PLUVIA REIGN - 8
CHAPTER 8
"HAPPY BIRTHDAY TO OUR PRINCESS, PLUVIA REIGN!" masayang bati sa akin nina Kuya nang maaga akong magising. Hawak nila ang maliliit na cupcake na may nakatusok pa na kandila sa gitna kaya hinipan ko 'yun.
Iginiya nila ako sa kusina at pinaupo pagkatapos at napasimangot ako nang isuot nila sa ulo ko ang laroan kong korona noong bata pa.
"Ang ganda ganda ng umaga pero nakasimangot ka," punang sabi ni Mama nang maupo siya sa harap ko. Umiwas ako ng tingin nang titigan niya ako na tila binabasa ang nasa isip ko.
"Wala yata sa mood ang prinsesa natin Kuya," rinig kong bulong ni Kuya Ramses kay Kuya Ryan habang inaayos sa cupboard ang pinamili nila kahapon.
"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Elijah?" Si Mama, sabay abot ng kamay ko. "Naabotan ko siya kanina d'yan sa labas kaya pinaabot niya sa akin 'to para sa'yo." Dagdag na sabi ni Mama sabay patong ng isang papel sa palad ko.
Niyuko ko yun at napasinghap sa gulat nang makitang ticket yun sa concert ng paborito naming banda. Naluluhang itinaas ko yun kaya tinapik ako ni Mama bago tumayo.
"Sige na, puntahan mo na 'yun at kanina ka pa inaantay nun sa labas," napatanga ako sa gulat sa sinabing 'yun ni Mama kaya nang tapikin niya uli ako sa balikat ay saka lang ako natauhan.
Patakbo kong tinungo ang pinto para buksan yun. At naabotan si Elijah na nakaupo sa bench sa labas habang nakayuko ang ulo at nilalaro sa kamay ang ticket niya. Nagulat pa siya sa bigla kong pagyakap pero agad ding nakahuma at niyakap ako pabalik. Rinig ko ang paghikbi niya sabay bulong ng pagbati sa akin.
"Happy Birthday Reign," piyok niyang sabi. "Sorry kung n-ngayon lang ako nagka lakas ng loob na puntahan ka."
"Hindi mo naman kasalanan yun eh. Kaya ayos lang." Mahinang sabi ko sa kaniya.
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin bago ako hinagkan sa noo. Umayos siya ng upo pagkatapos nun habang ako ay napaiwas na ng tingin sa ginawa niya.
Tumikhim muna ako bago siya hinarap. "A-ahh mamaya ha? Alas singko ng hapon magsisimula na ang party ko." Nakangiti niya lang akong tiningnan bago tumango.
"Maaga akong pupunta mamaya Reign, ako ang escort mo diba?"
"Oo. Pati ang last d-dance ko." Mahinang saad ko na ikinangiti niya lalo.
"Salamat. Alam kong dapat ako ang magbigay ng regalo sa'yo pero heto't ikaw pa ang magbibigay sa akin." Napapantiskuhang napatitig ako sa sinabi niya.
Umiling lang siya bago tumawa ng mahina sa nakitang itsura ko kaya napanguso akong sumandal sa upoan. Nagtatampo. Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin bago siya magsalita.
"The day after our g-graduation, aalis na ako pa Stanford, Reign," ngumiti ako sa kaniya bago tumango.
"Ayos lang," I swallowed hard after saying those words. "Pangarap mo ang nakasalalay dun EJ." Tinitigan niya lang ako matapos kong sabihin 'yun kaya ngumiti ako lalo para maniwala siyang totoo ang sinasabi ko.
"Iiwan ko sa'yo ang cellphone ko-"
"Hindi na EJ," putol ko sa kanya at bahagyang umiling. "May tablet naman si Kuya Ryan na pwede kong hiramin kaya ayos na yun."
Ilang minuto niya ulit akong tinitigan bago ngumiti. Mga ngiting magiging ala-ala ko nalang pag-alis niya.
Nagpaalam na siyang babalik sa bahay nila para ihanda ang susuotin. Dumiretso naman ako sa kwarto ko para ilagay sa drawer ng bedside table ang ticket na gaganapin bukas. Ngumiti ako bago tinungo ang bintana, nagbaba sakaling makita si Jhiny doon at hindi nga ako nagkamali.
"Jhiny!"
"Reynang Via! Happy Birthday!"
"Salamat! Mamaya ah?"
"Aba! Nakahanda na damit ko mamaya ano, kaya malamang pupunta ako."
Napatawa ako sa sinabi niya. Ang totoo, mas excited pa siya sa kaarawan ko. Yun nga at nagpabili pa talaga ng bagong gown sa Mommy niya! Aniya pa'y, dadaigin niya ang aurahan ko. Sa katalinohan ko lang daw siya malalamangan, pero sa pagandahan hindi, at siya nga daw ang Champion doon.
"Nae-excite tuloy akong makita kang mag gown Jhi!" I beamed, and she grinned at me. Nagmamayabang!
"Hindi mo gugustuhin pag nangyari na yun! Paniguradong iiyak ka."
Naiiling lang ako sa tinuran niya at nag-usap pa kami ng matagal bago nagpaalamanan sa isa't-isa. Pupunta muna daw siya sa bayan para sumaglit sa Salon.
"See you laters Reyna!" paalam niya bago ako kinawayan at sinara pabalik ang bintana.
