PLUVIA REIGN - 10
CHAPTER 10
"Reign anak! Nasa baba na si Elijah, hinihintay ka na!" Ani Mama mula sa labas ng kwarto ko.
Napatingin ako sa orasan sa bedside table ko at nakitang saktong alas singko na.
Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan yun habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.
"Ma pakisabi po pahintay sandali." Tumango lang sa'kin si Mama bago nagpaalam na bababa na.
Humarap ako sa vanity mirror at sinuklay ang buhok. Hinati ko yun sa gitna at nang makuntento na ay nag apply lang ako ng liptint at press powder bago tumagilid para tignan ang pagkaka-ayos ng tupi ng t-shirt. Nang makitang ayos na ay muli ko pang tinignan sa salamin ang mukha ko at isnukbit na ang sling bag at sinara ang pinto bago bumaba.
Elijah wore a dark blue polo shirt paired with maong pants and white sneakers na kapareha ng design sa'kin.
Nginitian niya ako nang magtagpo ang aming mga mata habang pababa ako ng hagdan. Nginitian ko siya pabalik bago lumapit kina Kuya at Mama para magpaalam.
"Aalis na po kami Ma, Kuya, baka abotan po kami ng traffic eh." Sabi ko sabay halik sa pisngi nila.
Bumaling ng tingin si Mama kay Elijah na ngayo'y nakatayo na mula sa kinauupuan.
"Elijah anak, mag-iingat kayo ha?" Tumango ang huli sa sinabi ni Mama.
"Opo Tita Rhean." Ani EJ sabay ngiti. Tumango lang si Mama sa sagot niya bago humarap sa'kin.
"Wag kang lalayo kay Elijah at baka mawala ka dun," paalala niya na ikinatawa ni Kuya Ram ng mahina kaya siniko ito ni Ate Ana.
"Ma naman," I grunted. "Hindi na po ako bata."
"Aba Reign anak, unang beses mong pumunta sa ganyang maraming tao." Paalala pa ni Mama na ikinahagikhik nina Kuya. Napanguso akong umiwas ng tingin sa kanila.
Nakakahiya! And'yan yung manliligaw ko!
Lumapit sa akin si Kuya Ryan habang pigil ang ngiti sa labi. "Ma, huwag mo namang gawing baby si Bunso sa harap ng manliligaw niya," nanunuksong aniya na ikinagulat ni Mama at nanlalaking mga matang napatitig sa akin.
"Totoo ba 'yun Reign?"
"M-ma," kinakabahang sambit ko bago pasimpleng kinurot si Kuya na tumawa lang bago nanlalambing na yumakap sa akin.
"Sige na, alam mo naman yang si Mama bini-baby ka masyado. Mag-ga-gabi na, baka ma traffic pa kayo ni Elijah."
Tumango ako bago bumaling ng tingin sa huli na ngayo'y may maliit na ngiti habang nakatingin sa amin.
"Let's go?" Aniya na tinangoan ko lang. Naglakad na siya palapit sa gawi namin at magalang na nagmano kay Mama. "Aalis na po kami ni Reign, Tita Rhean."
"Oo sige, basta Elijah ha? Ingatan mo yang anak ko."
"Opo Tita, makakaasa po kayo."
Yumakap pa ako uli sa kanilang lahat bago kami lumabas na ng bahay. Umuwi ng probinsiya ang family driver nila kaya siya ang magmamaneho ng sasakyan ngayon. Elijah was eighteen years old when he got his driving license. In case na may emergency ang driver nila ay pwede siyang makapag-drive.
Pagkabukas niya ng shotgun seat ay nakangiti akong nagpasalamat sa kaniya bago pumasok. Patakbo niyang tinungo ang driver's seat at nang makapasok ay agad na nag seatbelt. Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan bago bumaling ng tingin sa akin.
"You ready?" Aniya.
"Hmm," I hum, nodding my head. "Excited na ako."
"Okay. For our first 'date' together," aniya at idiniin pa ang salitang DATE. "I-enjoy natin 'to." Natawa lang ako ng mahina sa sinabi niya bago tumango.
Nakaramdam ako ng antok habang nasa biyahe kami kaya pinatulog na muna niya ako at iniabot ang jacket niya para gawing kumot 'yun. Pinatugtog niya ang radyo at sumabay sa pagkanta.
Isang malakas na kulog ang nagpagising sa akin. Natigil rin kami dahil sa traffic. Nakita ko ang salubong na kilay ni Elijah habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.
"Parang uulan yata," ani ko nang makitang madilim sa gawing kanan namin.
"Sana lang ay tumigil na mamaya pag uuwi na tayo," buntong-hininga niya.
"Oo nga. Ayy umandar na EJ." Sabi ko.
Nakarating kami sa arena kung saan gaganapin ang concert ng bandang Magnus Haven. Inalalayan ako ni Elijah papasok ng venue. Pinasuot niya pa sa akin ang dalang maong jacket niya dahil baka lamigin daw ako sa loob. Pagkapasok namin ay marami na ang tao sa loob. Malapit lang kami sa stage kaya kitang-kita ko ang nakahandang gamit ng banda na maya-maya lang ay isa-isa nang nagsilabasan kaya hindi magkamayaw sa hiyawan ang mga tao sa loob.
Napatayo pa ako sa tuwa na ikinailing lang ni Elijah dahil sinabayan ko yun ng sigaw. They start to countdown before we heard the strum of the guitar for the first song- Imahe.
