PASIUNA

PASIUNA

'30 minutes nalang Via, malelate kana!'

Kastigo ko sa aking sarili habang nagmamadaling maglakad papuntang sakayan ng jeep - napilitan akong mag commute ngayon dahil biglang nagloko ang paboritong sasakyan ko na ibinigay sa akin ng kuya Ramses ko.

Paboritong sasakyan mo, pero di ka paborito! Tsk

Sa sobrang luma narin kasi nun kaya naka ilang beses nang nangyaring ganito ang eksena ko.

Kainis naman kasi. Bakit di pa ako agad bumangon kanina ..

Tumutulo na ang pawis ko dahil bukod sa maalinsangan ang panahon at siksikan na halos sa loob ng jeep eh naka corporate attire pa ako. Muntik pa akong mapasubsob dahil natapilok ako sa pagmamadaling makasakay kaagad.

"Naku naman, huwag ka ng dumagdag sa problema ko please." Mahina kong usal sa sarili habang chinecheck ang 2inch na sapatos pang trabaho.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang maayos naman ito. Maya maya pa ay umandar na ang jeep at biglang tumunog ang lumang selpon ko na binigay lang din sa akin ng kuya Ryan ko.

Sa totoo lang halos lahat ng gamit meron ako, galing sa mga kuya ko. Sayang naman kasi kung bibili pa ako ng bago kung may pinaglumaan naman sila na pwede pang magamit diba?

Tinignan ko kung sino ang tumawag at napangiwi nang makitang ang kaibigan slash katrabaho kong si Jhiny ang tumawag. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot.

"Via girl, nasan kana?" Anito nang sagotin ko ang tawag.

"A-ahh Jhiny, nasiraan kasi ako ng sasakyan eh, kaya no choice ako kundi ang mag commute."

"Nako naman Reynang Via, ngayon kapa talaga nasiraan kung kailan ipapakilala ang bagong CEO."

Napasapo nalang ako sa noo ko nang maalala yun. Lagot yan! Baby vroom bakit naman kasi ngayon pa. huhu.

"Makakahabol naman siguro ako diba? I m-mean may ahh," tinignan ko sandali ang oras. "May 20 minutes pa naman ako jhi. Tsaka mabilis naman ang andar ng jeep."

"Hay nako friend, o sya sige na sige na. Sasabihan ko nalang si Miss Amelia Aguilar pag hinanap ka niya."

"O-okay jhi. Salamat."

Yun lang at pinatay na niya agad ang tawag. Tumingin ako sa labas para tignan kong malapit naba kami sa bayan. At salamat at dininig ng langit ang hiling ko.

"Manong para po dyan sa tabi.... Salamat po."

Nagmamadali agad akong tumawid sa kabilang kalsada dahil 15 minutes nalang at mag aalas otso na.

'Takbo lang ng takbo Pluvia Reign, makakaabot din tayo sa nakatakdang oras'

Parang tangang usal ko sa sarili habang papasok ng AAC - ang kumpanya kong saan ako nagtatrabaho. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita kong bukas na ang paborito kong Coffeeshop, kaya dumaan muna ako dun para bumili ng paborito kong kape.

"85 pesos po ma'am," sabi ng kahera sa akin at agad ko namang iniabot sa kanya ang bayad ko. "Thank you ma'am. Here's your order, enjoy your coffee!"

Tanging tipid na ngiti at tango nalang ang naisagot ko sa kahera at lumabas na ako agad ng coffeeshop. Hawak sa kanang kamay ang kape ko at sa kaliwa naman ang wallet ko na hirap akong ipasok yun sa loob ng bag ko.

"Kainis naman oo," inis kong sabi habang sinusubukang ipasok sa bag ang wallet ko.

Hays sa wakas!

Napahinga ako ng malalim ng sa wakas ay naisilid kona din sa bag ang wallet ko, nakayuko pa ako ng ulo habang naglalakad dahil sinasara ko pa pabalik ang bag ko ng bigla akong mabangga sa isang poste - este sa isang tao na nakasuot ng American suit, napanganga at nanlalaki ang mga mata ko ng makitang natapunan ko ng kape ang panloob niyang long sleeves polo.

Hala!

Narinig kong napamura ng mahina ang nakabangga ko habang pinupunasan niya ang kanyang panloob na long sleeves polo gamit ang panyo.

"H-hala s-sorry po. Hindi ko po sinasadya." Kinakabahang sabi ko sabay bukas ng bag ko para maghanap ng tissue. "A-ahm may tissue po ako di-

Napahinto ako sa pagsasalita nang pag tingala ko ay nakita ko ang kulay asul na mga mata ng kaharap ko, napakurap pa ako ng dalawang beses dahil baka namamalikmata lang ako. Pero totoo ngang kulay asul yun. Wow!

