PLUVIA REIGN - 9
CHAPTER 9
THE EVENT WENT ON PEACEFULLY.
Ate Rajah invited a band to perform tonight, kaya ang mga kabataang bisita ko lalo na si Jhiny ay sumabay pa sa pagkanta. Tuloy ay parang nag concert ang naturang banda ng gabing 'yun kaya mas lalo akong natuwa.
Si Kuya Ryan and Kuya Ramses ay nilipat sa gitna ang mesa nilang pabilog. Pinaupo nila ako dun kasama sila at magkakatabi kami sa upoan. Kuya Ryan at Ate Rajah, si Kuya Ramses at Ate Ana Beatriz, si Mama, ako, at si Elijah.
Tita Amelia and Tito Mateo send their gifts already yesterday. Binati lang din nila ako kanina thru Video call.
"Okay, para sa ating prinsesa na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayon," ani Kuya Ryan ng tumayo siya sa gitna hawak ang mic. "..Pluvia Reign Atwater, please come here." mabilis akong dinaluhan ni Elijah ng sabihin ni Kuya Ryan iyon.
Nang makaakyat ako ng entablado ay bumaba agad si Elijah kaya hinawakan ako ni Kuya para alalayan. Malawak ang ngiting humarap siya sa mga tao bago magsalita.
"Now you're here. Everyone, let me tell you, I mean share to you something about this pretty lady here beside me," panimula niya at hinarap pa ako.
"It was sunny afternoon of March 13, 1994 when a woman named Rhean gave birth to a princess. She name her Pluvia Reign, it's quite obvious that the name came from the child's Father and Mother," napatawa ang lahat sa sinabing iyon ni Kuya. sumenyas siya ng tahimik na sinunod naman ng mga bisita bago sya nagpatuloy. "Pluvia from Flavio, and Reign from Rhean. pinaarte lang kumbaga, dahil espesyal ang batang 'to at Mahal na Mahal naming lahat."
"So sa mga binatang nagbabalak na ligawan ang aming prinsesa," he paused and eyed all men in the crowd before settled his eyes to Elijah. "Dadaan kayo muna sa amin na mga Kuya niya, titignan namin kung papasa ba para maging prinsipe niya."
"Pluvia or Reign, whatever you call her, is our precious gem in the Family. kaya ingat na ingat kaming huwag siyang mabasag o masaktan. So guys... be ready." he then kissed my cheeks after.
"Let's go back now to the next part of the program..." the MC trailed off. "For her first dance, Mister Raffy Cruz..."
My friend Raffy since elementary stood up and walk straight to where I am standing. Natatawang inabot ko ang kamay niya at inalalayan ako pababa bago kami sumayaw. Dalawang minuto lang ako isasayaw maliban kina Kuya Ramses at Kuya Ryan na panghuling isasayaw ako bago si Elijah.
"Thank you Mister Miguel Chua, now, it's Kuya Ramses turn," Yumuko pa muna si Kuya bago iniabot sa'kin ang kamay niya na ikinatawa ko.
"Ang ganda naman ng prinsesa namin na 'to," biro niya ng sumasayaw kami.
"Syempre gwapo ang Kuya eh,"
"Good girl, maayos talaga kitang naalagaan." tumawa lang ako sa kaniya at nagpatuloy kami sa pag-uusap bago niya ako ibigay kay Kuya Ryan.
"Hey princess," bati ni Kuya Ryan nang maiabot na ako sa kaniya ni Kuya Ram.
"Thank you Kuya," tanging nasabi ko nang mamuo ang luha sa mga mata ko.
"You deserve to be happy bunso, so choose a Man, not a boy." I tsked with his words, but really I truly appreciated it.
"I'm still young, yet here you are saying that to me? Kuya naman," I grunted pero seryoso lang niya akong tinignan.
"Hindi ka namin pagbabawalan sakali mang pilili kana, pero syempre dadaan muna siya sa amin ng Kuya Ramses mo pag nagkataon." Dagdag pa niya na tinangoan ko lang para tigilan na niya ako. Kaka eighteen ko pa lang! Give me a break, come'on!
Limang minuto ang makalipas ay ibibigay na niya ako kay Elijah na ngayo'y nakatayo na sa gitnang bahagi ng entablado, na tila hinihintay ang mapapangasawa niya.
I gulped with the thoughts inside my head.
"Elijah," ani Kuya at seryosong tinitigan ang huli na ngayo'y nakikipaglaban din ng tingin.
"Kuya Ryan,"
"Don't ever hurt my baby, did you understand?" He whispered while looking intently to Elijah.
"Yes Kuya, I understand,"
Ilang minuto pa muna sila nagtitigan at tila naging susi ang sagot na yun para mapangiti si Kuya bago ako ibinigay sa kaniya. I shook my head and heave a deep sigh.
Nang makatayo na kaming dalawa sa gitna ay siyang pagtugtog ng kantang paborito naming dalawa, Perfect by Ed Sheeran.
Tumitig lang si Elijah sa akin ng diretso sa mata. I saw admiration and... love through his blue eyes. He pulled me closer to him when the song hit the chorus.
"'Coz we we're just kids and we fell in love, not knowing what it was," pagkanta niya ng sabay habang nakatitig sa akin.
"Darling just kiss me slow," I gulped as he lowered his head near me when he sang that part.
"EJ," mahinang sambit ko sa pangalan niya.
"Reign," he whispered my name.