Humiga muna ako sa kama ko at napagpasiyahang matulog saglit dahil wala naman na akong gagawin o aayosin sa baba. Ang mga Kuya ko, lalo na ang Kuya Ram ay pinapaalis ako dun dahil gusto daw niya akong magpahinga lang muna total nandoon naman daw si Ate Ana para pagandahin ang venue.
Floral ang theme ng debut ko kaya sumakto sa paboritong kulay ko na Yellow... it represents the Sun.... I smile and sigh before letting myself doze off to sleep.
It's already four when I wake up. So I hastily went straight to my bathroom to shower. I scrub my body using the shower gel in vanilla scent that my Kuya's bought for me. Sabi, ang mga prinsesa daw dapat mabango, hindi mukhang amos at amoy araw! Nang insulto pa parang hindi rin sila gano'n noon!
Pagkaligo ay nagsuot lang muna ako ng roba at dumiretso sa harap ng vanity mirror. Akmang isasaksak ko na ang blower nang may kumatok mula sa labas kaya binuksan ko muna yun at napahiyaw sa tuwa nang makitang si Jhiny yun.
"Ang ganda naman!" Puri ko sa itsura niya nang makitang bagay sa kaniya ang make-up at ayos ng buhok.
"Ano ka ba naman Reyna! Ako lang 'to, si Jhiny na hindi mo matatalo sa ganda." pabiro kong hinampas siya sa braso na ikinatawa lang niya ng malakas bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Narinig ko siyang suminghap kaya sinundan ng mata ko ang tinitignan niya at napangiti nang makitang ang Yellow Gown ko 'yun.
"Ang ganda di ba?" Panggagaya ko pa sa biro niya. Tumango lang siya sa sinabi ko bago hinaplos ng mga kamay ang damit bago pinikit ang mga mata.
"Feeling ko para akong nasa disney princess pag nakita na kitang suot 'to," she dreamingly said. "Grabe, reynang reyna ang datingan!"
Dumating na ang mag-aayos sa akin kaya natahimik na kaming dalawa. Kitang kita ko ang saya at tuwa sa mukha ng kaibigan ko at tila sakit na nakakahawa 'yun dahil nakita ko nalang sa salamin ang epekto sa'kin nun.
I am smiling happily with a twinkling eyes brought by so much happiness.
Hindi ko alam kung ginagayuma ba ako ng kaibigan kong ito dahil sa kaunting panahon lang na nagkasama kami ay nahuli na niya kaagad ang kiliti ko.
Alas singko y medya nang pumasok sa kwarto ang dalawang Kuya ko kasama ang mga nobya nila na parehong nakangiti habang nakatingin sa akin. Si Mama naman ay naiiyak pa nang makita ako kaya nagkalat ang make up niya. Tuloy ay mag-aalas sais na ay nasa taas pa rin kami.
"Ma, tama na po kakaiyak. Magde debut lang si Reign, hindi mag-aasawa." Napaubo ako nang malakas sa birong 'yun ni Kuya Ramses.
"Alam ko, hindi lang ako makapaniwala na ang dating sanggol na karga karga ko ay dalaga na," ani Mama habang nagpupunas ng luha. Kuya Ryan tsked when I saw her make ups ruined again.
"Mama tahan na po, nasisira na naman ang make up mo." Marahang sabi ni Kuya Ryan habang inaalalayan si Mama pababa ng hagdan. Napatigil sila sa pagbaba kaya nagtatakang napalingon din ako sa kanila.
There, I saw the Man looking fresh wearing his black tuxedo. He looked intently to me. I gulped and continue to walk slowly downstairs when my Brothers gave me way to near him.
He gave me a warm smile before extending his hand to me. I reached for it and felt at ease when I already feel its heat. The people around us gave us a warm of applause. Pero ang pareho naming mga mata ay nakatitig lang sa isa't isa.
"You're so beautiful tonight," He said to me in amazement.
Napanguso ako at pabiro siyang hinampas sa brasong nakahawak na ngayon sa bewang ko.
"Ngayong gabi lang pala," he gave me an amuse smile before biting his lips.
"You're beautiful every day, Reign." Napaiwas ako ng tingin nang titigan niya ako habang sinasabi 'yun. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Bigla biglang magga-ganon! Nakakahiya!
But still, I manage to gave him a smile before saying 'Thank you'.
Naglakad kami papunta sa Garden na di mo aakalaing bahagi lang ng bahay namin 'yun dahil sa nagga gandahang disenyo at pagkakaayos ng paligid. Inalalayan niya ako paakyat ng entablado nang makarating na kami sa gitna nun na may nakahanda pang upoan na kamukha ng inuupoan ng isang Reyna.
My eyes glistened with tears with so much joy. My Family made it for me! For this very special day.
When I already seated in front, Elijah bowed down his head to me like a servant to his Queen before he took a sit. The Event organizer my Kuya's hired started the party with full of energy that made the crowd clapped their hands in excitement.
Ang lungkot na naramdaman ko sa nalalapit na pag-alis ni Elijah ay unti unting nabura sa isip ko, at napalitan 'yun ng hindi matatawarang saya.
Saya na laging ipinapadama sa akin ng aking pamilya mula pa man nang ako ay bata pa at nabubuhay si Papa, hanggang ngayon na ako ay nagdadalaga na.
And for the first time in ten years since my Father died, I smile with a Happy heart, and With a contented heart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top