na sana akO ng may nag doorbell.

_______

( ~~~~ ) ibig sabihin nito ay panaginip lang .
( ' ' ) ibig sabihin naman into is sa isip  nya lang sinabi.
heartaches_02

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top