PLUVIA REIGN - 4

CHAPTER 4

PAGKAPASOK namin sa loob ng Mall ay dumaan pa muna kami sa paboritong fastfood chain ni Kuya Ram para bumili ng Frenchfries at Popcorn bago umakyat ng third floor kung saan ang Cinema.

"Titanic," basa ko sa Title ng palabas bago lumipat ang tingin sa iba. "Ahh ito nalang siguro," pagkausap ko sa sarili bago humarap sa mga kapatid ko.

"Oh nakapili ka na ba Bunso?" Ani Kuya Ram sa akin habang hawak hawak niya ang popcorn at French fries sa magkabilang kamay. Tumango ako bago itinuro sa kaniya ang poster ng pelikulang Taken- Season 3 na pinagbibidahan ni Liam Neeson. "Sige yan nalang siguro," aniya bago lumingon kay Kuya Ryan na may kausap sa telepono.

"Okay Hon, just call or text me okay? Bye," rinig kong sabi ni Kuya Ryan sa kausap nang lumapit siya sa amin. "Princess may napili ka na?"

"Taken 3 daw gusto niya Kuya Ryan, bili ka na ticket para makapasok na tayo," sagot ni Kuya Ram kay Kuya Ryan na agad tumango bago pumila sa bilihan ng ticket.

"I bought four tickets," ani Kuya Ryan nang makabalik sa pwesto namin. "I invite Rajah to be with us, if you don't mind princess." Nakangiti niyang sabi.

"Okay lang Kuya, masaya nga yun para marami tayo." Nakangiti ko ring sagot sa kaniya bago kumain ng popcorn.

"Okay, we'll wait for Her, She's on her way here. Sunduin ko lang sa labas." Paalam ni Kuya Ryan bago lumabas sandali ng waiting area ng Cinema.

Maya maya pa ay nakabalik na siya kasama si Ate Rajah, pagkatapos naming magkabatian ay pumasok na kami sa loob ng sinehan. Magkakatabi kaming apat sa upoan pero kami ni Ate Rajah ang nasa gitna, habang sina Kuya Ram at Kuya Ryan ang nasa gilid namin.

Walang kiboan lang kaming apat na nanood at tsaka lang nag-ingay nang makalabas ng sinehan. Dumiretso na kami ng restaurant para kumain ng hapunan dahil mag aalas diyes na pala ng gabi.

Fettuccine Alfredo ang pareho naming inorder na pinaresan nila ng Italian Barbera Red Wine habang ako naman ay tubig lang dahil di ako sanay uminom ng wine pag gabi.

(See sample photo for Fettuccine Alfredo Pasta, credits to google.com)

Nang nasa daan na kami pauwi ay humilig ako sa balikat ni Kuya Ram dahil pinalitan siya ni Kuya Ryan sa pagmamaneho at si Ate Rajah ang umupo sa shotgun seat. Nagpa order ako ng take out nung pasta para kay EJ dahil isa ito sa mga paborito naming dalawa.

"Wake up bunso, we're here," masuyong sabi sa'kin ni Kuya Ramses nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng bahay. Agad kong inayos ang sarili ko bago bumaba bitbit ang pagkaing para kay Elijah.

"Ahh Kuya Ramses ihahatid ko lang 'to kay EJ," ani ko sabay taas ng plastic bag. Tumango lang si Kuya kaya agad na akong tumungo sa pinto ng bahay nila EJ at tinulak yun pabukas. Naabotan ko siyang nakaupo sa harap ng TV.

"Hi EJ!" Masaya kong bati nang makapasok at iniabot sa kaniya ang pagkaing dala. "Your favorite!"

"Thank you Reign," aniyang nakangiti sabay abot. Mabilis niya yung binuksan at nilantakan. "Si Ate pala?" Sabi niya habang ngumunguya.

"Nasa labas, kausap pa ni Kuya Ryan." Tipid kong sabi na tinangoan lang niya bago nagpatuloy sa pagkain.