Mas yumuko siya kaya napapikit ako. Not that I assume that he would kiss me. I just cant stand staring at him now. I felt his soft lips in my forehead as he planted a kiss there while whispering words.
"I waited for this moment to come, I know masyado pa tayong mga bata pero Reign.... since three years ago, naramdaman ko na 'to sa twing nagkakasalubong tayo. I even told Kuya Ryan about it, and he made me promise to not tell it to you hangga't hindi pa dumarating ang oras na 'to," napadilat ako ng mga mata sa gulat dahil sa biglaang sabi niya. Oh no. We're on the same boat!
"Reign, please let me court you," dagdag niya at hinuli ang mga mata ko. Our same blue eyes met, at alam ko na sa mga oras na 'yun nakita niya sa mga mata ko ang tugon ko sa hinihiling niya. He smile at me and kiss my forehead again.
"I'll take care of you, Reign," he smile genuinely. "I promise."
The next morning, I woke up with a light mood like the sun outside as it sparkle its light to the world. I smile and grab his spare phone he gave to me last night after the party. I open his messages while smiling. His text was sent thirty minutes ago. Same old Elijah.
Mamayang gabi na ang concert ng paborito naming banda kaya naeexcite ako dahil sabi sa'kin ni Jhiny, it would be our first date together. Kaya dapat daw sulitin namin dahil lahat ng una- dapat masaya.
From: EJ ni Reign
Good morning, Reign! Rise and shine ;)
Napatawa ako ng mahina sabay iling nang mabasa ang pangalan na sinave niya. EJ ni Reign? Hindi ko alam na may pagka childish din ang lalaking yun. Napailing nalang ako bago magtipa ng reply.
To: EJ ni Reign
Good morning din Elijah!
Send 📬
Pagka send nun ay bumangon na ako at dumiretso ng banyo para magtoothbrush at maghilamos. Nagbihis lang din muna ako ng loose shirt at cotton short bago bumaba.
Naabotan kong nag-uusap sa sala si Kuya Ramses at Ate Ana habang nagkakape. Kumaway at ngumiti lang ako sa kanila bago dumiretso ng kusina at ang seryosong mukha ni Kuya Ryan habang nakaharap sa laptop ang aking nadatnan.
"Good morning Kuya," bati ko sabay halik sa pisngi niya.
"Good morning baby," ganting bati niya habang hindi inaalis ang tingin sa ginagawa.
Nagtimpla muna ako ng gatas bago umupo sa harapan niya.
"Si Mama pala Kuya?" Ani ko sa mahinang boses habang nilalagyan ng keso ang pan de sal. Nagtaas ng tingin sa'kin si Kuya bago sumagot.
"Nasa palengke, bibili ng handa para bukas."
Tumango lang ako kay Kuya kaya nagpatuloy na siya sa ginagawa. Pumasok sa loob ng kusina sina Kuya Ramses at Ate Ana bitbit ang basong pinag-kapehan nila. Tumabi sila ng upo sa akin at binalingan ng tingin muna ni Kuya Ram si Kuya Ryan bago humarap sa akin.
"Ano oras ka daw susunduin ni Elijah mamaya?" Sabi niya habang nilalaro ang daliri ni Ate Ana.
"Di ko pa sure Kuya eh, pero alas sais ang simula ng concert kaya siguro alas singko, mga gano'n." Di siguradong sagot ko na ikinangiwi niya.
"Hindi niyo ba pinag-usapan kagabi?" Umiling ako. "Ha? Eh ang tagal niyong nag-usap kagabi habang sumasayaw ah?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabing 'yun ni Kuya kaya napaiwas ako ng tingin at tumikhim para mapalis ang bara sa'king lalamunan.
Iba pinag-usapan namin Kuya eh! Tila gusto kong sabihin pero baka magalit pa'to at hindi ako payagan. Tsk..
"Bunso?" Tawag niya nang hindi ako agad makasagot.
"Ha? A-ahh ano," utal kong sabi at napatingin kay Kuya Ryan nang nagtaas ito ng tingin at matiim na nakatitig sa'kin. "A-ahh ano Kuya,"
"May problema ba bunso? Nauutal ka ata?" Kunot ang noo na baling sa'kin ni Kuya Ryan.
Umiling lang ako bago ngumiti bago muling humarap sa huli. "Hehehe ahh, h-hindi po kasi namin 'yun napag-usapan Kuya Ram,"
"O-ohh okay?" Di makapaniwalang aniya. Ngumiti lang ako dahil bigla kong naalala ang napag-usapan namin kagabi ni Elijah.
"I'll take care of you, Reign, I promise." Ngumiti ako bago huminto sa pagsasayaw at gano'n din siya.
I tiptoed and kiss him in the cheeks. "I'll take care of you too EJ." I felt him stiifened a bit but still managed to smile.
Niyakap niya ako at muling isinayaw na nagpatawa ng mahina sa'kin. "We're still young, I know. But age does not matter right?" I nod happily. ".... kaya gagawin ko ang lahat Reign para maging karapat-dapat ako sa'yo. Kahit alam kong boto sa'kin ang mga Kuya mo sa'kin para sa'yo," kampanteng ani niya sabay tawa ng mahina. "Kailangan ko pa ring gumawa ng bagay na tatatak sa isip at puso nila na hindi sila nagsisising ako ang inapborahan nilang maging prinsipe ng nag-iisang prinsesa nila."
My eyes glistened with tears- A tears of Happiness. With his remark, and with his Love for me even at our young age.
And I pray that this Love of ours will last... against all the odds, we'll conquer it TOGETHER.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top