'Kulay asul na mga mata na parang pamilyar sa akin.'

Papalit palit ang tingin ko sa mga mata niya at napaiwas din agad ng tingin ng inilapit niya bigla sa akin ang mukha niya. Napatikhim ako bago binalik ang tingin sa kanya.

"Pasensya po ulit," sinserong sabi ko sabay yuko ng kunti. "Hindi kopo talaga sinasadya Sir."

"It's okay. It's my fault too."

Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko ang boses niya. Ang sexy naman, gwapo na nga mukha, maganda pa boses.

Nginitian ko lang sya ng pilit. "S-sige po. Pasensya ulit. Uuna na po ako." Mabilis pa sa alas kwatro kong tinungo ang elevator paakyat ng ikatlong palapag kung saan naroon ang aking opisina.

'Kulay asul na mga mata. At ang boses niya! Bakit napaka pamilyar sa'kin yun?'

Ting!

Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ng bumukas ang pinto ng elevator. Malalaking hakbang na tinungo ko agad ang opisina ko at inilapag sa table ang kape. Nilagay ko lang sa kanang bahagi ang bag ko kung san naroon ang mini table na may picture frame ng buong pamilya ko. Ngumiti ako sabay baling ng tingin sa kaliwang bahagi ko kung nasaan si Jhiny nakapwesto, nakataas pa ang kilay niya kaya ngumiti ako ng pilit sa kanya sabay kaway.

Umismid siya at tumayo palapit sa'kin. "Five minutes nalang sana Reynang Via at malelate kana. Buti nalang at hindi pa dumating si Miss Amelia." Mataray na sabi niya sakin sabay halik sa pisngi ko.

"Eh hindi ko naman kasi alam na mamalasin ako sa araw na 'to. Hindi ako na update ni baby vroom ko," nakanguso kong sabi sa kanya at inirapan lang niya ako.

"Luh paano naman kasi, nagtitiis kapa dyan sa lumang sasakyan mo kung pwede ka namang bumili ng bago diba? Kuripot ka din eh no."

Napailing ako sa sinabi niya. "Saka na ako bibili Jhiny kapag naisama ako sa tataasan ang sahod. Alam mo namang may pinag gagastusan pa ako diba?"

"Sabagay. Sige na ayosin mo na yang sarili mo at-

Knock! Knock!

Naputol ang sasabihin niya ng may kumatok sa kahoy na nagsisilbing dibisyon ng aming opisina at ng CEO.

"Hey girls!" masayang bati sa'min ni Rhodalyn, ang PA ni Miss Amelia na naging kaibigan nadin namin ni Jhiny.

Sabay kaming napatayo ni jhiny para yakapin si Rhoda.

"Aysh ano ba 'yan! Masisira ang aurahan ko. Kalma girls hahaha. Labas na kayo dyang dalawa, nasa labas na lahat ng empleyado."

Sabay kaming tatlong lumabas ng hallway at nagkatinginan pa kami ni Jhiny nang makitang halos lahat nandito na.

"Okay... I guess everyone is already here," panimulang sabi ni Miss Amy habang tinitignan isa-isa ang nandun. Ngumiti siya ng mapadapo ang tingin niya sakin kaya tumango ako bilang paggalang. "I already announce this before that I'll be resigning this day as the CEO of the AAC company, and my son will replace me as CEO."

"I won't take it longer, everyone, please welcome my son - Elijah Aguilar Dominguez."

Elijah Aguilar Dominguez

Elijah Aguilar Dominguez

Elijah Aguilar Dominguez

Para akong nahilo bigla nang parang sirang plaka na nagpa ulit ulit sa pandinig ko ang pangalan na 'yun. Napasapo ako sa noo ko nang may mga imahe ng dalawang bata na biglang naging malinaw sa isipan ko.

"Elijah! hi," masayang bati ng batang babae sa isang batang lalaki. Humarap ito sa kanya kaya napatitig siya sa mga mata nito.

"Wow EJ ang ganda ng mga mata mo, kulay asul."

Asul.

Naidilat ko bigla ang mga mata ko at nagulat ng makita kong nakatitig sa akin ang lalaking nakabangga ko kanina na ngayoy katabi na ni Miss Amelia.

Kulay asul na mga mata

Elijah. EJ

Siya ba ang batang EJ na laging napapanaginipan ko?



Ang batang EJ na matalik na kaibigan ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top