"Uwi na ako EJ, gabi na kasi." Paalam ko nang makalahati na niya ang pagkain.

"Sige Reign, baka hinahanap ka na rin ni Tita Rhean," aniya sabay tabi ng pagkain at tumayo. "Tara hatid muna kita sa inyo." Tumango ako agad sa sinabi niya at sabay na kaming lumabas ng bahay.

Nasa tapat na kami ng gate namin nang makasubong namin si Ate Rajah at Kuya Ryan na nakangiti.

"Iuuwi ko lang si Reign, Ate," seryosong aniya sa kapatid. Nakangiting tumango lang si Ate bago tumabi.

"Ikaw na mag lock ng pinto ha? Aakyat na ako agad. Inaantok na ako." Isang tango lang ang isinagot niya kay Ate Rajah na agad nang pumasok pagkahalik sa pisngi kay Kuya Ryan.

Kumaway lang ako sa kaniya nang makapasok ako ng bahay sabay sara ng pinto. Naabotan ko pa si Kuya Ram na nakaupo sa sala habang katawagan si Ate Ana.

"Goodnight Kuya," aniko bago umakyat ng kwarto. Agad akong pumasok ng banyo para maghilamos at mag toothbrush bago nagbihis ng pantulog para matulog.

Muli ko na namang nahagip ng tingin ang kabilang bahay at napangiti nang maalalang si Jhiny pala ang bago naming kapitbahay. Nag usal na ako ng panalangin bago pumikit.

Kinabukasan ay ang nagtatawanang si Kuya Ramses at Kuya Ryan ang nabungaran ko habang nagluluto ng almusal, si Mama naman ay nasa lamesa habang nagkakape. Agad akong humalik sa pisngi nila bago tumabi kay Mama.

"Princess gusto mo gatas?" Masuyong sabi ni Kuya Ryan sa akin na agad kong tinangoan. "Okay, one glass of milk for my Princess," aniya na ikinatawa ni Mama at Kuya Ramses.

"Bini-baby niyo na naman ako niyan eh," nakangusong sabi ko bago kumagat ng pan de sal.

"Baby ka naman talaga namin ah?" Si Kuya Ram habang nililipat ang piniritong hotdog, ham at bacon sa plato. "Bakit? Porket mag disisi otso kana sa susunod na buwan eh ayaw mo nang tawagin kang baby?"

"Kuya hindi sa ganun," kamot ulo kong sabi. "Eh nakakahiya eh, graduating na ako sa high school pero baby pa rin."

"Asus baka naman may nanliligaw na sa'yo?" Malakas akong napaubo sa sinabing yun ni Kuya na ikinatawa lang nito bago ako inabotan ng tubig. "Aba parang may nanliligaw na nga dito sa baby natin Kuya Ry," nanunuksong aniya.

"Kuya! Walang ganon!" Nakanguso kong sabi bago bumaling kay Mama na nakangiti lang. "Mama oh, sina Kuya."

"Tigilan niyo na yan. Ramses ang pagkain bilisan mo."

Tumatawang tumango lang si Kuya Ramses sa sinabing yun ni Mama. Nakangiting iniabot naman sa'kin ni Kuya Ryan ang baso ng gatas.

"Thank you Kuya," aniko na tinangoan lang niya bago kumuha ng plato at kubyertos.

Nagku kwentuhan lang kami habang kumakain ng agahan. Ikinuwento ko kay Mama ang pinanood namin kagabi na malugod naman niyang pinakinggan. Ikinuwento ko rin ang pagkapasa ko sa Exam sa lahat ng subjects. Kaya ang mga Kuya ko humirit ng tanong sa kursong kukunin ko.

"Oo nga pala, anong kursong kukunin mo sa kolehiyo?" Tanong ni Kuya Ryan habang kumakain.