"1, 2, 3,
Kinukulayan ang isipan
Pabalik sa nakaraan
'Wag mo ng balikan
Patuloy ka lang masasaktan
Hindi nagkulang kakaisip
Sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit
Ang pangalang nakasanayan
Tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
Pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi
Sa isa't-isa
Hindi na maibabalik ang dati nating pagsasama
Ang tamis ng iyong halik ay di na madarama
Pangako sa isa't-isa ay 'di na mabubuhay pa
Paaalam sa 'ting pagibig na minsa'y pinag-isa
Tayo ay pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan
Pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi
Sa isa't-isa
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Pagibig na ating sinayang
Pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito na lang tayo
Kinalimutan kahit nahihirapan (oh)
Para sa sariling kapakanan (oh)
Kinalimutan kahit nahihirapan (oh)
Mga oras na hindi na mababalikan
Pinagtagpo
Ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi
Sa isa't-isa..."
Sumabay ang lahat sa pagkanta habang nakataas pa sa ere ang kamay na may hawak pang led light stick.
"Naiiyak ako sa kanta, pero isa ito sa gustong gusto ko." Sabi ko kay EJ habang nagpapahid ng luha. Napatawa lang kami ng sabay nang magtagpo ang aming mga mata. Nagpatuloy sa ikalawang kanta ang bandang Magnus Haven na sinabayan pa rin namin hanggang sa huling kanta bago sila nagtapos.
Alas nuebe na natapos ang concert at bigla pang bumuhos ang malakas na ulan paglabas namin.
"Reign, mamaya na tayo bumiyahe." Ani Elijah sakin na ikinailing ko.
"Baka gabihin tayo lalo, EJ." Nakanguso kong sabi.
"Reign, delikado bumiyahe pauwi. Malakas pa ang ulan." Diin niya.
"Sige," buntong-hiningang sabi ko. "Pero pag humina na ang ulan, agad na tayong bumiyahe ha?"
Kita ko ang pag-aalangan sa mukha niya pero nang makita ang determinasyon kong makauwi ay wala siyang nagawa kundi ang tumango. Naglakad kami sa unahan nang makita ang isang waiting shed na harap mismo ng parking lot. Tahimik na ang paligid dahil kanina pa nakauwi ang ibang dumalo sa concert.
Pinanood pa namin sa youtube channel ng banda ang concert kanina para di kami mabagot kakaantay ng oras na tumila ang ulan. Biglang tumawag si Kuya Ryan kaya napatigil kami sa panonood.
"Hello, Kuya."
"Princess, umuulan daw ng malakas diyan sa bayan. Mamaya na kayo bumiyahe."
"Opo Kuya, 'yun nga rin ang sabi ni EJ."
"Nasa'n kayo ngayon? 'Wag kayong magpapabasa sa ulan."
"Nandito kami sa labas ng arena Kuya. Sa may waiting shed malapit sa parking lot."
"Okay. Kausapin ko si Elijah." Ani Kuya kaya agad kong inabot kay EJ ang cellphone ko.
"Yes Kuya.... opo, mamaya po pag tumila na ang ulan. Ho? A-ahh wala po Kuya eh. Hindi po, nakalimutan ko pong hingin kay Ate ang card ko. Hmmm malayo pa po. Sige po." Maliit ang ngiting ibinalik sakin ni EJ ang cellphone at umiwas pa ng tingin.
"Ano daw sabi?" Tanong ko habang nakatutok muli sa video.
"Ha? A-ahh mamaya na daw tayo uuwi." Nauutal niyang sabi. I just nod my head and ignore him to continue watching video.
Biglang umihip ang malakas na hangin nang tumila na ang ulan. Mag aalas onse na ng gabi kaya pinilit ko na si Elijah na umuwi na kami dahil baka nag-aalala na ngayon sina Mama at Kuya sa bahay. Walang nagawa si Elijah kundi ang imaneho na ang sasakyan niya pauwi. Aabotin kami ng isang oras pauwi kaya sinabi ko sa kanyang medjo bilisan ang pagpatakbo.
"60 lang Reign, mabilis na yung 80." Ulit niya.
"Para nga mabilis na tayong makarating sa'tin." Pamimilit ko pa. He sighed and drove the car at the speed of 80. Kumakanta-kanta pa ako habang nasa daan kami. Nakakunot ang noo ni Elijah habang nagmamaneho kaya kinukulit ko siyang sabayan ako para di sya ma-bored habang nagmamaneho. Tanging iling lang ang naging tugon niya sa'kin.
Napahinto lang ako sa pagkanta nang marinig ko si Elijah na napasinghap. Kasunod nun ang muling pagbuhos ng ulan at nasa medjo kadiliman kaming bahagi ng daan.
"Reign we have to stop here." Aniya.
"Ha? Bakit pa? Ang lapit na natin oh!" Turo ko sa palikong daan kung saan kita na ang malaking hospital na madadaanan namin bago ang subdivision kung sa'n kami nakatira.
"Reign, delikado-"
"Tayo nalang ang nasa daan Elijah, wala ng ibang sasakyan ang nakasunod sa'tin. Pati gabi na rin. Ayaw kong abutan tayo ng umaga dito."
Matalim ang tingin ang ipinukol niya sa akin bago muling pinausad ang sasakyan. At sa di ko maipaliwanag na dahilan ay tila bigla akong nakaramdam ng kaba. Napahawak ako bigla sa braso niya nang ilang metro nalang ay paliko na kami. Napahiyaw ako nang kumulog ng malakas na sinabayan pa ng pagkidlat kaya napapikit akong itinakip sa tenga ang dalawang kamay ko.
Isang malakas na tunog ng malaking truck ang nagpamulat sakin. Pasuray suray ito sa daan na parang nawalan na ng kontrol na dumiretso ito ng takbo paliko sa direksyon namin. At bago paman kami nakaiwas ay isang nakakabinging tunog ng pagsalpok ng sasakyan na ang umalingawngaw at sunod-sunod na narinig bago ko naramdaman ang biglang pagtapon ko sa ere at pandidilim ng paningin.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top