Inabot ko muna ang baso ng tubig at ininom yun bago sumagot. "Secretariat Kuya."

"Talaga?" Tumango ako. "Wow, Rhean the second ah," nanunuksong aniya na ikinangiti ko.

"Gusto ko yun kasi dun nagkakilala sina Mama at Papa eh," masayang sabi ko na ikinangiti ni Mama bago ako hinalikan sa sintido.

Nakangiting sumang-ayon lang din sina Kuya bago kami nagpatuloy sa pagkain. Si Kuya Ryan ang nagpresintang maghugas ng plato kaya dumiretso na ako sa itaas para magligpit ng kwarto bago sa sala.

Nakayuko kong tinutupi ang kumot nang may narinig akong sumisitsit mula sa labas ng bintana. Nang lingonin ko ito ay ang kumakaway'ng si Jhiny ang nabungaran ko.

"Hi Reynang Via!" Masayang aniya mula sa bintana. Napangiwi ako sa itinawag niya sa akin pero gumanti lang din ng kaway sa kaniya bago bumati.

"Hi Jhiny!"

"Walang pasok ngayon, anong ginagawa mo?"

"Naglilinis ng kwarto," sagot ko. "Ikaw?"

"Ganon din, wala kasi ngayon ang mga katulong namin. Pinag off ni Daddy." Aniya na ikinatango ko.

"Si Elijah pala," biglang sabi niya.

"Bakit?" Aniko.

Kumibit balikat siya bago magsalita. "Nakita ko siya kanina na umiiyak."

"Ha? Bakit?"

"Ewan, nilabas ko kasi kanina si chinchin yung aso ko, tapos nadaanan ko siya sa labas nila na umiiyak."

Napatulala ako sa sinabi niya bago nagpaalam na itutuloy ang gagawin. Pagkatapos kong magligpit ay patakbo akong bumaba ng hagdan na ikinagulat ni Mama.

"por pabor hija, mag hinay hinay ka nga anak," ani Mama nang makababa ako.

Humihingal akong nagtaas ng tingin sa kaniya bago magsalita. "Ma, pwede po ba akong pumunta sandali kina EJ?" Paalam ko na agad niyang ikinatango.

"Oh sige anak." Patakbo na akong lumabas ng bahay at agad na pinindot ang doorbell kina EJ nang makarating ako sa tapat ng bahay nila.

"Oh Reign," ani Elijah nang mapagbuksan ako ng pinto. "Napadito ka?"

Nagulat siya nang hinawakan ko ang pisngi niya at sinilip ang mata niya. "Umiyak ka ba?" Ani ko habang nakatitig sa asul niyang mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa sinabi ko. "EJ." Sambit ko pa sa pangalan niya bago siya tumango at bumuntong hininga.

"Si Daddy," garalgal niyang sabi. "He was shot last night." Napasinghap ako sa sinabi niya. "I call my Mom to tell her that I pass on our exams, but I stopped talking when I hear her sobbing," Niyakap ko siya nang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Magiging ayos din si Tito Mateo, EJ," pag papatahan ko.

"Nasa Amerika sila ni Mommy, Reign. Kaya nalulungkot ako dahil hindi ko masamahan si Mommy ngayon." Humihikbing aniya. "Ate Rajah took a leave para makapunta ng Amerika, kay Kuya Ryan na lang siya nagpahatid." Dagdag niya.

Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak. Kaya nang kumalma na ay iginiya ko siya papasok ng bahay nila at inabotan ng tubig na inihanda ng katulong.

"Gagaling si Tito, okay?" Sabi ko nang tumahan na siya. "Tito Mateo is a brave Man," tumango tango lang si Elijah sa sinabi ko habang pinupunasan ang luha sa mata.

"Stay with me, Reign, don't leave me here." Aniya sa mababang boses. Mabilis akong tumango sa kaniya bago magsalita.

"I'll stay with you EJ, 'di kita iiwan."

And that's I Promise to You.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top